[Siren]
"Ms. Siren! Tulong naman oh! May nag-aaway na naman kasi sa section ng Charity."Ano ba naman 'yan. Ang aga-aga may kumakatok na sa office ko. Tinignan ko kung sino 'yung kumatok. Si Yanna pala, 'yung isa sa mga peace officers ko. Hindi na siguro kinaya 'yung mga nag-aaway. Nako. Ang aga-aga may nag-aaway. Sino na naman kaya yung mga nagkabungguan ngayon? Nakakastress.
Hinilot ko ang sintido ko. Ano na bang oras? Tumingin ako sa wristwatch ko and it says 8:32. Ang aga pa pala. Nag-unat muna ako ng katawan. Feeling ko talaga kulang na kulang 'yung tulog ko. Kasalanan ko 'to eh. Bakit pa kasi ako nagmovie-marathon kagabi?
Kinuha ko yung log book at yung arnis stick ko na parati kong dala-dala. Haist. Inaantok pa talaga ako eh. Wala pa naman ako sa mood. Kawawa naman yung madadatnan ko. Sa kanila ko yata maibubuhos yung lahat ng bad vibes na naipon ko ngayong umaga. Una, 'yung kuya kong si Spear, umagang-umaga ako yung napagtripan, pangalawa, 'yung bunso naman namin na si Sapphire, ginamit yung isa sa mga pinakaiingatan kong sapatos na ayaw kong ipagalaw sa kahit kanino. Tapos ito ngayon, wala pa akong dalawang oras magmula ng dumating ako sa eskwelahan, may kailangan na naman ako aregluhin na away. Ayaw ko na. (._.)
Tinignan ko kung maayos 'yung suot kong uniformat pagkatapos ay lumabas na ako sa office ko at sinundan na si Yanna. Pagkarating namin naman sa tapat ng room ng Charity ay nakita ko 'yung dalawang nag-aaway. Iyong isa ay pumutok na ang labi, 'yung isa naman ay may black eye na sa dalawang mata. Tss. Kawawa naman. Uuwi mamaya ng mukhang panda 'to. Lahat ng mga classmates nila ay wala sa pwesto. Grabe, ang gulo nila. Yung mga lalaki nilang kaklase ay sinusubukang awatin 'yung dalawang nag-aaway, yung mga babae naman ay hati. Mayroong nagchicheer kung sino man 'yung kinakampihan nila sa dalawang nagsusuntukan, at 'yung iba ay nakikinood lang at wala man lang pakialam.
Pumasok na ako sa loob habang nasa likod ko si Yanna at wala man lang nakapansin sa amin. Bigla kong hinampas ng malakas ang isa sa mga chairs at napatigil ang lahat. Tss. Nasira 'yung upuan. Hindi bale. Papapalitan ko na lang mamaya kay Manong Ben.
Nagulat at napatigil naman ang lahat ng marinig nila yung paghampas ko. Pati 'yung dalawang nagsusuntukan, napatigil.
"M-Ms. Siren." nauutal na sabi nung pumutok ang labi, si Aki Solomon. Namemorya ko na ang pangalan niya dahil parati na lang akong tinatawag dahil sa mga kabulastugan niya at isa siya sa mga suking bisita ng office ko. Isang linya na lang ang kulang sa tabi ng pangalan niya dito sa log book ko, at maswerte na naman siyang mapapatawan ng isang buwang detention.
Nag-ayos ng sarili niya si Aki, pati na rin ang naka-away niya na nabigyan niya ng dalawang black-eye, si Peter Miranda. Isa rin 'yan sa mga parating bisita sa office ko. Nako.
"Kayong dalawa. Sumunod kayo sa office ko."
Takot na sumunod sa akin 'yung dalawa. Kasalanan naman nila eh. Galitin mo na ang bagong gising, huwag lang ang kulang sa tulog. At gumalit ka na ng amasona, huwag lang ang pinakaamasona sa lahat.
Pagkarating namin sa office ay dineretso ko agad 'yung dalawa.
"Anong problema? Talaga bang balak niyong sirain ang image ng mga taga-Northville!?" Tahimik lang 'yung dalawa. Natakot atang magsalita.
"Bakit nagkasuntukan kayo kanina? What was the commotion all about?"
Tahimik pa rin 'yung dalawa. Wala atang balak magsilata ang mga 'to eh.
"Teka lang, alam ko mayroon akong listahan ng phone numbers ng parents ng mga students dito sa office ko. Pakihanap nga 'yon Yanna." Tumango naman si Yanna at aktong hahanapin na nga 'yung phone book ng biglang nagsalita si Aki.
BINABASA MO ANG
Collision
Teen Fiction"Ano ba talagang problema mo, ha?!" "Ikaw. Ikaw ang problema ko."