Chapter Twelve

23 4 0
                                    

Paglabas ko ng kwarto nakabihis na ako at naka handa. Lumabas na ako sa kwarto at naabutan si Max na nanonood ng Tv habang lumalantak ng tsitsirya. Epal kasi ni Adam eh.

*flashback*
"I'll make you mine...",gulat na wika nito.
Tsaka niya ako hinalikan.
Pati rin naman ako ay nagulat. Well,ikaw kaya gawin sa iyo nito?! Nang humiwalay na ang aming mga labi ay Naging awkward tuloy.

Ilang minuto namalagi ang katahimikan at awkwardness sa pagitan namin nang biglang umepal ang ungas na si Adam.

"Hey guys.. Andaming foods sa ref!! Hehehe,nakuha ko yung Twix tsaka Dairy Milk.. num.. num..",pabebeng wika nito habang punong puno ng tsukolate ang bunganga.
Doon na ako naglakas loob na umiwas sa eksena.
"Hoy! Walang hiya ka! Sino nagsabi sayong pwede mong kainin ang mga iyan?!",inis na wika ko habang hinahabol ang makulit na si Adam.
End of Flashback..

After niyang sabihin sa akin ang linyang,"I'll make you mine.." na akala mo aktor sa kung anong korning palabas,umalis lang siya na parang walang nangyari?  Ano yun? May Alzhiemer's Disease lang?

Akala ko naman manliligaw siya sa akin matapos ang mga sinabi niya pero wala,good thing dahil wala rin naman akong balak na sagutin siya kung sa kali.  Anak siya ni Lenard at hindi ako pumapatol sa mas bata pa sa akin.

So gaya niya,umarte rin ako na parang walang nangyari. It's just a kiss after all,nothing's new.

Dito na naman sila natulog. Lumingon siya sa akin saglit,tumingin pa mula ulo hanggang paa.
"Miss Anna,saan po kayo pupunta?",tanong ng kumakain pa ring si Adam.

"May date kami ni Lenard..",bale walang saad ko.
Agad na napatingin naman sa akin ang tatlong magkakapatid. Mabilis pa sa cheetah na tumalon sa akon si Max na may mga nanlilisik na mata .
Just the reaction I wanted to see.

"You! Sabi ko layuan mo si Dad diba?!  Hindi kaba makaintindi?!"

"Bakit ko naman gagawin yun?",lalo ko pa siyang ginalit.

Bago pa siya sumagot ulit ,tumalikod na ako at dali daling lumapit sa grahe. Pero saktong bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ay tinigilan ako ng tatlo.

"We won"t let you do that again you witch!!",muling saad ng may pasang si Kellin.

"And why?",tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Sasama kami sa iyo.. Tara guys...",wika naman ni Max.
Bubuksan na sana nila ang pintuan ng sasakyan nang ako naman ang pumigil nito.
"What?!",iritang tanong ni Max.
Si Adam nasa likod lang lumalantak pa rin ng Chocolates. Nagtataka ako tuloy kung first time lang ba nito maka tikim ng tsokolate? Pero Imposible naman,ang yaman kasi nila eh.

"Look..",wika ko sabay turo sa baba nila.
Gulat naman ang mga naging reaksyon nila nang makitang naka boxers pa pala ang mga ito.
"Babye.."

Gna Talununam
Comment with a #MTIMG

PAK GANERN! (MY TEACHER IS MY GIRLFRIEND?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon