IFNC: Memories II 🎁

2 0 0
                                    

Our awkward moment. Hahaha.

Napapangiti ako habang naalala ko yun. First talk.

"Mr. Sandoval. your turn" Waaahh. buti di pa ko natatawag.

Habang nagrerecite si Bryl nakatingin lang siya sa kisame. Ano bang meron dun? Hahaha.

"Hahahaha. Jem. Tingnan mo si Bryl oh. Sa kisame nakatingin. Hahaha." Tawag-pansin ko kay Jem. Friend ko.

"Hahaha. Oo nga. Parang bagtit" sabi niya naman

"Yung buhok kamo parang malalaglagan ng butiki. Pag nalaglag butiki jan. Kawawa naman" umisa pa ko. Hahaha. Nakakatawa kasi yung buhok niya. Parang isang galong gel ang inilagay para lang tumaas.

"Bakit?" Tanong ni Jem na halatang nagtataka.

"Paano mamatay. Matutusok e. Hahahahaha" so hanggang matapos siya natatawa lang ako.

"Hoy daldal!" Si Rae. Ang pinakabwisit kong kaklase.

Inirapan ko lang siya at nanahimik.

"Hahaha. Panget." Ang gwapo mo po kuya.

"Ano ba? Akala mo kunsinong gwapo ka makasabi ka ng panget" saad ko naman. Oo ganito nalang kami araw-araw.

Hobby niya atang asarin ako.

Sirain yung araw ko.

"Si Rae pumoporma na naman kay Iane" tukso nung mga kaklase ko sa likod na barkada ni Bryl.

Tumingin naman ako sa kanila at nagbigay ng isang pamatay na tingin.

Napansin ko naman si Bryl na nakatawa.

Tss!

"Oops. Di na po master. Baka magalit si Rae."

Parati nalang nila ko inaasar kay Rae.

Sabi kasi nila crush daw ako nito. Pero sa totoo lang ewan ko kung inaasar lang nila ko. Haha

Di ko naman type yun. Dahil nakakabwisit sya!

Kahit siya nalang ang lalaki sa mundo.

No way! Sabi ko nga sa mga kaibigan ko.

"The more you hate, the more you love" yan naman ang lagi nilang sinasabi sakin.

3months later. Magbabakasyon na. Pero kami ni Bryl. Ayun first and last talk na ata namin yun. Haha.

Pero tulad noon na ayaw ko sa section 1.. Hinihiling ko ngayon na dito na lang ulit ako next year..

"Uhm. Iane?" Si Claire. Kaibigan nila Bryl at Rae.

Tumingin naman ako sa kaniya.

"Si Rae daw mamimiss ka" sabi niya.

Tumingin naman ako kay Rae. actually nung malapit na ngang magbakasyon. Tinetext niya ko. At umamin na rin siya na crush niya ko.

At ang higit pa ron nanliligaw siya. Diba haba ng hair ko. Hahaha

Ngumiti lang ako at hinarap si Ma'am Jelody na adviser namin.

"Ikaw Iane ah. Crush ka pala ni Rae." Tukso naman ni Ma'am.

"Ayah. Si Maam ai" hahaha.

Pagkatapos naming magpapirma ng clearance ay umuwi na kami.. Hayy. Mamimiss ko naman sila. Haha

If Forever Never ComesWhere stories live. Discover now