Lalo ko na lang binilisan ang lakad ko pero nasa close fist ko na ang chain na kinalalagyan ng discs ko. Just in Case na masama ang plano nyang nakamasid na yan.
Nalapasok na ako ng library at dahan dahn kong sinarado ang pinto.
Ng maisara ko to, napasandal ako dun at huminga ng malalim.
"Good Job Ashea." I whispered.
Ilang segundo pa at umupo na ako sa upuang kahoy katapat ang pahabang kahoy na mesa.
Kumuha na ako ng book na pwedeng babasahin para malibang ako pero isang libro talaga ang gusto kong basahin.
Hinanap ko yung libro ng First batch of Mutants.
Sila mama at papa including my teachers. Oo, first generation sila dahil sa kanila unang tinatag ang Mutants dahil dun lang sumibol ang Great War 17 years back, at kami ang second generation.
Hinanap ko yun sa history corner shelf.
Napansin ko ang isang libro na kanina pa inaakit ng instinct ko. Color Violet and it seems neon pero wala namang neon violet, Duh! Pero basta. Siguro yun yon. My Sixth sense activated again.
Kinuha ko yun at ng mailapag ko sa mesa, hinipan ko muna ang alikabok sa book cover nito.
Matagal na siguro itong hindi nagagalaw o nalilinis.
"Hey."
Halos mapasigaw ako ng marinig ko iyon. Tinignan ko naman ang doorway and there's where the sound came from. Malas! Nakita nya pa tuloy akong nagulat!
"Hey ka din." Sabi ko.
Pumunta naman sya sa corner ng history shelf at may kinuhang libro dun.
As the book cover stated, it's entitled "Great War." Hmm, so may connection binabasa namin.
Umupo sya sa tabi ko at duon nilapag ang libro sa mesa.
"What are you reading?" Tanong nya.
"Aah, the Mutants: First Generation."
Sagoy ko naman habang unti-unting binubuklat ang first page."How about you?" Tanong ko.
"The Great war." He said.
"Bakit mo yan piniling basahin?" Tanong nya.
"If I'm gonna answer your question would you keep it as a secret?" Tanong ko.
He smirked and nodded.
"Bata pa lang ako nung maulila ako. Namatay kase si Mama at Papa sa Great war at three days old lang ako nun. Kaya since nun, lumaki ako kay Tita Vanessa. Younger sister ni Mama. Sabi nya, inabot daw ako ng isang Mutant nun kay Tita at pinalayo sa mundong to. Kaya eto ko, konti lang ang alam ko sa parents ko and I feel sad for that." Sabi ko.
"Ang lungkot din pala ng story ng buhay mo no. Just like mine." Bigla syang tumawa ng mahina.
"What do you mean?" I asked.
"All my life, I spent it with pressure. I am a kingsley. My father's a mutant. He's Mr. Lawrence. It runs in our blood to be honorable and victorious." Sabi nya.
Napatakip naman ako ng bibig ng marinig ko yun. He is a kingsley and his father is a Mutant. Oo alam kong mutant ang tatay nya pero di ko akalain na isang Kingsley si Gavin. Ugh! Nakalimutan ko!
"Sino ang nanay mo?" Tanong ko.
"She is also a mutant." He said.
Sandali, ang alam ko, si Mom, dad, Miss Portia, sir Lawrence and Miss Olivia and miss Loraine are the only mutants. Si Miss olivia?
YOU ARE READING
Sixth Sense✔
Science Fiction[not your typical senses.] All rights reserved. Date Started: March 30,2017 Date ended: On Going