Chapter 19: Third Case-Casino issue

2K 62 0
                                    

Pinadampot na ang bangkay ng lalaki para sa autopsy.

Umakyat kami ni Alys sa taas para maghanap pa ng evidences na magagamit sa Case.

"Sa tingin mo Alys, may pamilya kaya to?" Tanong ko.

Nagkibit balikat sya.

Naghanap pa kami hanggang sa napadpad ang mga daliri ko sa isang voice recorder. Puro dugo ito.

"Alys look!" Sabi ko.

Kinuha nya iyon habang nakagloves kami.

"We can operate this using sofia's sixth sense." Sabi nya at nilagay sa ziplock ang voice recorder na iyon.

Naghanap pa kami ng mga ebidensya.

"Ashea! Ashea, look what I've found." Sabi nya at tinitigan ko ang poker chips na nandoon.

"What's with those?" I asked.

"Casino. Y'know." Sabi nya at kinuha ang set ng poker chips.

Huh? I don't get it.

"Alys. Pakibukas naman nyang brief case na yan." Turo ko sa nakasandal na briefcase sa tabi ng cabinet.

Pagbukas nun, napaatras kami.

"What the heck! This man is rich!" Sigaw niya.

Isang case na puno ng pera ang naroroon.

"Hold the evidences." Sabi nya.

Agad kaming bumaba ng wala ng mahanap na Ebidensya.

"Guys! Evidences found." Sabi ni Alys at pinakit ang zip lock na naglalaman ng evidence at itinaas ko naman ang brief case na puno ng mga pera.

"Kilala na rin namin to." Sabi ni Hero.

May mga pulis na rin sa labas.

Naupo kami para makapag usap about sa case.

"Siya si Edgar Salazar. Ayon sa mga kapitbahay, kilala sya bilang casino lord ng street nila. Marami syang napanalunan na laro kaya kilaka sya rito. Ayon sa kanila, mabait naman daw sya. Nagpapahiram ng pera sa kanila kaya wala daw silang mahanap na motibo ng pagpatay." Explanation ni Enzo.

"Pero sa tingin ko, dahil rin sa Casino kaya sya napatay." Sabi ni Alys.

"May leads na rin kami." Sabat ni Paulene.

"Atsaka, meron kaming evidence ni Ashea na Voice Recorder. I think matutulungan mo kami sof." Sabi ni Alys.

Nilabas naman nya ang recorder at nilapag sa mesa.

"I can operate this. Magproceed na lang muna kayo sa leads." Sabi nya.

"By the way Paulene, sino pala yung leads na napipimpoint nyo?" Tanong ko.

"Ayon sa phone na inoperate ni Sofia kanina, lumabas yung mga call logs dito. Meron syang tinatawagan na tatlo at recently lang. Si Mario Llanes, si Cristal Arrevalo at Felix Rodriguez." Sabi nya.

Nilista naman lahat yun ni Hero dahil may ginagawa pa si sofia.

"How about the message inbox and outbox?" Tanong ni Gavin.

"Cleared. Walang detalye na naiwan." Sabi nya at umiling.

"Call the police. Pakisabi na dalhin ang leads dito." Sabi ni Gavin.

Tumayo agad sienzo at inutusan ang police.

"Geez! Yes. Operated. Oh, pakinggan nyo na." Sabi ni sofia at pinindot ang button.

"Hindi nyo makukuha ang panalo nyo. You'll never get your prizes."

Yun lang ang paulit-ulit na na binabanggit sa voice recorder.

"Casino is the main subject here." Sabi ni Gavin.

Halos isang oras at kalahati ng makarating ang mga pulis.

Dala dala na nila ang mga leads namin. Puro mga nakaposas sa likod.

"What the heck are you thinking? Sinisisi nyo kami sa pagpatay kay Edgar?!" Reklamo nung babae.

Sa tingin ko, sya si Cristal. Ang lalakeng malaki ang katawan na nakatuxedo ay si Mario at ang lalakeng naka six pocket shorts at may tatoo na tribal ay si Felix.

"Calm down. Wala pa naman kaming tinuturo ah? You guys are here for investigation and not for denials." Iritang sabi ni Alys.

Tinaasan naman sya ng kilay ni Cristal.

"Ano ang connection nyo kay Mr. Edgar Salazar?" Tanong ko.

"Kakilala ko sya at nakakalaro ko sa casino." Sagot ni Mario.

"Casino fling nya ako. Y'know, girl for hire pag nasa casino game sya." Sabi ni Cristal.

Napaismid naman si Alys sa sinabi nya.

"Kalaro nya rin ako sa Casino katulad ni Mario." Sagot nito.

Lahat ng statements nila ay naipon.

"Kung kayo ang tatanungin, meron ba kayong motibo sa pagpatay kay Mr. Edgar Salazar?" Tanong ni Paulene.

"Me, if J am gonna be ask, of course none! Edgar is a good friend and a good foe when it comes to casino. But I don't have any motive to kill him." Explanation ni Mario.

"Well, hindi ko magagawa yan dahil mabait sya sakin. In fact, hindi nya ako minamaliit at natutulungan nya pa ako financially. I really admire him so I don't have any motive to kill Edgar." Sabi ni Cristal.

"Hindi ko yun magagawa sa kanya dahil masyado syang mabait sakin at isa pa, kahit magkalaban kami sa Casino, binibigyan nya pa rin ako ng hati pag natatalo ako. He's an amazing player and friend." Sagoy ni Felix.

"Pero nagkaproblema na ba kayo sa isa't isa ni Edgar?" Tanong ni Hero.

"Ako, Oo. Dahil sa kalasingan namin nun, na inakala kong dinadaya nya ako. Pero naayos din yun." Sabi ni Mario.

"Oo, nagkaroon na. Dahil yun sa minsang pangingialam ko sa laro pero hindi yun magiging dagilan ng pagpatay ko sa kanya." Sagot ni Cristal.

"Oo. Nung natalo sya nun at napikon ata sakin. Kaya nagkasamaan kami ng loob pero tinanggap naman daw nya yun." Sabi ni Felix.

"Okay. Just make sure that you're statements are correct and accurate. Y'know how law punishes criminals." Sindak ni Enzo sa kanila.

"Guys, inside Torc. Now." Utos ni Gavin.

--

"Sa mga detalye nila, sa tingin ko kilala ko na ang killer. Yeah, sinabi nya ang totoo kaya tanga sya dahil tinulungan nya tayong pagtagpi-tagpiin ang ideas and evidences." Sabi ni Hero.

"Ako din. Sa tingin ko alam ko na." Sabat ko.

Sumang ayon naman sila.

"At dahil na rin siguro sa kasakiman ni Edgar kaya sya napatay." Sabi ni Alys.

Napalingon kami sa kanya.

"At isa pa, connected sila lahat sa casino, but this person really has the guts to kill Edgar." Sabi ni Gavin.

Sana nga tama ang hinala namin.

Katulad sa mga nagdaang cases, lagi akong kinakabahan pag nag activate na ang enhanced feeling ko.

Ayoko rin mambintang na lang ng inosente. At lalong ayoko na maging malaya ang killer ngayon.

I hope we concluded accurately.

*****

Sixth Sense✔Where stories live. Discover now