Chapter 4
Madalas ng dumalaw si Cindy kina Mariz at Mac. Gusto nyang tulungan si Mac para ipagamot ito at para malunasan kung anong sumpa ang dumapo sa kanya.
Dinala nya silang dalawa sa Manila. May mga kilala syang private doctors at nurses kaya safe ang dalawa na hindi sila makikita ng tao kundi ang mga doctor lang. Pinatuloy nya din sila sa bahay nya. Sya lang at dalawang katulong ang nakatira sa bahay nya.
Masaya si Mac pag lagi nya ka-kwentuhan si Cindy. Pareho na silang nahuhulog sa isat-isa. Kakaiba man ang itsura ni Mac ay hindi yun naging hadlang para hindi umibig si Cindy sa kanya.
Tumutulong sila sa gawaing bahay bilang pasasalamat na din kay Cindy sa pag papatuloy nya sa dalawa. Habang tumatagal ay nakikilala ni Cindy sila at natutuwa sya na ang sweet ni Mac sa kanya. Na pag bago sya ni Cindy at hindi na din sya ngayon nagiging mayabang. Marami syang natutunan kay Cindy at bukas din sa posibilidad na matulungan nya ang dalawa para bumalik sa pag aaral.
Nag iisang taga pagmana ng negosyo at ari-arian si Cindy ng mga yumaong magulang nya at masaya sya na tumutulong sa kapwa nya lalo na sa mga kapus palad na katulad nila Mariz at Mac.
Nakamasid naman ang mga katulong ni Cindy na sina Rhea at Jhade habang pinag mamasdan nila sila Cindy at Mac na nag ki-kwentuhan malapit sa pool side. Hindi nila gusto ang halimaw na si Mac para sa amo nila kaya gagawa sila ng paraan para mapag hiwalay ang dalawa.
Humingi silang dalawa ng tulong sa dating kasintahan ni Cindy na si Joe para ipadampot ang mag kapatid na halimaw. Nag sagawa naman ng plano si Joe para makuha ang mga taong yun at mailayo kay Cindy.
Gabi na noong pasukin nila Joe at mga barkada nya ang bahay ni Cindy at nakuha nila si Mariz at Mac. Hindi nagawang manlaban ni Mac sa mga kaibigan ni Joe dahil pinahirapan muna nila sya at binugbog bago itali at ipasok sa trunk ng kotse. Wala din nagawa si Mariz para tulungan ang kapatid dahil pinaamuyan nila sya ng pampatulog kaya madali din nila syang naipasok sa kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/12838531-288-k875967.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mga Taong Grasa
Mystery / ThrillerIsang simple lang na mamamayan ang mag kapatid na Mariz at Mac pero na bago ito noong nakilala ni Mac ang isang dalagang nag patibok ng kanyang puso. Hindi naging hadlang ang katayuan nila sa buhay para hindi magustuhan si Mac ng kanyang minamahal. ...