Is it Happy or Sad Ending?

544 22 3
                                    

Nagising si Maine sa sinag ng araw. Napangiti sya ng malaman nyang nakayapos si Rj sakanya. Medjo maaga pa para gisingin ito kaya tumayo sya para magluto ng almusal.

Habang nagluluto ay may narinig sya mga yabag ng paa. "Babe alis muna ako ha. Mabilis lang." Nadismaya sya sa sinabi ni Rj pero bago pa ito magsalita ay umalis na si Rj. Bumagsak ang balikat nya sa pangyayare. Pinagpatuloy nya nalang ang pagluluto. Tutal wala naman atang balak magalmusal si Rj ay nauna nalang sya kumain. Habang kumakain ay may narinig syang katok sa pinto kaya binuksan nya ito. Isang lalaki na may hawak na bulaklak. "You must be Maine Mendoza?" Napatango nalang si Maine. "Sino ka?" Tanong nito. "Ahh delivery po mula kay Mr. Richard Faulkerson." Tinanggap nya ang bulaklak. Umalis na agad ang lalaki kaya sinara nya na ang pinto. Saan kaya yung tukmol kong boyfriend? At may pabulaklak? Pagkahakbang nya ay may nalaglag na letter. Wow may pa-love letter hihi. Binuksan nya yon.

For my Babe,

Meet me at the Park. 2:00 pm. I love you <3

Napangiti si Maine dun at tinext si Rj.

For Rj:

Hey Babe, natanggap ko na ang flowers. Anong meron?

Pagkatext nya ay itinuloy nya na ang pagkain nya pero wala pa ding reply. Napagdesiyunan nalang nya manood ng movie dahil tatlong oras pa ang hihintayin nya para magready.


***

Pagkadating ni Maine sa park ay walang katao-tao. Naglakad pa ito ng naglakad ng makita nya ang mga taong tumatakbo papalapit sakanya. Anyare? May zombie ba? Tanong nito. Nagdadalawang isip sya kung tatakbo ba sya o hindi. Ilalabas na sana nya ang phone para tawagan si Rj pero agad nyang naaninag ang isang lalaki na nakaluhod at parang balak atang barilin ng mga lalaki na nakapalibot sakanya. Agad agad syang tumakbo. "Rrrjjjjj." Lumuhod din sya sa harap ni Rj at nakita nya ang muka nito na may konting pasa. "Anong ginawa nyo sa boyfriend ko?!? Ha?" Naiiyak na sabi ni Maine pero tumakbo nalang yung mga lalaki. "Babe.. You're here.." Nakangiting sabi ni Rj. "Oo nandito lang ako. Rj anong bang nangyare sayo?" Naiiyak na sabi ni Maine. "Maine sa tingin ko ito na ang huling araw na magiging girlfriend kita." Napakunot ang noo ni Maine dun. "Rj ano ba? Ano bang pinagsasabi mo?" Hinampas nya ng mahina si Rj sa braso. "Hindi ko na matiis ang pangyayare satin. Babe, im sorry." Umiyak si Maine. "Rj? Ano na naman bang drama to? Tska ano bang di mo na kaya? Kaya nga ako nandito para tulungan ka diba? Para sabay tayong lalaban? Tapos susuko ka na agad?" Pinunasan nya ang luha nya. "Ayoko na ng ganito. LET'S END THIS."

The Kidnapper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon