Naghintay pa kami ng isa't kalahating oras bago maidala ang lead suspects dito.
Nagpunta na kami sa loob ng bahay ni Sheila para dun mag-interview kase pag kay Torc, baka magduda ang mortals sa amin.
Ang goal ng Grevorians especially Mutants ay tulungan ang Mortals pero hindi nila pwedeng malaman ang existence namin.
--
Narito na sa harap namin ang mga taong hinihinalang salarin sa pagkamatay ni Sheila.
"So you guys are blaming us?" Sabi ni Mitch.
"Hindi naman ho sa ganun pero kailangan po namin mag conclude." Sabi ni Hero.
"Tss. Pathetic conclusion. Wala kayong makukuha sakin." Dagdag pa ni Mitch.
Sa letter, siMitch at Ronald ay may affair kaya nakikipagbreak si Sheila kay Ronald.
"You are Sheila's best friend right?" Tanong ni Alys.
"Uh, Oo. Ako nga yung bff nya." Sabi niya.
Sinusulat lang ni Sofia lahat. Maybe mas maganda nga kung mag take down notes sya.
"Then, ikaw naman ang boyfriend nya? I mean EX boyfriend nya?" Tanong muli ni Alys.
"Hindi nya ako ex! Hindi pa kami hiwalay!" Sabi niya.
"Whoa. Whoa. Calm down." Sabi ni Enzo sa kanya.
"And you, Mr. Kurt is Sheila's best friend too right?" Tanong ni Alys.
Napatango na lang si Kurt.
Naalala ko lang, chineck kanina ni Ms. Portia ang CCTV pero isang black car lang ang naghulog sa katawan ni Sheila sa daanan. It's around 1:47 a.m nung mai-dump ang katawan sa kalsada.
"Nasaan kayo nung mga bandang 1:47 a.m?" Tanong ni Enzo.
"Nasa bar ako. Nagpaparty ako." Sabi ni Mitch.
"Nasa hospital ako, inaalagaan ko yung kapatid kong may tumor." Sabi ni Kurt.
"Nasa bahay ako. Nag vivideoke kami ng tropa ko." Sabi naman ni Ronald.
ayon sa clues, ang pinakamalapit kay Sheila ay si Kurt. Pero pwede namang si Ronald or si Mitch dahil sa affair issues. Aah! Lalo lang gumugulo ang case.
"I want to ask you, may motibo ba kayong patayin si Sheila?" Tanong ni Miss Portia.
"Kahit man nag aaway kami dahil sa affair issues, hindi ko magagawa yun sa kanya. She is my best friend for 7 years pero nasira dahil kay Ronald." Sabi ni Mitch na nangingilid ang luha.
"Magkarelasyon kami for 3 years kaya kahit man ganun ang nangyari, hindi ko magagawang patayin ang babae na naging parte ng buhay ko." Sabi ni Ronald.
"Hindi ko kayang gawin kay Sheila yun. Napakabait nyang kaibigan sa loob ng dalawang taon kaya hindi ko magagawa yun." Sabi ni Kurt.
"What about the rape case?" Tanong niMr. Lawrence.
"I won't do that to her. Hindi ko yun kaya. I still have conscience." Sabi ni Ronald habang kinukuyom ang palad nya.
"Best friend ko sya kaya hindi ko yun magagawa." Sabi ni Kurt.
"Girl to girl? Yuck!" Sabi ni Mitch.
Sa tingin ko may idea na kaming lahat sa main suspect.
Pero lahat kase sila may motibo eh.
Si Mitch, pwedeng maging dahilan ay dahil sa affair nila at pwedeng naiinggit sya kay Sheila. Maaring sya pero ayokong manbintang.
Si ronald, pwedeng sya ang nangrape at pumatay kay Sheila dahil nga sa affair nila ni Mitch at pwedeng sinasabi niya lang na hindi sya makikipagbreak pero ang totoo, gusto nya na talaga kaya nung pumunta siya sa bahay ni Sheila, pwedeng nag away sila kaya napatay niya ito pero nirape niya muna.
YOU ARE READING
Sixth Sense✔
Science Fiction[not your typical senses.] All rights reserved. Date Started: March 30,2017 Date ended: On Going