Chapter 4

1.1K 40 2
                                    

Samantala sa isang Squaters area.

GABRIEL

Hapong hapo na ko sa pagtulak ng kariton, at nakita kong nagtatakbuhan papalapit sa akin ang dalawang bata na si Angel at Billy. 10 years old si Angel at 12 naman si Billy,

"Kuya Gabriel sandali lang sasama kami!" Humahangos na sabi ni Billy.

"Umuwi na kayo, ako na bahala dito hintayin niyo na lamang ako sa bahay." Sabi ko sa kanila.

"Gusto namin sumama sayang din yung makukuha naming kalaka," sabi ni Billy.

"Oo nga kuya sayang naman." Sabi naman ni Angel.

"O sige pero huwag kayong lalayo sa akin huh!"

"Ok!" Masayang sabi ng dalawang bata at tinulungan nila akong magtulak ng kariton.

Nag-iisa lang ako dati sa dampa at nakilala ko si Billy at Angel sa lansangan, mga street children sila, naawa ako sa kanila kaya kinupkop ko ang dalawang batang ito.

Isa lang akong mangangalakal, 21 years old, nangangayayat ang aking katawan at mukha at laging bilad sa araw kaya nangitim ang aking mga balat, at hindi natatanggal ang mga grasa na nakadikit sa aking buhok, araw-araw ay lagi akong pagod. Kung anu-anong trabaho ang aking pinapasok, gaya ng pag maneho ng trycicle, karpentero at pangangalakal, wala akong permanenteng trabaho.At ulila na ng lubos, mula ng nakilala ko si Billy at Angel ay naging masaya ako kasama ang mga ito, parang totoong magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa.Nilalagay ko ang mga nakalakal sa kariton at may hawak na mga desposable na bote ng tubig si Billy.

"Kuya ang dami kong nakuha tingnan mo?" masayang sabi ni Billy.

"Aba ok yan, lagay mo na dito."

Maya-maya ay si Angel naman ang tumatakbo papalapit at may dala naman syang sirang plantsa.

"Kuya tingnan mo to?" Sabi ni Angel habang hawak ang plantsa.

"Hmm patingin nga.....hmn mukhang mabigat to."

At nagpunta kami kay mang Ermin upang ipakilo ang aming mga nakalakal.

At umabot lahat ng halagang 190 pesos.

Masaya ang mga bata nang nakita nilang may natanggap ako.

Nagpunta kami ng carinderia at bumili ng ulam.

Pag-uwi ng dampa ay nagsaing si Billy at nang naluto ay pinagsaluhan namin ang ulam na aming nabili.

Maya-maya ay kumatok si Grace, kapitbahay naming may maliit na tindahan.Siya ang may ari ng aming dampa, single mother at may gusto sya sa akin, nagtataka nga ako kung bakit may gusto sya sa akin sa kabila ng itsura kong ito, ano kaya nagustuhan niya? ngunit kaibigan lamang ang tingin ko sa kanya, maganda naman si Grace, pero parang hindi kagaya niya ang mga tipo ko sa isang babae, ewan ko ba kung bakit? nagtataka nga ako pangit na nga ako choosy pa, hindi ko maintindihan sarili ko.

"May dala akong matamis para sa inyo." Masayang sabi ni Grace ng siya ay pumasok.

"Wow ate Grace salamat po!" masayang sabi ni Angel at Billy.

"Hay, kaninang meryenda pa dapat yan kaya lang mukhang ginabi na kayo,"

"Salamat Grace, lagi ka na lang nagdadala ng pagkain sa amin, nakakahiya na,"

"Naku ikaw naman Gabriel, masaya ako kapag nabibigyan ko mga bata ng pagkain."

Nagkatinginan kami ni Grace at parang nag kakagusto na rin ako sa kanya sa sobrang bait nya sa amin, naisip ko magpasalamat pa nga ako kasi may isang babaeng kagaya ni Grace na nag mamahal sa akin.

Naghahanda na kami sa pagtulog at pinainom ko sila ng gatas.

"O inumin nyo na muna ito bago kayo matulog."

...

Nang nahiga na ang dalawang bata sa papag ay nilabhan naman ni Gabriel ang mga damit nito. Nakalagay sa dalawang balde ang tubig na naigib niya sa tabi ng baranggay.

At naghahanda na rin sya sa kanyang pagtulog.

Nasa tabing papag sya nakahiga, bihira lamang maligo si Gabriel dahil walang tubig sa kanilang lugar, sumasalok pa sya ng tubig sa may tabi ng baranggay, at may bayad na limang piso bawat isang balde kaya sa mga bata na lamang nya ito binibigay kaya kadalasan ay hindi sya nakakaligo. Iilan lamang ang kanyang damit kaya lumang luma na ito at laging madumi.

The Island of DreamsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang