Chapter 3
Hindi matiis ni Mariz si Mac kaya nag doble kayod syang mag hanap buhay ng may maituwid sila sa pang araw-araw. Iniiwan nya si Mac ng umaga tapos nakakauwi na lang sya ng gabi. Kailangan nyang mamalimos sa umaga at sa hapon naman ay mag tawag ng mga pasahero sa jip. Sa isip nya, kung kasama nya lang ang mga magulang nila ni Mac hindi sila mag hihirap ng ganito pero hindi sya napang hihinaan ng loob dahil alam nya na malalampasan nila ni Mac ang hirap ng buhay.
Hanggang isang araw may naligaw sa simbahan at napunta sya sa likod ng simbahan. Hinahanap nya ang kumbento para sana makapag bigay sya ng donasyon. Imbes na matakot si Cindy ay kinausap nya si Mac. Matagal silang nag kwentuhan at nag kapalagayan ng loob.
Noong umuwi si Mariz ay nagulat sya dahil ang dami nilang pagkain at mga damit. Sinabi ni Mac na yung bago nyang kaibigan ang nag bigay ng pagkain at damit nila. Natuwa naman si Mariz na may nag malasakit sa kanilang dalawa ni Mac at hindi natakot sa itsura ni Mac.
Na kwento din ni Mac kung gaano kabait ni Cindy sa kanya at gusto nyang mamasyal sila kapag wala itong ginagawa. Nag aalangan naman si Mariz na baka kutyain ng ibang tao ang itsura ng kapatid nya pag lumabas ito. Gayon pa man masaya syang may nakatanggap sa kanila kahit mahirap lang sila at iba ang anyo ng kapatid nyang si Mac at hindi pangkaraniwang tao.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Taong Grasa
Mystery / ThrillerIsang simple lang na mamamayan ang mag kapatid na Mariz at Mac pero na bago ito noong nakilala ni Mac ang isang dalagang nag patibok ng kanyang puso. Hindi naging hadlang ang katayuan nila sa buhay para hindi magustuhan si Mac ng kanyang minamahal. ...