Chapter 1

3.3K 78 7
                                    

AUTHOR'S NOTE: Please follow me before you read this para mabasa mo po full chapters! Thank you and enjoy reading! 😘 Pag di po mag follow tiyak mabibitin po kayo 😘

...   

KAYLEEN  

Today is my 20th birthday, ginaganap ngayon sa malaking ballroom ng Five star hotel, abala sa mga bisita ko, most of them are my friends and relatives at ang iba ay mga business collegues ni Papa at mga amiga ng Mama.I'm wearing a crystal
blue long gown and I look sophisticated.
It's my birthday and everything are almost perfect, my family, my friends, my
relatives, ballroom party, delicious food, nice music with the bands and my rich
boyfriend but.......... I feel empty.
Patuloy nagdadatingan ang aking mga bisita.

"Kayleen you are so beautiful! Happy birthday!" Greet ng friend ng Mama ko sakin
at nginitian ko siya.
"Oh thank you Tita , I hope you'll enjoy the party." Masayang sabi ko naman sa
kanya.Minsan naiisip ko what is the real world? Totoo bang may bad friends? Totoo bang may kontrabida? At higit sa lahat totoo ba ang love?

"Oh Thank you, she's our everything." Sabi ng Mama ko sa kaibigan nilang
mayaman na pumuri sa akin.Kanina pa nag umpisa ang aking party pero wala pa rin ang boyfriend kong si Paulo,para sa akin, kahit di siya dumating ay ok lang.Hindi ko kasi siya mahal eh, ang mga parents ko lang ang may gustong maging kami. But for me, I didn't feel anything for him, kahit minsan di ko pa naranasan mag mahal, sabi nila totoo daw ang pag-ibig, but really? Bakit hindi ko pa nararamdaman?
Mas na-iin love pa nga ako sa mga character sa
mga libro na binabasa ko kesa sa mga totoong tao, that is one thing my friends told
me that I'm weird, but who cares kung yun naman talaga ang nararamdaman ko.

Pinatawag ako ng host sa stage para i-serenade ng guest ko na mga sikat na singer.
Naupo ako sa harapan at ang lahat ng bisita ko ay nakatingin sa akin habang
kinakantahan ako ng singer.
Nakangiti lamang ako but deep inside I still feel empty and I don't know why?.

......

Matapos nila kong kantahan ay nag perform na ang live band.
Naupo ako sa table ng mga friends ko.Nakita ko silang masayang nag iinuman ng wine.
"Nag eenjoy ba kayo?" Masayang sabi ko kay Jenica at Elisha.
They are my friends but I can't call them true friends.I can feel they are not real, but then nakikipag sosyalan na lang ako sa kanila kasi wala na akong ibang kabigan maliban sa kanila.

"Oh yeah of course." Sabi ni Elisha.

"Wala pa ba si Paulo?" Sabi ni Jenica.

"He is not here yet." Nakangiting sabi ko naman sa kanila.

"Ano ba naman yang si Paulo birthday na birthday mo wala siya." Sabi ni Jenica.

"Its ok, he is busy." Sabi ko sa kanya.

"Well I don't think so, sa tingin ko you are not important to him." Sabi naman ni Elisha.

"Ok lang yun Kayleen, nandito naman kami ni Jenica kahit wala si Paulo eh."

Nginitian ko na lamang sila.

Then after one hour dumating na si Paulo.

"Happy Birthday my Kayleen.!" Masayang greet ni Paulo.

"You're so late!" medyo nagtatampong sabi ko kay Paulo, but the truth is
kahit di siya dumating ay di ako magtatampo kasi di ko talaga siya mahal.

"So sorry ang tagal kasi matapos ng meeting." aniya.

"That's ok" Simpleng sabi ko na lang sa kanya at naghawakan kami ng kamay para lapitan ang mga guest.

.......

Matapos ang celebration ng aking birthday ay pauwi na kami ng pamilya ko sa malaking mansion namin sa isang kilalang Village.Hinatid ako ni Paulo sa amin.

Dinala ang mga regalo ko ng mga katiwala sa aking silid.

"Kayleen, goodnight and happy birthday again my dear." Sabi ni Paulo sa akin at
hinalikan niya ako sa aking labi. But I didn't feel any passion.Bakit ganon? bakit wala akong nararamdaman na sarap or tamis? may itsura naman si Paulo, maporma, mayaman, maraming babae ang nangangarap na sana sila na lang ako.Pero bakit wala akong nararamdaman sa kanya? I always keep telling myself, what is wrong with me?. Ni minsan di ko pa nasubukan kiligin sa isang lalaki.

"Thank you Paulo see you." Sabi ko na lang sa kanya.

Wala na akong ibang maisip na sasabihin sa kanya kundi 'thank you'.

.....

Pagpasok ko sa aking mala prinsesang silid ay binuksan ko ang aking mga
na regalo. Inuna ko buksan yung kay Paulo at may nakalakip na card..

Happy Birthday my Kayleen, I wish you all the best of everything, I love
you ! .....Paulo."

Nang aking binuksan ay isa itong Rolex watch, well nagustuhan ko naman kaya lang
meron na ako nito, bigay ng Papa at ng Mama ko, kaya hindi na ito iba sa akin.
Sinuot ko ang Rolex sa aking kaliwang wrist at aking pinagmasdan.
Matapos ay inalis ko na at binalik sa box, tumingin naman ako ng iba at nakita ko ang gift ni Elisha.

Ang kanyang regalo ay isang fantasy book na may pamagat na "The Man of my Dreams." Isa itong illustrated book. Ewan ko ba hindi naman alam ni Elisha na mahilig ako sa mga ganitong uri ng libro, kasi sekreto ko lang naman yun, ang mga nakaka alam lang ay yung mga dati kong kaibigan na nasa ibang bansa na.Si Elisha ay bagong friend ko pa lang, ayokong malaman nila na para akong bata pagdating sa ganitong bagay. Pero pinaka nagustuhan ko ang binigay niya sa akin.

Binuksan ko ang unang page at nang nakita ko ang mga naka drawing ay naging excited ako itong basahin.Binasa ko na muna ang tungkol sa author.

"Penelope Levoux? Hmmn may nabasa na akong libro niya before." Nakita ko sa picture na maganda siya, bata pa, at may inosenteng mukha. Binasa ko ang unang chapter at naantig agad ako, nilipat ko sa sumunod na page at may naka illustrate na lalaki.Ang lalaking character na tinutukoy ng storya sa libro, heto na naman ako, in love na naman sa character, ewan ko ba? But this time mas may naramdaman akong kakaiba nang nakita ko yung drawing na yun, kayalang naisip ko isang fiction lang ang karakter at kathang isip din ang itsura ng guy, but well pinaka nagustuhan ko talaga kumpara sa mga nakaraang libro na nababasa ko especially sa character ng librong ito.Naalala ko nung bata pa lang ako ay mahilig na ako mag ka crush sa mga bidang lalaki sa book.Bakit laging sa book na lang? Bakit doon lang ako tinatamaan? hindi naman sila totoo.Bakit ni minsan ay hindi ko pa nasusubukan na ma inlove kahit isang beses lang.Kaya hindi na ako naniniwala na totoong may pag ibig sa mundo. Kaya sa libro na lang, hanggang doon na lang, kahit sa libro man lang ay maranasan ko ang umibig. This is sounds ridiculous but this is really me.
Pinagpatuloy kong basahin ang libro.
"Gabriel?" ang pangalan ng bidang lalaki, at di na ma alis alis ang mga mata ko sa illustration na iyon.Pansamantalang sinara ko na muna ang libro at nilagay sa aking tabi at ako ay naghanda ng matulog.Bakit hanggang sa aking pagtulog ay naaalala ko pa rin ang character na si Gabriel?.

AUTHORS  NOTE:
Pls. comment for the next update, thank you :)

The Island of DreamsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang