Kaibigan Lang Kasi

10 0 0
                                    

Sa bawat pagpitik

Ng kamay ng orasan

Narito ako

Handa kang pagsilbihan

Pero gusto kita

Kahit hindi maaari

Masakit mang isipin

Kaibigan lang kasi

Susuungin ko ang bagyo

Dadaan sa baga para sa 'yo

Ngunit hindi na bale

Kaibigan lang kasi

Habang tumitipa

Tumutulo ang luha

Sabi nga nila

Mahirap magmahal ng makata

Masyado raw seryoso

Masyadong mailusyon

Ngunit sa bawat pagpitik

Ng kamay ng orasan

Nandito lang ako

Handa kang saklolohan

Ngunit sa bawat pagpitik

Ng kamay ng orasan

Nandito pa rin ako

Kahit ako'y iyong nakaligtaan

Gagawin ko ang lahat

Buwan man ay aking mabuhat

Walang bilang sa'yo

Paano ba kasi

Reyna ka ng ibang hari

Hindi na ako tututol

Kaibigan lang kasi

KatagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon