Prologue

72 6 3
                                    

Prologue

Di sa lahat ng panahon ay makukuha mo ang mga gusto mo. Cliche' right? Yes, but for me, that phrase is really hard to understand. Ang hirap lalo na na ang pinakagusto mong maging sayo ay napakaimposible na maging pagmamay-ari mo. You're so close to have that thing that almost everyone around you are insecure because of that fact. But above all, being close to that is very painful. For that cruel fact, that even though how near you are with that thing, you can't really be there for there are those difficult consequences that you would face that will make you think if it's really worth it. 


Masakit isipin na mas kayo sa lahat. Mas malapit, mas nakakapag-usap, mas nakakapagkwentuhan, mas nakakapitan pero mas napakaimposibleng mahawakan.


Napapangiti mo siya pero napapasaya naman siya ng iba. Nalalapitan mo siya pero di ka naman makalapit sa puso niya. May parte ka nga sa buhay niya pero hinding-hindi ka magiging buhay niya.


Ang bitter pakinggan pero yan naman ang mga napakasakit na katotohanan. Yung tipong you're so close to me but very far to be with me. Maganda naman na maging kaibigan lang, atleast may koneksyon kayo diba? Ang ganda nga nung ikaw yung taong nasasabihan niya pag nasasaktan siya, nasasandalan niya pag di niya na kaya, nakakapitan niya pag sobrang bagsak niya na, in short, ikaw ang nagiging shoulder to cry on niya. Ang ganda diba? Yung tipong tagapakinig ka lang pero di tagahilom? Ang saya-saya eh! Atleast nga diba may connection? At ang mas masaya pa more than friends kayo! Oo more than friends! Kaya nga kayo bestfriends eh..


Sa sobrang saya nga ang sakit sakit na eh. Kasi ikaw nga yung nasasandalan pero di naman ikaw yung may panghahahawakan diba? Di naman ikaw yung nakapasok sa puso eh, naging tagatahi at tagasarado ka lang ng sugat, kasi kahit kailan hinding-hindi ka ang magiging tagahilom at ang makakapag-ayos nun. Kasi hindi nga ikaw ang gumawa diba? Shoulder to cry on ka nga lang diba? Eh ang saya! Ang saya-saya!


Bess maging akin ka nalang oh! Sa akin promise di ka masasaktan. Sa akin lagi kang sasaya, at tsaka kung iiyak ka man isa lang dahilan nun, tears of joy! Kaya akin ka nalang please? Mahal na mahal kita eh, mahal na mahal na okay lang saken maging martyr, maging rebound at maging kung anu-ano pa pero bess saken ka nalang ah? Mas masaya ako kasama, mas malambing pa, mas matalino, mas sikat, mas bagay sayo, at mas mahal na mahal ka! Oh? Sa'n ka pa? Eh di akin na!


Akin na.. Akin nalang.. Ako nalang.. Mas ako bess.. Sa lahat mas..


Mahal kita ah? I love you so much para mas intense! Tandaan mo yan..





A/N: Just enjoy!

BessLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon