Chapter Thirty-one

454 24 1
                                    

After 2 years.

Naging masaya naman si Maine at Rj sa relasyon nila. Nagkakatampuhan man minsan pero nasosolve naman agad. Ngayon, nasa isang resto ang magkakaibigan na si Pat, Val at Maine.

"Maine.." Bulong sakin ni Pat kaya humarap si Maine. "Bakit?" No reaksyon na tanong ni Maine. Ngumuso nguso si Pat na parang may tinuturo. Humarap si Maine sa tinuturo ni Pat. Nakita nya si Val na hindi pa nagagalaw ang pagkain at busy sa pakikipagtext with matching killer smile (haha!).

"Hoooy! Panis na yung pagkain mo!" Biro ni Maine pero wala pa din. "Oh my god! Val, may butikiiii." Halos tumaob ang lamesa sa pagtayo ni Val. Tawang tawa naman si Maine at Pat. Wala silang pakealam sa mga tao don. "Nakakainis kayo ha. Ang babastos nyo!" Nakangusong saad ni Val habang umuupo. "Eh kasi naman aalis na tayo pero yung pagkain mo aabutin na ng pasko yan." Natatawang sabi ni Maine. "Hay nako Meng. Ganyan talaga yan kapag pumapag-ibig, di mo mapigil, masyadong atat kala mo hinahabol ng dinasour sa sobrang bilis magreply sa nakakafling nya, jusko." Iirap irap pang sabi ni Pat. "Eww Val. Imbis na lalaki manligaw sayo? Eh baliktad. Ikaw yung sabik na sabik, Naku! Beriberi wrooong. Alam mo ba ang tingin don? Ang kire." Sabay inom ni Maine ng juice. "Alam nyo kayo ang tataray nyo eh ba't di kaya si Rj ang imbestigahan nyo? Ayun oh, humahaliparot." Napatingin si Pat at Maine sa tinuro ni Val. Tatayo na sana si Maine ng pigilan ni Pat. Nandon kasi si Rj at may kasamang babae, nakahawak pa to sa braso ni Rj habang kumakain ng ice cream. "Ang saya naman ni Rj, humanda sakin yang tukmol na haliparot na yan, bubugbugin ko yan." Nagbuntong hininga si Maine. "Bubugbugin ng ano? Ng halik?" Agad naman nahampas ni Pat si Val. "Ano ba Val?" Saway ni Pat.

***

Umuwi agad si Maine at nag-ayos ayos ng bahay. Iniintay nyang umuwi si Rj. Di nya alam pero nanginginig sya sa galit pero at the same time kinakabahan. Habang nagwawalis sa kusina narinig nya ang pagbukas ng pinto. Nag-akto sya na parang wala lang.

"Babe.." Sabi ni Rj sabay yakap sa likod ni Maine. "Mukang pagod na pagod ka ah? Ano bang ginawa mo?" Tanong ni Maine. "Diba nga sinabi ko na sayo, may mga papeles akong inasikaso at may mineet din akong client." Naupo si Rj sa may upuan at tinitigan si Maine. "Ow really? So nakipagmeet ka sa client. Ganun na pala ngayon ang pakikipagmeet sa client. Kailangan nakahawak sa braso at kumakain ng ice cream." Sarcastic na sabi ni Maine. "Babe ano bang sinasabi mo? Swear, nakipagmeet lang ako sa client." Tumaas ang kilay ni Maine sa sinabi ni Rj. "Eh sino yung nakita namin nila Val? Kamuka mo? Wow ha, ano yon kambal mo? Yan ang hirap sayo eh! Nahuli ka na nga sa akto dinedeny mo pa, ewan ko sayo Rj." Kumuha ng pitsel si Maine at naiwang kumakamot ng batok si Rj. "Ok fine. Oo nasa mall ako kanina and yung nakita mo si Natalie. Yung kasamahan ko sa trabaho." Sinundan ni Rj si Maine sa kusina. "See? Sige nga Rj, hindi ba't nasa trabaho kayo non bakit magkasama kayo tapos nakuha mo pang magsinungaling sakin?" Nakatitig sila sa isa't isa. "It was her birthday and i treat her dahil yun yung pangako ko sakanya." Paliwanag ni Rj. "Wow just wow talaga Rj. Nakakainggit naman yung Natalie na yon buti pa sya natutupad mo yung pangako mo pero pagsakin minsan napapako pa. What the hell Rj?" Hinilot ni Maine ang sentido nya. "Maine ano ba? Ano bang akala mo na pingpalit kita? Then no. Hindi ko magagawa yon dahil ikaw lang ang mahal at wala ng iba tapos yan ang tingin mo sakin? Two timer ha? Sa tagal tagal ng pagsasama natin? Kung wala kang tiwala sakin then that's not my problem." Sabay walk out ni Rj. Naguilty naman si Maine.

The Kidnapper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon