KABANATA 4
Katatapos lamang ng pagsusulit nila Carmela para sa unang semestre ng taong ito.Kaybilis ng panahon.Ni hindi man lang siya nahirapan sa pagsusulit dahil bukod sa tutok siya sa pag -aaral ay advance din ang pinag aaralan niya. Tumawag ang kanyang ama upang sabihing kailangang umuwi ng maaga ang magkapatid dahil may pag uusapan sila ng masinsinan.
Kinabahan ang dalaga dahil sa pagtawag ng ama,napuno ng kuryosidad ang utak niya."Ano naman kaya ang pag uusapan at maaga kaming pinauuwi ni papang?"bulong niya sa sarili .
Kaagad niyang itinext si Cynthia at umoo naman ito sa kanyang replay.
Habang hinihintay ko si Cynthia sa labas ng Unibersidad ay biglang may tumigil na kotse sa harapan ko,ang limousine nina Gregorio,Gregorio ang gusto kong itawag kay Gregory.Bumaba si Gregorio sa sasakyan.
"Carmela makisabay kana ihahatid kana min".pag aaya niya sa akin."Naku huwag na,hinihintay ko kasi si Cynthia"
"Kung ganun hihintayin nalang natin siya para makasabay kayong dalawa sa akin"
"Huwag na Gregorio mukhang nakakaabala pa kami"
Nalukot ang mukha nia dahil tinawag ko nanaman siya sa kinaiinisan niyang pangalan.
"Kahit kailan hindi ka magiging abala sa akin,basta ikaw kahit maghintay pa tayo ng mag damag okey lang"pabulong na sabi niya.
"Ano yung sinabi mo?"pag tatanung ko kasi di ko naintindihan yung binulong niya.
"Ha?ah eh wala sabi ko hindi ka naman nakakaabala At gusto ko lang tumulong at makasiguradong makauwi kayo ng maayos"
"kung...anung gusto mo kaw bahala ".
Humingi naman ng pasensya si Cynthia kina Carmela at Gregor dahil natagalan ito.Inerereklamo din nito ang trigonometry at physics nila sapagkat dumugo daw talaga ang utak niya.Halos punitin naraw niya ang test papers .
Tumatawa na lamang si Gregor at napapangiti na lamang si Carmela sa kwento ng kapatid.Accountancy ang kinukuhang kurso ni Cynthia samantalang Bussiness Administration major in Management Marketing ang kasalukuyang kinukuha ni Carmela.Si Gregor naman ay kumuha ng Medisina.
Nang makarating ang sasakyan nila Gregor sa tapat ng mga bahay ng Rodriguez, ay bumaba na ang dalawang magkapatid.Nagpaalam at nagpasalamat si Cynthia sa binata samantalang si Carmela ay walang pasubaling nagtungo sa loob ng bahay.
"Ah Gregor,pagpasensyahan mo na si ate ah"
"Ah hindi okey lang yun, sanay naman na ako"
"Sige salamat ulit, mauuna kami Babooosh"
At pumasok na nga sa loob ng bahay si Cynthia, samantalang umandar na ang sasakyan ng binatang naghatid sa magkapatid.
"Manong daan tayo sa taniman ng mga pinya, pinapabisita ni lolo kung kumusta na ang pag -aani sa mga ito"
"Sige po , masusunod senyorito"
![](https://img.wattpad.com/cover/105259363-288-ka9b63c.jpg)
YOU ARE READING
HACIENDA Carmela
Fiksi UmumThis story is all about love/romance in the fields. A man left his town to fulfil his dream,years pass by and he came back in his home town and met an awesome woman named Carmela, the girl he never notice. This story used Filipino Language specific...