Akala Ko

9 0 0
                                    

Akala ko simple lang ang lahat
Noong ang ating mga kamay
Ay magkalapat
Na para bang walang iniintindi
Na para bang walang pighati sa huli

Ngunit tayo'y dumating na,
Sa pinakakinakatakutang huli
Matapos ang lahat
Tatlong taong kay tagal
May silbi hindi dahil natapos na
Ngunit dahil ika'y nakatabi
Kahit sandali, iniugnay tayo ng tali

Akala ko kasi'y walang puputol
Dahil pareho tayong nagmamahalan
May mahal kang iba?
Ngayon ko lang nalaman

Hindi ko pa rin malilimutan
Ang mga bagay na akala ko'y
Walang katapusan
Ang milyon-milyong halik
Oras ng pagkasabik
Na makita kang muli
Sa iyong pagbabalik
Ngunit iyong pagkasabik,
Nanatiling pagkasabik
Dahil alam kong kailanma'y
'Di ka na babalik

Ang iyong hindi mabibiling ngiti
O kaya'y pagtawa sa aking hilik
Sa iyong tabi
Akala ko, akala ko, akala ko, akala ko,
Marami akong inakala,
Ngunit lahat ay mali

KatagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon