*third person's POV*
Nakakapit sya sa Dalawang nakalaylay Na tela. Nanginginig ang katawan habang may kinakagatkagat Na nakatuping tela. Pinagpapawisan Na sya ng sobrang laki.
"Ire PA po mahal Na reyna! Malapit Na po! Sige lang ire lang" masuyong tugon sa kanya ng kumadrona.
***********
The king was facing back and forth and very worried by the current condition of her Queen.
Nininerbyos Na sya at nanginginig ang kanyang mga kalamnan.
Isisilang Na ng kanyang asawa ang kanilang magiging unang anak. Hindi nya batid kung ano ba talaga ang dapat nyang mararamdaman.
"Mahal Na hari! May nasagap po akong balita"
Napalingon ng wala sa oras ang hari dahil sa kanyang narinig mas lalong nanginig ang kanyang katawan.
Nagdadalawang isip sya kung nanaisin ba nyang marinig ang balitang iyon o Hindi. Ngunit sa bandang huli ninais nalang nyang pakinggan ang balitang sinasabi ng kanyang heneral.
Lumapit Ito sa kanya at may ibinulong. Nanlaki ang Mata nyang tumingin sa heneral. Napaawang ng bahagya ang kanyang bibig dahil sa nalaman.
"Ahhhhggggggg"
Napalingon ang hari sa silid Na inukupa ng kanyang Reyna. Kasunod ng pagsigaw ng kanyang asawa ang pagpalahaw ng iyak ng isang sanggol.
Binalingan ng hari ang heneral. At linapitan.
"Kakausapin nalang kita mamaya heneral"
Tumango Ito sa kanya at yumuko. mabilis Na tinungo nya ang silid.
***********
"Ahhhhggggggg"nahigit ng kumadrona ang hininga ng sumigaw ang reyna at nahulog ang telang kinakagat nito. Kasabay nun ang malakas Na pag ire ng Reyna.
Pumalahaw ang isang iyak ng bata. Napangiti ang reyna!
Sa wakas naisilang narin kita anak!! Aniya sa isip.
"Kamahalan! Isang malusog Na batang babae ho. Ang inyong anak" ngumiti ang kumadrona at ibinigay nito sa reyna ang sanggol Na kanyang daladala.
Nakangiting inabot naman Ito ng reyna! Di nagtagal ay bumukas ang pinto sabay Na napatingin ang mga ito sa pumasok.
Iniluwa ng pinto ang hari Na galak Na galak Na nakatingin sa batang pasan pasan ng kanyang asawa.
"Mahal ko! S-siya Na ba?"
Ngali ngali syang pumunta sa kama at masuyong pinagmasdan ang bata!
"Oo mahal ko! Sya ang ating prinsesa" nakangiting turan ng reyna.
Niyakap ng hari ang reyna at Hindi nya namalayan Na kanlong kanlong Na pala nya ang prinsesa.
"Anong ipapangalan natin sa kanya mahal ko?" Tanong ng hari habang Hindi inaalis ang tingin nito sa kanyang anak.
"S-styx mahal ko!"
"Styx? Napakagandang pangalan! Tamang tama para sa isang napakagandang bata"
Ngumiti ang reyna at muling ipinikit ang mga Mata. Bakas sa mukha nito ang pagod at panghihina dahil sa kanyang pagsilang.
Hinaplos ng Marahan ng hari ang mukha nito at isinuksok sa likod ng tainga ang ilang hibla ng nalaglag na buhok. Tsaka Ito hinalikan sa noo! Binalingan naman nito ang anak.
" manang mana ka sa iyong INA mahal Kong anak "
Muli kinakabisado nya ang mukha ng bata. Bilugan ang mukha. May mahahabang pilik mata. Singkit at mapupula ang labi. Malaporselanang balat. At ang pinagkaiba nito sa INA ay may kulay kahil Na buhok ito.
YOU ARE READING
hell raiser
Fantasyisang batang babae na di man lang alam kung ano ang kanyang tunay na katauhan. aalamin nya ang kanyang pinanggalingan. at sa hustong edad ay kanyang matutuklasan sya pala ay namumukod tanging taga pag ligtas ng sangkatauhan. sya ba ay isang sugo ng...