chapter 2

12 1 0
                                    

Ang labanan

By: darkfashion04


*third person's POV*

-sa kaharian ng okhieanid-

Hindi mapalagay ang hari sa kanyang silid. Maya't Maya itong nakibalita sa mga pangyayari sa labas.

Hindi nya lubos maisip Na magagawa yun ng isang kaibigan sa kanya. Napa iling sya at umupo bumuntong hininga tsaka pinagdaop ang mga palad. At pumikit Hindi Na nagkaroon ng kapayapaan ang isip nya Simula ng sinabi ni ophion sa kanya ang salitang yun.

"Nagbabalak ng paglusob ang hari ng underworld kamahalan! Ano po ang ating gagawin?"

Muli nag p-play sa utak nya ang sinabi ng heneral. Humugot sya ng malalim sa paghinga tsaka tumayo at nagtungo sa kwarto ng Reyna.

Habang naglalakad kinakabahan sya dahil Hindi nya alam kung paano iparating ang balitang yun sa mahal nyang asawa.

Sa kakaisip Di nya namalayang nasa harap Na pala sya ng pinto ng silid. Napatingin sya sa harap isang malaki mala ginto at may naka ukit Na mga iba't ibang klaseng uri ng bulaklak tinitigan nya Ito  at muling nag isip.

Ano ba talaga? Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. *sigh* mamaya Na nga lang.

Aalis Na sana Ito ng bumukas ang pinto at lumabas ang reyna. Para syang naistatwa dahil sa kabang nararamdaman nya. Kahit nakatalikod sya ramdam nya ang paglapit nito sa kanya.

"May problema ba mahal ko?"

Mabilis syang napaharap rito. Inayos muna ang sarili bago sinagot ang Reyna.

"Ma-hal ko! M-may hihingin akong napakalaking pabor sayo" bagama't kinakabahan ay Hindi na muna nya iyon inalintana.

"A-ano yun?" Nangangatal Na sambit ng Reyna. Ganun din ang pakiramdam nya. Gaya ng takot at kaba ng hari.

Bumuntong hininga ang hari at ipinikit ng mariin ang mga Mata nito.

"Bago paman maghahating gabi. Itakas mo ang bata"

"ANO? BAKIT?"

"Gawin mo nalang mahal ko nanganganib sya rito"

**************

*Queen thetis POV*

Bumuntong hininga ako papasok ulit sa kwarto ko. Nilapitan ko ang anak ko at bumungad sakin ang napakatamis nyang ngiti.

Ayokong mawalay ka sakin anak ko! Baka ------ baka Hindi Na kita makita muli. Hindi ko kakayanin yun.

Lumandas ang mga luha ko sa isiping iyon. Tinitigan ko syang mabuti ng may mapansin ako. Inilihis ko paitaas ang kanyang damit at tiningnan maiigi ang kanyang likod.

I-isang balat tulad ng bituin.

Tinagilid ko sya at tiningnan iyong mabuti para siguraduhin ang aking nakita. Napalaki ang Mata ko

"Hindi nga ako nagkamali sa aking nakita"

hell raiserWhere stories live. Discover now