[Siren]
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, at kung anong mararamdaman ko. Alam kong masama at isang kasalanan ang pumatay at makapatay ng kapwa, pero feeling ko talaga makakapatay ako hanggang nandito sa harap ko 'tong lalaking pinaglihi sa yelo na 'to. Ipagdasal niyo na 'yung kaluluwa ko, baka maya-maya lang may makita na kayong lalaki na naliligo sa sarili niyang dugo at puro pasa."Talaga bang sinusubukan mo ako? No one has ever dared to talk back on my face." Pagkatapos ko dito, kailangan ko talagang magpacheck ng blood pressure ko. Baka 17 years old pa lang ako, may cardiovascular disease na ako, much worse baka mastroke pa ako dahil sa lalaking 'to.
"Well, now you know that someone does. I dare."
Will he continue on being a jerk in front of me? Is this how men suppose to treat women? He's getting into my nerves. (→_→)
"Hindi ka ba tinuruan ng mother mo kung paano irespeto ang mga babae, ha?"
Inirapan lang ako ng lalaking pinaglihi sa yelo. Iyong apat naman niyang kasama natatawa na lang. Tss. Napupuno na talaga ako.
"Detention for a day, community service for a week starting on Monday, and call their parents. As soon as possible. Take note of that." Pinasulat ko agad sa secretary ko, si Halaira, lahat ng punishment na makukuha ng limang lalaki na nangbully. Grabe. Baka atakihin na ako sa puso dahil sa mga 'to, lalo na yung lalaking pinaglihi sa yelo.
"What?! Lahat ng 'yan dahil lang napagkatuwaan namin 'yang lalaking 'yan? Tss. Sino ka ba?" Ang lakas talaga ng topak nitong gago na 'to eh no? Kasalanan naman niya eh. Nagkamali siya ng binangga.
"Sorry. Oo nga pala. Transferee ka nga pala dito sa Northville. Well, I'm very pleased to meet you, Mr. Kim, I'm Siren Aphrodite Min, the Supreme School Council President, one of the seven Prefects of Discipline of Northville International School, and the Highest in the Ladder of 10 ng Northville. Siguro naman nasagot na ng pagpapakilala ko sa'yo kung bakit kaya kong ipataw sa inyong lima lahat ng parusa na binanggit ko kanina."
Nakita kong umirap na naman 'yung lalaking pinaglihi sa yelo, habang yung apat na kasama naman niya ay natawa na lang ng mahina. Tss.
Pinapunta ko na si Halaira sa detention room at inutusan na sabihin sa bantay doon na may papasok at madedetain. Grabe talaga. Nakakastress. Hindi naman ako humingi ng kamalasan eh. Tulog lang naman 'yung gusto ko eh. Tulog lang. (TдT) Friday na Friday. Dapat TGIF ngayon eh. (T.T)
Bigla namang nagsalita 'yung mukhang hamster dun sa lima. Grabe. Ang cute niya talaga. Ang sarap pisilin ng pisngi.
"Ms. Siren, hindi mo na ba pwedeng bawasan yung parusa namin, kahit yung parents needed lang 'yung tanggalin mo. Pleaseeee?" Pigilan niyo ako. Baka makurot ko pisngi nito.
"Alam mo Mr.-" Tinignan ko muna 'yung name plate niya. Kwon, LF S. Ah. Kwon pala apelyido nito. "Mr. Kwon, hindi naman sana kasi ganyan kabigat 'yung mga parusa na ibibigay ko sa inyo. Kaso-" Tinuro ko 'yung pinaglihi sa yelo. "Iyang si Mr. Kim, sinagot-sagot pa ako. And as you know, bullying is a great offense. You can get yourselves into jail." Napasimangit at nagpout naman bigla si Hamster. Sinamaan lang ako ng tingin nung Kim. Grabe talaga. Ilayo niyo ako dito baka masakal ko na.
Bumukas ang pinto ng office ko, at pumasok na si Halaira. Sa wakas, maaalis na rin sa harap ko itong mga lalaking nakakaasar na 'to. Ay, hindi pa mga, isa lang pala. Tss.
"Siren okay na daw, pwede na silang dalhin dun."
"Kyle. Jiro. Isama niyo na itong limang ito. Escort them to the detention room. Baka kasi tumakas at maligaw pa. Kawawa naman. Yanna, dalhin mo na siya sa clinic. Ipagamot mo kay Nurse Ann 'yung mga pasa at sugat niya." Ibinaling ko 'yung tingin ko sa lima. "Don't worry, kayong lima, hindi naman ako 'yung kakausap sa mga parents niyo, 'yung mga school admin. Hindi nila malalaman kung anong nangyari ngayon dito sa office ko. Huwag kayong mag-alala. Basta magdasal na lang kayo na sana huwag dagdagan ng mga school admin 'yung mga parusa niyo."
BINABASA MO ANG
Collision
Teen Fiction"Ano ba talagang problema mo, ha?!" "Ikaw. Ikaw ang problema ko."