Naglalakad sa parking lot si Maine ng biglang may humawak ng braso nya.
"Jake?" Nakangiting sabi ni Maine.
"We need to talk right now! Bakit ka nagsinungaling?" Jake.
"H-ha? Sinungaling?" Maine.
"Yeah, nagsinungaling ka sakin. Hindi ba si Rj ay yung lalaking sabi mong kumidnap sayo before? Then ang sabi mo sakin nagkita lang kayo dati? Tell me bakit nagsinungaling ka?" Jake.
"S-sino namang n-nagsabi sayo nyan?" Maine.
"Edi yung dalawa mong kaibigan?" Jake
"Jake...im sorry, kasi hindi mo na naman kailangan malaman pa. Matagal na yun!" Maine.
"Yeah matagal na nga at kaya pala siguro hindi mo sinabi kasi sya yung taong mahal mo! Maine look!..Kidnapper sya, kinidnap ka nya! Masama syang tao! Paano naman ako? Yung ibang tao na nagmamahal sayo? Mas deserve mo yung ibang tao kaysa sa kidnaper na yun!" Jake.
"Hindi mo sya kilala Jake! Wag kang masyadong mang-judge? Hindi ba't kaibigan mo yun?" Maine.
"Kaibigan? Wala ng kaibigan kaibigan? Maine please.. Promise! Hindi kita lolokohin." Jake.
"Sorry dahil kung ipipilit mo yung ayaw parehas lang tayo masasaktan. Sorry." Sabay takbo ni Maine sa kotse nya.
~^••^~
Naupo sa sofa si Jake at may dinial saa phone nya.
[Hello? Bro! Napatawag ka"]
"Bro, i need your help."
~^••^~
"Uyy!" Iwinagayway ni Rj ang kamay sa harap ng muka ni Maine dahil kanina pa itong tulala.
"H-ha? B-bakit?"
"Kanina ka pang tulala? Problema ba?" Alalang tanong ni Rj.
"Ahhh w-wala, kabado lang." Maine..
"Para saan? Meeting nyo mamaya? Para meeting lang yun ah?"
"Hindi yun, ahhh basta. Wala to!"
"Sure ka? Ayoko ng napapagod ka or nagooverthink ka? Baka sumabog ka nyan sige ka!" Biro ni Rj.
"Ha-ha-ha! Well, in fairness ang korni mo!" Sarcastic na sagot ni Maine.