Chapter 2

1.3K 40 4
                                    

Makalipas ang ilang araw.

Pag gising ni Kayleen ay nag ring ang kanyang cellphone, tumatawag ang kaibigan na si Elisha.

"Hello Kayleen?"  

"Hi Elisha, thank you sa gift mo I really like it, sobrang nagustuhan ko!"

"Talaga? I can't believe na magugustuhan mo yan, wala akong maisip na maibigay at alam mo ba sa Denmark ko pa nabili yan! Dalawa na lang yan sa book store, binili ko na pareho at sayo ko binigay ang isa, ewan ko ba kung bakit yan ang naisip kong iregalo sayo haha! and what a surprise that you like it!" Masayang sabi ni Elisha.

"Alam mo so unique ang book na ito, kakaiba, hindi pambata, exactly on my age, na iinlove na nga ako sa character na si Gabriel eh."

"Wow talaga? Hindi ako nagkamali sa pagpili ng libro na yan haha!"

"Thank you!"

"Well! Enjoy reading, by the way! alam mo na ba kung saan ang venue ng kasal ni Jenica?"

"Hindi pa nga eh."

"I'm sure bibiglain niya tayo!"

"Oo nga, sige magkita na lang tayo sa wedding niya, I'm sure malapit na yun."

"Yeah, see you bye!"

Matapos makipag usap ay humarap siya ng salamin sa maganda nyang tukador, at pinagmamasdan ang kanyang sarili.

.....

After lunch, naghanda ng pumunta sa mall si Kayleen, mayroon syang sariling perfume shop na nakapwesto sa mall. Hindi pa tapos mag-aral si Kayleen, palagi syang nag shi shift ng course kaya natatagalan sya sa pag aaral, ang kanyang perfume shop ang lagi nyang pinag kakaabalahan.

Merong sariling driver si Kayleen.Nang bababa na sya ng kotse ay binuksan agad ng driver ang pinto ng kanyang magarang sasakyan, bago lamang ang driver, kaya ng bababa na si Kayleen ay aalalayan dapat siya ng driver ngunit sinabi ni Kayleen na huwag siyang hawakan nito.

Pag-dating sa parking ng mall ay tumingin sa buong paligid at tiningnan niya kung may mga alikabok, at nagtakip ng panyo. Pagsakay niya ng elevator ay may mga ibang tao siyang nakasabay at iniiwasan niyang madikit ang mga ito sa kaniya.

Pagdating nya sa kanyang perfume shop ay nagbigay galang ang mga sales rep sa kaniya.

"Magandang umaga po mam Kayleen." sabi ng tatlo na sales rep.

Pag-pasok ni Kayleen sa loob ay sinuri niya itong mabuti at nakita niyang malinis ito ngunit wala sa ayos ang iba nilang naka display kaya inutusan nya ang mga ito na ayusin mabuti.

Inayos agad ito ng mga sales rep. Naupo sya sa kanyang sariling office doon at pinagtuloy nyang binasa ang libro, napapangiti sya mag isa habang kanya itong binabasa, at makalipas ang ilang oras ay umalis na si Kayleen para mag shopping.

Habang namimili sya ay nag ring ang kanyang cellphone..

Tumatawag ang isa pa nyang bestfriend na si Jenica na malapit ng ikasal.

"Hello?"

The Island of DreamsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang