03

33 3 0
                                    

The other cast



Pagkababa ko palang ng sasakyan ay agad na akong tumakbo papunta sa classroom namin. Late na kasi at baka ipaglinis na naman ako ng comfort room bilang punishment. Nakakahiya pa naman yun kasi kahit na naglilinis ka pa sa CR ng boys ay may gumagamit pa! Minsan nga yung iba namamastos kaya ayaw na ayaw ko talagang maglinis sa CR! Trauma na ako..


Papasok na sana ako nang may bigla nalang humila sa akin paharap kaya napatigil ako. Sisigawan ko na sana nang ang nakangiting mukha ni Kyle ang bumungad saken. Leche ang gwapo!


Kinunotan ko siya ng noo. Alangan namang ngumiti pa ako eh mapaghahalataan na mas gusto ko pa yata ang ginawa niyang pagpipigil! At bakit rin kaya ako pinigilan nito?



"Ano? May sasabihin ka?" pagsusungit ko sa kaniya.


Mas lumaki naman ngiti niya. Bwesit! Sobra ka na ah! Last nalang talaga at ikikiss na kita!


"Goodbye kiss ko?" taas baba niya pang kilay na tanong.


Aba! Kung di ka lang nagbibiro, ifre-french kiss talaga kita makikita mo!



"Ito, gusto mo ikiss?" sabay angat ko ng kamao ko sa kaniya.


Natatawa naman niyang binitawan na ang mga braso ko at itinaas niya pa ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Joke lang, ikaw naman! Feeling mo naman ikikiss talaga kita assumera 'to!" Ouch ah?! Sige! Isigaw mo pa! Leche to.


"Ano ba kasi at pinigilan mo 'ko?! Mang-aasar ka lang ganun? Bilis na oh, late na ako eh!" 


He smiled at kinamot pa ang batok niya. At bakit ang cute non? Tss.. Pagkamot na nga lang ng batok ang cute nang tignan eh.. Napailing nalang ako. Baliw yata ako eh..


"May practice mamaya punta ka ah? Sabay na tayong pumunta sa bahay, okay?"



"Yun lang?"



Tumango lang siya at ngumisi.



"Wala ka ng sasabihin, kasi aalis na ako. Late na ako oh!" sabay turo ko sa room namin.



At bago pa ako makapag-react ay inilibot na niya ang mga braso niya sa bewang ko at hinalikan niya ako sa cheeks.

BessLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon