04

36 3 3
                                    

You're so dead!


Pagkatapos akong maihatid ni Kyle sa bahay ay umuwi na siya agad. Didiretso naman na sana kami gaya ng plano but I insisted lalo na't feeling ko ang baho-baho ko na. Mom texted me rin kasi na sabay na kaming pupunta sa bahay nila para naman daw makaganti siya kina Mama Karen na di ko maintindihan sa panung paraan.


Nagsuot lang ako ng simpleng red sleeveless top at faded maong pants na pinaresan ko ng aking white sneakers na bigay pa saken ni Kyle nung 15th birthday ko. May ganito din siyang sapatos na gift ko naman sa kaniya nung birthday niya last year.


"Kaylee. Bumaba ka na raw at tutulak na kayo kina Karen" rinig kong sabi ni Manang sa labas ng pinto sabay katok. I just finished my half ponytail styled hair at lumabas na din ng kwarto. Naabutan ko sina mom and dad na nag-uusap sa sala.


"This is my last project lalo na't tuloy pala yung plano natin. I'm not really tired cause I love what I'm doing pero kung ganun nga ay ipagpapaliban ko muna kung para din sa kompanya" rinig kong sabi ni Mommy. Kumunot naman ang noo ko dun. May problema ba sa business nila apat nina mama?


Lumapit na ako sa kanila then I kissed both of their cheeks. Daddy just smiled at me while si mom naman ay nakasimangot.


Naglakad na kami palabas ng bahay papuntang garahe. Kahit naman kasi dalawang block lang at halos likod lang namin ang bahay nina Kyle ay tinatamad kasi si Mommy na maglakad kaya, this is why. Magsasakyan pa din kami papunta dun. Psh.


"Bakit ang tagal mong lumabas princess? 'Kala ko ba excited kang makita na si Nanay?" tanong ni mommy ng pumasok na kami sa sasakyan.


Nasa front seat siya tabi ni dad at nasa likod lang ako. Umirap pa si mommy saken na nagpatawa naman kay dad. I just smiled na pacute. Well I'm cute and beautiful so I can show it naman diba?


"Mom. You told me that a girl love spoiling herself even in the simplest event. Sinusunod ko lang po.."


Lumiko na ang sasakyan at nasa block na kami sa bahay nila Kyle.


"Princess naman! Don't use my word on me! Dad oh.." sumbong naman niya kay dad na nagpangisi saken. Here comes my bratty mommy!


Natawa nalang si dad sa kaniya bago ako binalingan. Andito na kami at pinagbuksan naman agad ng guard nina Kyle ang gate for us.


"Honey, your daughter is just being her usual self. Ikaw naman nagturo diyan diba?" pagkatapos nun ay pinalo lang siya ni mommy sa braso. Aish! Ang asukal ha?


Pagkatapos tumigil ng sasakyan ay agad na akong bumaba dahil sa ayaw ko ng makita ang pagiging childish ni mommy! It's making me think kasi na adopted lang ako.


Sinalubong agad ako ni Ate Kathy. Ang panganay sa magkakapatid. She hugged me tight and I chuckled. Nasa Maynila kasi siya nakatira ngayon at may condo siya dun dahil na din sa pag aaral niya. We're really close na mag-bestfriends na din talaga kami! Noon lagi niya akong hinahablot pag nagsasama kami ni Kyle na naglalaro at dinadala sa kwarto niya dito para dun maglaro. She's possessive to her friends at alam niyo na sa'n nagmana yung isa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BessLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon