Chapter 6

933 35 2
                                    


Nung araw din na iyon ay napilitang magpunta si Kayleen kasama ng kanyang dalawang assistant at driver.

Nang nasa kanto na sila.

"Mam! Hanggang dito na lang po ang sasakyan natin, masyadong makitid sa loob ng eskinita, bawal na po pumasok doon." Sabi ng kanyang driver.

"What? You mean lalakarin ko hanggang looban?"  sabi ni Kayleen.

"Eh Mam, pasensya na po bawal pumasok sa loob baka magalit yung mga taga baranggay, di po magkakasya kotse natin." Sabi ng kanyang driver.

Walang nagawa si Kayleen kundi bumaba ng kanyang kotse.

Inalalayan sya ng dalawa nyang assistant habang pumasok sila sa makitid na kalye na puro squater, maingay at magulo sa paligid at pinag titinginan sila ng mga tao.

"Saan po ba yung nag shu shooting?"tanong ni Beth na assistant sa isang ale na nagtitinda ng palamig.

"Ah doon po sa dulo ng kalyeng ito, may shooting po doon."

"Ah ok salamat po."

At nagpatuloy sila sa paglalakad, nagkalat ang mga batang madudungis sa kalye at mga tambay na nakahubad at nakatingin ang mga ito sa kanya.

May mga lalaking sumisipol pa sa kanya.

"Mam mag ingat kayo sa paglalakad malubak ang daan."

May heels ang suot nyang sapatos kaya hirap itong maglakad sa lubak na kalsada.
Hanggang nakarating sila sa shooting..

"Mabuti at nakarating ka pasensya na sa location," sabi ni Kate.

"Its okay," sabi ni Kayleen..

At iniabot nya ang mamahaling pabango na order nito, nakalagay sa sosyal na paper bag.
At pinakilala sya sa director.

"Sayo pala kumukuha si Kate ng mga perfume, balita ko lahat ng bagong labas ay ikaw ang pinaka nauunang meron nito sa atin?."

"Opo direk eto po yung broshure, sa aking shop lang meron nabibili nyan."

Umorder ng mga pabango ang direktor, matapos nito ay nag paalam na si Kayleen.
Pagbalik nila sa kanilang sasakyan ay nangunguna sa paglalakad si Kayleen at nasa likuran ang dalawang assistant, at sa kanyang paglalakad ay nakasalubong nya si Gabriel na may dala-dalang makapal na lumang dyaryo ... at sa di inaasahang pangyayari ay nagka banggaan sila at napadikit ang maduming pantalon ni Gabriel sa puting pantalon ni Kayleen.

"Ano ba? Tingnan mo nga dinadaanan mo!" Galit na sabi ni Kayleen.

"Sorry miss ha!"

"Anong sorry nadumihan ang damit ko." Sabi ni Kayleen at panay naman ang punas ng kanyang assistant sa nadumihang puting pantalon ni Kayleen.

Maya maya ay naglapitan sina Angel at Billy dala ang kariton.

"Kuya, lagay mo na dito yang mga dyaryo."

Napatingin sila kay Kayleen na pinupunasan ng mga alalay ang kanyang nadumihang pantalon.

"Mam ayaw matanggal ah."

"Hayaan nyo na, umalis na tayo dito." Nandidiring sabi ni Kayleen.

"Sorry po talaga!" Paumanhin na sabi ni Gabriel, ngunit sininghalan sya ni Kayleen kahit humihingi na sya ng sorry.

"At ikaw lalaki, tingnan mo nilalakaran mo!" Galit na sabi ni Kayleen.

At biglang dumating si Grace galing ng palengke, nakita nyang sinisinghalan ni Kayleen si Gabriel.

"Hoy babae ka, akala mo kung sino kang umasta ha, teritoryo namin to kaya mag ingat ingat ka sa mga sinasabi mo!" Galit na sabi ni Grace at binitawan ni grace ang kanyang dalang basket at aakmang sasabunutan si Kayleen, inawat sya ni Gabriel at kumilos agad ang mga alalay ni Kayleen, hinaranangan nila si Kayleen..

"Huwag na huwag mong kakantihin ang boss namin o baka ipakulong ka namin!" Sabi ng alalay nyang si Beth.

"Hindi ako natatakot! Mag sialis na kayo dito!" Sabi ni Grace.

"Halika na mam at baka mahawa pa tayo sa kabaliwan ng mga tao dito." Sabi naman ng isang alalay ni Kayleen at nagmadali na itong umalis at sumakay ng kanyang magarang kotse.

"Ang sungit naman nun kuya!" Sabi ni Angel.

"Salamat Grace." nakangiting sabi ni Gabriel kay Grace.

"Wala yun Gabriel, nakakainis kasi kung manglait sayo eh."

"Wala ka talagang katulad Grace." Sabi ni Gabriel at nagkatinnginan sila ni Grace ng malalagkit na mga tingin.

"Kuya tara na ipakilo na natin ang mga ito." Sabi ni Billy.

.......

Makalipas ang isang Linggo ..nakahanda na sa pag alis si Gabriel..

"Grace ikaw na muna bahala sa kanila ha?"

"Oo huwag ka mag alala hindi ko sila pababayaan, hihintayin ka namin"

At nagyakapan sila, nakita sila ng mga bata.

"Ma kayo na po ba?" Sabi ng anak ni Grace na si Pinky.

"Oo anak, malapit mo na sya maging tatay."

"Kuya Gabriel magiging tatay na pala kita eh."

"Haha, madadagdagan na mga anak ko."

"Yehey magkaka nanay rin kami!" Masayang sabi naman ni Billy at Angel.

"Billy, Angel lagi nyong susundin ang ate Grace nyo ha at huwag kayong pasaway."

Sabi ni Gabriel habang hinahagod nya ang buhok ng dalawang bata.

"Opo kuya !"

"Kuya balik ka kaagad ha."

"Oo, hintayin nyo ko"

Hinalikan nya ang mga ito sa noo at pati na rin si Grace at sumakay na ito ng tricycle.

Kumakaway sila habang papalayo si Gabriel..

Samantala..

Nasa sasakyan si Kayleen kasama ng dalawa nyang personal assistant papuntang terminal ng barko at iritang irita ito ng nakita nyang malapit na silang bumaba.Hanggat maaari ay ayaw na nyang sumakay, gusto na nyang umatras, naiisp nyang di nya makakayanan sumakay doon at mag hintay ng ilang oras para makarating ng Boracay.

"Nakaakinis naman bakit kasi fully booked ngayon hmmp!" Masamang loob na sabi nito.

"Eh mam, malilibang naman po tayo sa ferry, may mga bar din po doon at kung anu ano pa."

Sabi ni Gina.

"He! hindi ako interesado sa mga ganyan ang cheap!" Pairap na sabi ni Kayleen.

The Island of DreamsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang