[Siren]
Pagkagising ko ay sobrang sakit ng katawan ko. Wala pa akong pahinga at hindi ako makapaniwalang nakidnap nga talaga ako. Hindi ko alam kung sinong pwedeng gumawa sa akin nito, wala naman akong kaaway sa school at alam kong wala namang gagawa sa akin nito.
Inilibot ko ang mga mata ko. Narealize ko na nakabusal pala ng panyo ang bibig ko at nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuan na kinauupuan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero sigurado akong dinala nila ako sa isang lumang warehouse base na rin sa itsura ng paligid ko.
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Wow. Gising ka na pala Siren."
Gustong-gusto ko sana siyang sagutin. Ay hindi. Grabe. Tulog na tulog pa nga ako oh, tignan mo 'yung mga talukap ng mga mata ko, nakapikit pa. Tss.
Hindi ko alam kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Sa tingin ko ay mas matanda siya sa aking ng isa o dalawang taon. Sinenyasan niya ang nga kasama niya na tanggalin 'yung panyo sa bibig ko.
"Sino ka ba?! Bakit kilala mo ako? Anong ginagawa ko dito?! Anong kasalanan ko sa'yo?"
Natawa lang siya sa inasal ko. Nakakaasar marining 'yung halakhak niya at hindi ako natutuwa na nagtatagal ako sa lugar na ito.
"Chill ka lang. Hindi naman importante kung sino ako. What's important ay dumating ang hinihintay ko."
Sino bang hinihintay nito? Wala naman akong maalalang atraso sa kanya at mas lalong wala akong kaalam-alam tungkol sa kanya.
Wala akong inaasahan na magliligtas sa akin sa oras na ito. Mukha namang walang gagawing masama ang lalaking ito sa akin at talagang ginawa niya lang akong pain, pero masama pa rin talaga ang kutob ko dahil na rin sa ginawa nilang pagdukot sa akin.
I hate the fact that I can't even do things to save myself from these people and this situation.
"Damn it." I mumbled beneath my breath. I'm starting to get pissed. Sino ba talaga ang hinihintay ng lalaking 'to? Wala naman talaga akong alam na atraso ko sa kanya. Alam ko na isa kong mahigpit na SC President, marami na akong naparusahan na students, pero wala akong maalala na napunta siya sa office ko, at mas lalong alam kong hindi ko naman siya schoolmate.
Habang sinusubukan kong kalagin ang lubid na nagtatali sa mga kamay ko ay bigla na namang nagsalita 'yung lalaki.
"Mukhang hindi ata darating 'yung hinihintay kong kapalit mo Siren. Kapag hindi siya dumating-" Tumigil siya sandali sa pag-ikot sa paligid ng upuan ko at pumunta sa likuran ko. "Ano kayang magandang gawin sa'yo?"
Sinisimulan na akong kabahan. Ano ba talagang gusto ng lalaking 'to? Biglang may inilabas siyang isang kutsilyo at baril. Pakiramdam ko ay namutla ako. Pinigilan kong manginig ang katawan para hindi nila makita na kinakabahan at natatakot ako. Kilala ako bilang isang matapang na tao. Ayaw kong mabasag ang image kong 'yon sa ibang tao.
"Mamili ka. Anong gusto mo, kutsilyo o baril?" Tanong niya habang nilalaro ang dalawang binanggit niya sa bawat isa sa mga kamay niya. "Ay huwag na pala. Boring lang 'yung dalawa. May naisip akong mas masaya." Dinilaan niya ang ilalim niyang labi at kinagat 'yon. Grabe. Ang manyakis nito. Gusto ko ng makaalis dito. "Gusto mo ba maglaro tayo?"
BINABASA MO ANG
Collision
Teen Fiction"Ano ba talagang problema mo, ha?!" "Ikaw. Ikaw ang problema ko."