CHAPTER 11:

1.4K 47 0
                                    

Kinabukasan ay pinuntahan ni Elise ang kanyang bihag sa kabilang silid. Naabutan niya itong patagilid na nakahiga at yakap-yakap ang sarili. Gustuhin man niyang maawa rito ay pinigil niya ang kanyang sarili. Isinara niya ang pinto at lumapit sa dalaga.

"Hoy! Bumangon ka diyan!" Bulyaw niya kay Aika kasabay ang pagsipa dito dahilan para mapabalikwas ito sa mula sa pagkakahiga.

"Ano bang balak mo sa'kin?" tanong nito.

"Bakit, naiinip ka na ba?" nakangising tugon niya rito.

"Please! Gusto ko ng umuwi," ani Aika.

"Namimiss mo na ba ang Daddy mo?"

"Oo." Kasabay niyon ay tumayo ito at hinawakan ang kanyang kamay. "Please! Ibalik mo na'ko sa bahay."

Iwinaksi niya ang kamay nito at marahang tumalikod. Huminga siya ng malalim bago muling humarap dito.

"Maglalaro muna tayo bago kita ibalik sa ama mo."

"Anong... anong klaseng laro?"

"Ganito!" Aniya dito at sinampal ito ng malakas.

Sapo ang nasaktang pisngi ay luhaang tumingin ang dalaga sa kanya. Bumuka ang bibig nito na tila may gustong sabihin ngunit walang katagang lumabas doon.

"Ano, masakit ba? Kulang pa 'yan kumpara sa ipinaranas na sakit sa'kin ng ama mo!"

"Ano ba talagang kasalanan ng Daddy ko sayo?"

"Marami. Una, kasabwat siya ng taong pumatay sa mga Pamilya ko. Pangalawa, winasak niya ang buhay at kínabukasan ko. At alam mo ba kung ano ang pangatlo, ha?! Nawala ang sana'y pamangkin ko dahil sa kagagawan ng ama mo!"

"Hindi! Hindi yan kayang gawin ng Daddy ko!" sigaw nito.

"Nagawa na niya!" balik-sigaw niya rito. "At pagpapabayaran niya ang mga kasalanan na iyon sa pamamagitan mo!" Pagkawika niyon ay binunot niya ang baril at walang pakundangang pinaputukan ito sa binti.

Napaluhod ito sa sahig habang umiiyak, "Huwag mo'kong patayin, parang awa mo na!"

"Awa? Bakit, naawa ba ang ama mo sa ginawa niya sa'kin? Nagsisi ba siya? Hindi! Kaya walang lugar sa'kin ang awa!"

"Please! Ayaw ko pang mamatay!" Pagmamaawa nito at muli ay paluhod na lumapit sa kanya. "Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong patayin."

Yumuko siya at nakangising hinawakan ang dalaga sa baba. "Gagawin mo ang lahat? Sigurado ka?"

"O--o," nangangatal nitong turan.

"Ulitin mo!"

"Oo."

"Ulitin mo!"

"Oo."

"Isa pa!"

"Oo."

"Very good! At dahil sinabi mong gagawin mo ang lahat, sige maghubad ka!"

"A--ano--ng?"

"Maghuhubad ka ba o hindi?" Malakas niyang saad at hinila ito patayo.

"Magh--huhubad na!" At mabilis nga nitong hinubad ang pang-itaas na damit.

"Dapa!"

"Huh?"

"Dadapa ka ba o gusto mo ng mamatay?" Sa pagkakataong iyon ay humakbang siya patungo sa likuran nito at hinawakan ito sa buhok. "Dapa!" Aniya kasabay niyon ay tinutukan niya ito ng baril sa sintido.

"Sabi ko nga, dadapa na," naiiyak nitong tugon.

"Good! Marunong ka rin naman palang sumunod."

"A-anong gagawin mo sa'kin?"

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon