Prologue

78 5 0
                                    

Palakad na ako papuntang office ng principal ng may narinig akong mga bulungan.
"Si Anna Violetta Yan diba? Bakit andito sya??",bulong ng isang babae.
"Ewan ko... Pero sa tingin ko, magiging teacher natin sya dito.. Sana hindi lng sya magtuturo satin, napakamaldita pa naman niyan.. ",bulong naman ng isa.
Oh.. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay yung chinichismis ako. Ang nakakainis pa, andito pako sa malapitan lang.
"Excuse me, grade ano na ba kayo dito? ",tanong ko na ikinagulat nila.
"Auh... Miss Violetta, grade 7 na po.. ",sagot naman nung isa na may halong pagkahiya pa.
"K, wala akong paki alam. ",ngiti ko naman sanay smirk.
Parang nanigas naman yung dalawa sa inakto ko. Well, wala akong oras para magsayang sa mga tulad nila kaya umalis na lang ako at pumasok na sa office ng tyuhin ko.

"Come and sit here Ms. Violetta.. ",wika ng school principal.
Naglakad naman ako papunta sa table niya at umupo. Sabay patong ng dalawa kong paa sa lamesa.
"Musta naman po chong students dito? I'm sure maraming sakit sa ulo.. ",tanong ko habang nakangiti.
"Of course, maraming sakit sa ulo pero mas walang may makakatalo sa isang tulad mo. Alisin mo nga yang madumi mong paa sa table ko.. At isa pa, pagdating sa trabaho hindi tayo pamilya kaya sir dapat ang tawag mo sakin.. ",wika naman niya sabay kuha ng paa ko sa mesa.
"Haays, K. Bukas pa naman simula eh.. ",sabay irap.
"Uy, Anna.. Ayusin mo trabaho mo ha? Guro ka na, baka makikipag basag ulo ka pa dito sa mga estudyante mo.. At tsaka bawasan mo na yan ang pagiging maldita mo.. It's time to grow up.. "
Pshhh..
"Chong, nagiging maldita lang po ako kung may mali.. At huwag kayong mag alala, kayang kaya ko pong disiplinahin ang mga ugok dito.. "
Well, hindi naman talaga guro ang nakuha kong kurso, engineering. Pero may mission kasi akong pakay dito.

So nang nakaramdam na ako ng boredom, agad na lamang akong umalis ng walang pasabi. Narinig ko pa ang tyuhin kong tinatawag ang pangalan ko. Well, wala akong paki alam.

Pagdating ko sa parking lot, pinatunog ko na agad ang aking sasakyan.
Paglapit ko sa kotse, atsaka ko lang napansin ang big bike sa dulo. Kung saan may tatlong sigang estudyante binubully yung nerd??
Nagulat pa ako nung tumingin sakin ang pasang mukha ng nerd.
"Oh, ano? Masarap ba? ",wika pa nung isa.
Pinanood ko lang nang napansin na nila akong tatlo.
"Ms. Anna Violetta? ",gulat na wika nung parang leader.
"Oh? Bakit nagsitigil kayo? Nakakaisturbo ba ako? K, makaalis na nga.. ",sabay pasok ko sa kotse.
Well, I hate nerds too. Yan rin ang ginagawa ko nung highschool ako. Nakakarindi kasi sila.

Malayo layo na ako nang bigla akong napa face palm.
OO NGA PALA! TEACHER NA AKO DIBA? Dapat pala pinagsabihan ko na bawal ang mga ginawa nila. HaaYsss. Ano ba naman yan. Palpak na agad..
Pero agad akong napangiti,
"Bukas pa naman eh.. "

Ako si Anna Violetta, 18 years old.
Alumni ako sa school nato kaya kilala nila akong lahat.
Sikat ako dito bilang isang napakamalditang bully. Well, tinanggap naman ako ng School chairman dahil raw naniniwala sila na 'People change'. Pero d nila alam, hindi uso sa isang tulad ko ang kasabihan na yan..

Happy Reading

PAK GANERN! (MY TEACHER IS MY GIRLFRIEND?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon