Chapter 5

1.1K 40 3
                                    


Kinabukasan  

Naghahanda na si Gabriel mangalakal.

Pinakain nya na muna ang dalawang bata. 

"Ako na muna ang mangangalakal ngayon, tulungan nyo na lang ang ate Grace nyo sa tindahan nya."

"O sige kuya."

"Ako na bahala sa kanila , dingding lang naman ang pagitan natin kaya matitingnan tingnan ko sila."

"Salamat Grace, tulungan ka na din nila sa pagtitinda, dyan na muna kayo."

Lumabas si Gabriel dala ang kariton, kahit gusgusin ang itsura ni Gabriel ay palabati sya sa mga tao sa kanilang lugar kaya kinagigiliwan sya ng mga tao dahil may mabuti syang kalooban. At sa kanyang paglalakad ay nakasalubong nya ang dati nyang kasamahan sa trabaho sa pag kakarpentero na si Bernard.

"Gabriel may trabaho tayo!" Masayang sabi nito.

"Talaga?"

"Oo, kaya lang malayo pero siguradong may kita tayo."

"Saan?"

"Sa Boracay, may pinaparenovate yung amo ng kapatid ko na bahay bakasyunan at ako ang isa sa kinuha para mag karpentero doon, kailangan ko pa ng isa kaya ikaw ang naisip ko."

"Pero ang layo naman, papano kaya yung mga bata? Magtatagal ba tayo doon?."

"Kung mas matagal mas maganda sana, kasi arawan ang bayad 800 a day libre pamasahe at pagkain kaso ang sabi dapat matapos natin sa loob ng sampung araw."

"Sampung araw?."

"Oo pero baka mas higit pa."

"Aba malaki rin yon, malaking tulong sa akin."

"O pano gusto mo na ba para di na ako maghanap ng iba?"

"Oo sige, si Grace na muna ang bahala sa mga bata, sampung araw lang naman at mabilis lang yon, kelan ba tayo pupunta doon?"

"Sa isang Linggo na kaya maghanda ka na, sasakay tayo ng barko, sa terminal na tayo magkita."

"O sige salamat at ako ang kinuha mo."

Masayang malungkot si Gabriel dahil maiiwan nya ang dalawang bata ng sampung araw ngunit naiisip nya na kailangan nyang gawin ito para sa kanila, at mabuti at nandoon lagi si Grace na laging handang tumulong sa kanila.

.....

Pag uwi nya sa kanyang dampa matapos mangalakal.

"Andyan na ang kuya Gabriel!" Masayang sabi ni Angel.

"May dala akong pancit at banana Q, halika kumain kayo."

"Wow ang sarap naman !"

Masaya nilang pinagsaluhan ang dalang pagkain ni Gabriel.

"Kinain nyo ba yung binili kong ulam para sa pananghalian ninyo?"

"Oo kuya, nagdala din si ate Grace ng ulam kaya marami kaming nakain."

"Hmm mabait talaga ate Grace nyo. Syanga pala sa isang Linggo sampung araw na muna akong mawawala, meron lang akong trabaho."

"Ang tagal naman nun?" Malungkot na sabi ni Angel.

"Sandali lang yon, sayang din kasi malaki laki ang kikitain, si ate Grace nyo na muna ang magbabantay sa inyo, kakausapin ko sya mamaya at pag nakauwi ako may pera na tayo."

"Pero kuya babalik ka kaagad ha!?"

"Oo naman, ten days lang.'

Kinagabihan habang natutulog ang dalawang bata ay nanigarilyo sa may pinto si Gabriel at nag iisip..at maya maya ay nilapitan sya ni Grace.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Sabi ni Grace.

"Wala naman, syanga pala Grace mawawala ako ng sampung araw maari bang iwan ko na muna ang dalawang bata sayo?."

"Oo naman, walang problema, saan ka ba pupunta?"

"Yung kasama ko dati na si Bernard ako ang kinuha nyang makasama para irenovate yung bahay bakasyunan ng amo daw ng kapatid nya, kaya lang sa Boracay pa, sayang din ang kita."

"Kungsabagay mabilis lang ang sampung araw kaya lang ma mimiss kita Gabriel."

"Mamimiss din kita."

Nakaramdam ng saya sa dibdib si Grace sa sinabi ni Gabriel.

"Talaga?!"

"Oo naman , ang bait mo sa mga bata kaya parang naiinlove na rin ako sayo eh."

"Gabriel alam mo mahal kita."

"Kahit ganito lang ako?"

"Oo naman may kakaiba sayo na nakikita ko na wala sa iba kaya mahal kita."

Nagkatitigan sila at ilang sandali pa ay hinalikan nya si Grace sa labi.

.......

Sumunod na araw nasa perfume shop si Kayleen ng tumawag ang kanyang suki na si Kate, isang sikat na artista..

-Hello Kayleen, available na ba yung pabango na hinahanap ko?"

"Oh yeah, nadeliver na dito kahapon, anytime pwede mo ng kunin dito."

-But Im busy, nandito ako sa shooting, maaari ba na ikaw na ang magdala dito, kasi wala na talaga akong time, and at the same time ipapakilala kita kay direk, gusto nyang umorder ng mga pabango sayo kaya magdala ka na din."

Walang magawa si Kayleen dahil sikat na artista si Kate at suki nya ito, hindi nya gawain ang puntahan ang mga customer ngunit hindi nya mahindian si Kate..

"Oh yeah sure, nasan ka ba ngayon?"

"I tetext ko sayo ang address ng location namin ok?"

"Ok."

At natanggap nya ang text, at ng binabasa ni Kayleen ang text ay nadismaya sya nung nakasaad kung saan ang location ng shooting ni Kate.
K
"Saan to? Tondo? My gosh squaters area ata don at magulo?" Dismayadong sabi ni Kayleen, pero wala syang magawa, kundi puntahan ang kanyang suking customer.

The Island of DreamsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang