02

50 4 0
                                    

Panakaw-nakaw tingin



"KAYLEE MAY SUNOG!!"


Napabakod agad ako ng marinig ko ang sigaw na yun. Pumulot ako ng isang tela sa cabinet at tumungo ako sa CR. Binasa ko ito at itinakip ko sa bibig ko. Dali-dali na akong lumabas ng CR, at ang naabutan ko paglabas ang talagang nagpausok ng ilong ko.


Maayos na kwarto, walang apoy, walang usok at isang walangyang lalaki na nakahawak sa tiyan niya habang nakahigang tumatawa.


"Grabe Kay! Haha! Sobrang epic ng mukha mo! You should have seen your face! Haha! It's priceless!"


Tuluyan na talagang umusok ang ilong ko at alam kong sobra ko ng pula ngayon. Ramdam na ramdam ko eh, ramdam na ramdam ko ang init na pumunta lahat sa ulo ko. Sinakop eh!


Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinatungan ko kaagad siya. Kinuha ko yung isang unan na ewan ko ay bakit nasa sahig na at tinakpan ko ang mukha niya. Nag-iinit talaga ulo ko!


"Walangya kang Kylala ka! Muntik na akong himatayin sa kaba dahil sa leche mong biro na yun?! Ano bang gusto mo ah?!"


Pinipilit niyang itinulak ang unan na pinantatakip ko sa kaniya at tumatawa pa rin. Grabe sa kapal ng mukha 'to! Di pa rin matapos-tapos sa pagtawa?!


"Ano ha?! Di ka pa rin tapos sa kakatawa? Laking walangya mo din talaga no?! Panu kung napano ako sa kakamadali dun sa CR? Hah?! Grabe ka walangya ka!!"


"Eh ginising pa kaya kita ng maayo-ouch! Kaylee stop it-aray!" daing niya. Sinasapak ko na kasi eh.


Sinuntok ko na siya, sinampal sinabunutan pero waepek parin kasi pinipigilan niya ang mga atake ko at hinaharang niya ang dalawang malalaking braso niya sa mukha't katawan para di matamaan.


"Tama na Kaylee! Masakit na talaga seryoso! Ang sak-aray! Ang sakit na ng mga braso ko!"


Di pa rin ako tumitigil at pinagpatuloy ko pa ang pananapak sa kaniya kaya di ko na napigilan nang ibaliktad niya ang position namin. Siya na ngayon ang nakapatong saken. Ipinuwesto niya rin ang dalawa kong kamay sa magkabilang tabi ng ulo ko at mahigpit na hinawakan yun.


Tumigil na siya sa pagtawa pero bakas pa rin sa mga mata niya ang pagkalibang sa nangyari kanina. Langya talaga! Napairap nalang tuloy ako. Di pa rin talaga ako nakaka-recover sa kaba na naramdaman ko kanina. Sobrang takot ko kaya, sukat ba naman kasing magbiro ang isang 'to eh alam naman niya na nanood ako ng horror movie kagabi. Tapos ang nangyari pa sa movie na yun eh kada may nasusunog na bahay ay kahit maliit lang ang pinsala ay namamatay talaga ang mga tao sa loob. Bakit? Kasi pinapatay ng mga kung anu-ano! Kaya sino ba naman kasi ang hindi matatakot diba? Napakaleche talaga! Tapos alam niya pa na mahilig akong magkape! Di sobrang nerbyosa ko lang nun diba?

BessLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon