KABANATA 5
Nakaupo na ang mag-aama sa hapag ng pagkain.Habang kumukuha ng pagkain ang magkapatid ay biglang nagsalita ang kanilang ama.
"Mga anak bukas ay darating na ang mga senyoritos,at sa susunod na araw ay gaganapin ang reunion ng mga angkang nagmamay ari ng mga haciendas,alam niyo namang ang araw na iyon ang pinaka aabangan ng lahat.Ang pamilya natin ay isa sa pagpipilian.Kailangang may isa sa inyo ang pupunta sa pagdiriwang kasama ako.Mamimili na ang mga magulang ng mga babaeng o ng mga dalagang maaaring ligawan ng kanilang mga anak o di kaya yung maaring ipagkasundo sa mga binata nilang anak."
"Papang mabuti pa'y ako na lamang ang pumunta.Dahil kung si ate ay hindi papayag yan mailap yan sa mga tao"
"Tama ka bunso,dapat ikaw nalang ang pumunta,baka mandiri lamang admg mga taong dadalo sa pagtitipon sa akin na makakapagbigay patng kahihiyan sa ating pamilya"malumanay na sabi ni Carmela.
"Masyado kasing mababa ang self esteem mo,kaya ka ganyan.Mag ayos ka nga kasi anak.Mas matanda pa tuloy ang itsurja kaysa kay nana Isme dahil sa ayos mo"
"Hay naku...mano ba naman kasi kung mag-ayos ka ,tama sg papang nagmumukha kang gurang sa ayos mo"
"Igalang mo nga ako,mas matanda ako ng dalawang taon sayo Cynthia,mag ate ka naman"
"Let me correct it sis, baka naman mas matanda ka ng DALAWANG DAANG TAON sa akin"
"Kita mo ang hitsura mo ,daig mo pa si kampanerang kuba"dagdag pani Cynthia
Pinatigil na sila ng ama at baka mauwi pa sa di maawat na bangayan o away ang pinagtatalunan ng dalawa.Nakapagdesisyon narin ang padre de pamilya ng Rodriguez,si Cynthia na lamang ang dadalhin niya sa pagtitipon.Gustuhin man niyang si Carmela ang pumunta ay hindi naman na magbabago ang desisisyon ng dalaga kahit pilitin nila ito.
Nakagayak na ang mag-amang Cynthia at Lucas upang pumunta sa pagdiriwang.Araw ito ng linggo.Wala si Carmela sapagkat maaga palang ay gising na ito upang magsimba.Pagkatapos ng misa,si Carmela ay nagtungo na sa sementeryo ngunit dumaan muna siya sa taniman ng bulaklak upang pumitas ng mga mapupulang rosas na kanyang iaalay sa puntod ng kaibigan at ng ina.Duon muna siya magpapalipas ng oras hanggang mag-aluna ng hapon.Sakay ng kanyang bisekleta,magtutungo ulit siya sa taniman ng kanyang mga bulaklak at tignan kung nasa mabuti itong kalagayan.Kailangang magaganda at mayayabong ang mga ito upang mas lalong makaakit ng mga kustomer na bumibili at bibili ng bulaklak sa kanyang flower shop.
Pagdating na pagdating pa lamang ng mag-amang Lucas at Cynthia, ay napukol na ka agad ang tingin ng mga tao sa kanila.
Sino ba naman ang hindi mapapalingon kay Cynthia na ubod ng ganda at parang anghel na bumaba sa lupa.Sinimulan na ang pagtitipon.Kaunting speech lang ng mga pinaka pangunahing pandangal na si Don Gonzalo ay sinimulan na ang kainan at inuman.Madaming naggagandahang mga dilag sa nasabing pagtitipon,halatang pinaghandaan nila ito.Karamihan sa mga dalaga'y naghahangad na mapili at mapabilang sa angkan ng mga haciendero.
Nagsimula naring lumapit ang ilang mga binata kay Cynthia.Panay pakilala ang mga ito sa dalaga,ang iba pa ngay panay ang pagmamalaki sa sarili makuha lang ang atensyon ng dalaga,ngunit mga tipid na ngiti lang din ang tugon ng dalaga sa kanila.Pinag-uusapan na din ng mga matatanda si Cynthia.Mukhang mapapabilang siya sa mga dalaagang mapapabilang sa angkan ng mga mayayamang pamilya.
Samantalang sa isang sulok kung saan ang mga kababaihan ay halos maglaway na sa katititig sa mga nagkikisigan at naggwagwapuhang mga binata.Ang mga binatang ito jng siyang magmamana sa mga hacienda.Bale apat sila pang-lima si Nicholo na halos di matignan ng mga kababaihan.
Ang mga dalaga ay parang rugby na sa kinatatayuan dahil hindi nila matanggal ang pagkakatitig sa apat na binata.Ang mga binatang ito ay nakatingin kay Cynthia.Ngunit sa apat na binata,si Nathan ang labis na natamaan kay Cynthia.Si Nathan ang nakatatandang kapatid ni Nicholo o mas kilaka bilang Gregory.
Maya-maya pay pinatawag ang mag-amang Lucas at Cynthia.Tradisyon na sa bawat angkan na ang mga panganay na lalaki lamang ang magmamana sa hacienda.
NEW CHARACTERSNathan Custodio-kuya ni Gregory Nicholo at tagapagmana ng hacienda Esmeralda.
Christopher-tagapagmana ng hacienda Samaniego
Andrew-tagapagmana ng hacienda Salvador
At
Zues Raven-tagapagmana ng hacienda Gonzalo de Berceo.Nathalie-kontrabida at may labis na pagtingin kay Zues
![](https://img.wattpad.com/cover/105259363-288-ka9b63c.jpg)
YOU ARE READING
HACIENDA Carmela
Художественная прозаThis story is all about love/romance in the fields. A man left his town to fulfil his dream,years pass by and he came back in his home town and met an awesome woman named Carmela, the girl he never notice. This story used Filipino Language specific...