Kaylee Luhan Salvador
Nakakunot pa rin ang noo ko hanggang ngayon. Aba'y sino naman ang magiging hindi kung ang kaharap mo ngayon ay ang naglalakihang letra ng elements. Isali mo pa 'tong di ko talaga maintindihan na Enthalpies. Siguro kung favorite mo 'to eh di ang saya? Bakit ba kasi kailangan pa 'tong pag-aralan eh, sa pagkaka-alam ko di naman 'to makakatulong sa magiging course kong accountancy diba? Di ko naman siguro iso-solve pa ang elements na nasa loob ng mga pera diba? Kaya ba't ba pinapa-aral pa 'to saken eh di naman 'to makakatulong! May pasystem-system at surroundings pang nalalaman! Aish! Paano ba kasi 'to isolve? Ilang taon na kaya ako sa upuan ko at di ko parin talaga magawang isolve 'tong problem na 'to! Mamasa-masa na nga siguro 'tong inuupuan ko eh! Ano ba naman yan..
"Okay pass your papers finished or unfinished, one..two.."
Aguy.. Pass the papers na pala eh di ko pa nasasagot 'tong problem number one.
Tinignan ko ulit yung problem.
Calculate the standard enthalpy change for the combustion of one mole of benzene C6H6(l) to CO2(g) and H2O(l).
B. Compare the quantity of heat produce by the combustion of 1.00 g of propane to produce by 1.00 g benzene.
Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko. Kahit anong gawin ko di ko talaga naiintindihan. Siguro absent ako nung naglesson si Ma'am nito. Medyo marami-rami na din kasi akong absences dahil na din sa mga pinaggagawa ko sa buhay. Yan tuloy, di na nga ako magaling Chem, mas nagiging bobo pa ako dahil dun.
"Are all papers here already?"
Napabuntong-hininga nalang ako at padabog na inilapag ang ballpen at calculator ko. Aish! Wala na! Patay na naman ako nito eh.
"Okay that's all class dismiss"
Ayan na, wala na teacher namin pero wala pa rin akong naisagot sa problem na 'to. Hay naku!
Matalino naman talaga ako. Seryoso. Di naman sa pagmamayabang pero nakagraduate ako ng elementary na valedictorian at mahilig din akong mapasok sa mga competitions tungkol sa Math. I'm always the best speaker pag may debate. Kaya nga di ko din talaga maintindihan kung bakit grabe ang paghihirap ko Chem! Hay naku, siguro nagiging fair lang si God kasi sobra na ang talent na binigay niya saken eh. Nobody's perfect nga diba? Ang ganda ko na kasi eh, hihi.. Baka matamaan pa ako ng kidlat dito nang wala sa oras.
Ibinalik ko nalang ang calculator at periodic of elements ko sa bag at tumayo na. Last subject na kasi namin ang chemistry.
Chin up
Breast out
Inhale
Exhale
Paglabas ko palang ng room ay dinumog na kaagad ako ng mga schoolmates ko. Psh. Kahit naman anong busy ko sa pag-aaral ay naisisingit ko pa din talaga ang mga hobbies ko. I'm a freelance model and dahil dun ay medyo maraming nakakakilala saken sa school lalo na yung mga mahilig sa fashion. Pero seryoso, medyo kilala talaga ako sa school namin dahil sa mga napalunan ko na mga interschool competitions at iba pang activities. Naging SSG President pa ako kaya ayun, mas dumami fans club ko. Idagdag mo pa na isang sikat na fashion designer at webtoonist ang parents ko kaya heto ang resulta! Isang artistang napakaganda! Parang uulan na talaga eh.