IFNC: Back to Philippines✈

1 0 0
                                    

Iane's POV

Kanina pa kami nakasakay sa eroplano pabalik ng Pilipinas.. Paulit ulit akong tinanong ni Ynah kung kaya ko naba talaga.

Pero desidido na ko. Hindi pwedeng magtatago na lang ako sa nakaraan ko. Hindi pwedeng parati na lang akong matatakot.

Minasdan ko ang ulap.

Ang payapa. Sobrang payapa.

Ang asul na kalangitan at dagat. Ang ganda.

"Nakikita mo ba yung mga ulap?"

"Oo naman nasa iisang langit lang naman tayo eh" at tumawa siya.

"Alam mo bang kumakalma ko kapag nakakakita ko ng ulap sa langit lalo na kung asul na asul ang langit. Gusto ko silang maabot" sabi ko sa taong katabi ko.

"Oo maganda nga ang kalangitan. Parang ikaw. Akala ko di talaga kita maaabot.. Akala ko hanggang tingin na lang ako sayo.. Pero ito ka ngayon..."at tumingin sya sakin...di ko alam pero habang nagsasalita siya napatiug na lang ako.

Siya yung taong kapag nagsalita.. Mapapatitig ka na lang.

"...katabi ko na" at saka siya ngumiti. Katulad ko mararating mo rin yang kalangitan...kung pag-aaralan mong wag matakot.."

Mga ala-ala. Wag matakot.. Tama. Pano ko nga naman magagawa ang gusto ko kung matatakot ako. Pero katulad ng sinabi niya noon. Kahit gustuhin kong hindi kami magkatagpo.. Nasa iisang langit lang kami...

At kung magkita man kami...

Kailangan kong maging matatag at balewalain ang nakaraan namin.

Dahil tapos na yun. At kung paulit ulit ko nalang babalikan. Di ako matatapos.

Aang nakaraan kong parang kumunoy na pilit akong nilalamon..pero di ako papayag na lamunin na lang ako nito..pipilitin kong makaahon..

At maguumpisa yun sa pagtapak kong muli ng Pilipinas..

"Please fasten your seatbelt. We're about to land. Again, fasten your seatbelt" narinig kong paalala ng flight attendant..

~~~~~~~~~~~

" Lets go? Di raw tayo masusundo nila Tita eh. Alam mo naman." Sabi ni Ynah. At naglakad na kami.

Nang may pumaradang van sa harap namin.

At iniluwa nito si....

"Bessy!!!" Di ko na kailangan pang sabihin. Hahaha.

"Oops wait... Guys ilabas nyo na yan!" At may lumabas na tatlong tao mula sa van. At may inilatag na "WELCOME HOME PRETTY FRIENDS" with confetti.

"Hahaha. Nag-abala ka pa!" At niyakap ko na nag bruha.

"Syempre naman. Antagal kitang di nakita tas ano yun wala wala lang? Hahaha. Sge na tara na dun na tayo sa bahay nyo tumuloy" pagmamadali nito bago pa kami magiyakan dito.

"Ano ba yan pakainin kampa rin ba sa bahay nila Iane?" Si Ynah naman. Hahaha

"Ano ba? Masanay na kayo! Para namang nakakabastos naman. Hahaha." At sabay sabay na kaming nagtawanan at sumakay sa van.

~~~~~~~~~~~

"Welcome Home Ate!"

If Forever Never ComesWhere stories live. Discover now