CHAPTER 2

8.1K 211 262
                                        

Isang sikat na fashion model ang natagpuang patay sa loob ng VIP room, matapos ang isang prestihiyosong fashion gala na ginanap kagabi sa Midas Grand Hotel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang sikat na fashion model ang natagpuang patay sa loob ng VIP room, matapos ang isang prestihiyosong fashion gala na ginanap kagabi sa Midas Grand Hotel. Sinubukan naming kapanayamin ang pamilya ng biktima at mga pulis na nag-iimbestiga sa naturang kaso, ngunit hindi sila nagpaunlak ng panayam at sinabing kasalukuyan pa nilang tinitingnan ang kaso.

Namatay ang malaking LED T.V. na kasalukuyang nagpapalabas ng local news. Saka pabalibag na humagis ang remote control nito sa gitna ng mahabang table. Natahimik tuloy ang sampung katao na nakaupo roon at napatingin sa matandang lalaki, habang padabog nitong inilipag isa-isa ang mga papeles na kanyang hawak.

"May panibago na namang kaso. Hindi pa nga nareresolba 'yong tatlumpu't tatlong iba pa." Napailing ang matandang lalaki saka bagsak ang balikat na naupo sa itim na swivel chair na nasa sentro ng mahabang lamesa.

A young police woman cleared her throat. "That makes it thirty-four, Sir." Confidently holding a stack of files, she stood up and approached the Chief of Police. Her eyes, determined. Her posture, fierce. She looked formidable in her blue police uniform, along with those three stars adorning her shoulders.

"Hernandez, please present your report."

Kaagad namang tumango ang dalaga. "Ayon po sa clinical autopsy, basta na lang daw  huminto ang ang tibok ng puso ng biktima," paliwanag nito habang pinipresinta ang mga dokumento.

"May medical history ba ang biktima?"

None,Sir. Even the pathologists were baffled by the results. There were no signs ofintoxication or abnormalities in her coronary system. For some unknown reason,her heart simply ceased to beat," Bahagya siyang napatigil saka muling tiningnan ang matandang hepe. "Kagaya po ng mga naunang kaso... namumuti rin po ang mga mata ng biktima."

Hindi tuloy mapigilan ng matanda na mapabuntong-hininga. "Eh, 'yong report ng SOCO?"

"Sir, natagpuan po 'yong katawan ng biktima na nakasalampak ng upo sa tapat ng vanity mirror," paliwanag ng isa pang pulis, saka iniabot ang mga kuha mula sa crime scene. "Nakalislis po 'yong blusa ng biktima at nakalabas ang 'yong dibdib. Natagpuan naman po sa sahig 'yong palda ng biktima at nakababa po sa hita 'yong underwear niya," dagdag pa nito.

"No cuts, no bruises?"

"None, Sir. According to the autopsy, she did have sex before she died. Pero wala pong nakitang kahit anong senyales na pinwersa ang biktima," sagot ni Hernandez.

Lalo tuloy kumunot ang noo ng matandang kausap. "Nireview niyo ba 'yong mga CCTV footages sa area?"

"Yes, Sir. Pero static feed lang po 'yong narecord na footages no'ng mga oras na 'yon."

The old man loosened his tie and unbuttoned his collar. "No fingerprints, no traces of semen? No, nothing?" He took a deep sigh. "How about the saliva swabs? Lumabas na ba 'yong resulta ng DNA?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DELICIOUSLY CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon