Chapter 10

2 0 0
                                    

[Siren]

Surprisingly, the day went great with Frost. Akala ko mapupunta lang sa wala 'yung pag-aaya niya sa akin. But everything went just nice.

After a few minutes away from our house ay nakarating kami ni Frost sa isang ice cream parlor. Pagkarating namin ay kaunti lang naman ang mga tao. Halos mga babaeng  high school students lang din na juniors. Nakakaintimidate nga na kasama ko siya eh. Paano ba naman, pinagtitinginan siya ng mga costumers dito. Alam ko naman na sikat 'yung grupo nila, lalo na siya. Kaso nakakailang. Nacucurious tuloy ako sa sarili ko dahil sa kanya.

Habang papunta kami sa counter ay nakarinig ako ng bulung-bulungan.

"Hey girl, diba si Frost 'yun? 'Yung leader ng Black Blizzard?"

"Oo girl, siya nga. Teka, sino 'yung kasama niya?"

"I don't know, baka girlfriend niya."

"No way, according sa pinsan ko na kaklase ni Haze, wala pa daw silang girlfriend."

"Who knows girls, malay niyo she's one of the girls na ka-fling ni Frost. Nagpupunta ang Black Blizzard sa mga bar and who actually knows diba?"

What? Ano? Ako? Fling? Are you kidding me?

"You seem uncomfortable."

Tumango ako sa kanya. Sino ba namang magiging komportable sa narining ko. Parang sinabihan na rin nila ako ng flirt. Who talks about other's lives anyways? Tss.

"Ano bang flavor 'yung gusto mo? I'll just take it for you. Bumalik ka na lang sa car. We still have places to go anyways."

We still have places to go anyways?

"Sige. Rocky road na lang. I'll just wait for you then."

Noong pabalik na ako sa kotse ni Frost ay nadaanan ko na naman 'yung mga gossip girls. Ayaw ko naman sanang makinig pero ang lakas ng mga boses nila.

"Girl, di ba wala pang naisasakay na babae si Frost sa car niya maliban sa mom niya and his sister?"

Grabe naman 'yung mga 'to. Ano sila, mga stalker? Pati ba naman 'yun alam nila?!

"Oo girl, baka nga girlfriend niya 'yung kasama niya. But hey, no way. That can't be dahil magiging akin pa siya."

Tss.

Edi iyo na. Iyong-iyo.

Badtrip.

Binilisan ko na lang 'yung lakad ko para makalabas doon at bumalik sa kotse ni Frost. Ano ba 'yan. Bakit ba hindi makuntento 'yung ibang tao kung anong meron sila? Bakit hindi sila makuntento sa buhay nila?

Tapos bakit ba may mga taong ang harot-harot eh no? Lalo na 'yung mga bata kanina? Junior high school students pa lang sila ah? Their number plate even says 9. So Grade 9 students pa lang sila? And then 'yung nasa isip nila maging boyfriend nila si Frost?! He is no one's, okay? Nakakaasar.

After a few minutes ay bumalik na si Frost sa kotse dala 'yung mga ice cream namin. Iyong sa akin ay rocky road as what I told him at 'yung sa kanya ay double dutch.

CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon