The Story Of Us

45 3 0
                                    

“Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo…”

Naranasan mo na bang mamili sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay? Hindi ba’t mahirap? Tulad nitong sitwasyon ko ngayon. Oo isa akong manunulat, sabi nga nila experience is the best teacher daw kaya naman siyempre maganda magsulat kung talagang naranasan mo ang mga nilalaman ng iyong katha. Kaya nga nagkandagulo-gulo ang buhay ko ng dahil sa experience na iyan. Malapit na kasi ang araw ng pasukan noon, siyempre dahil isa nga akong manunulat kinakailangan kong makagawa ng isang istorya at siyempre ano pa ba ang temang makakapagbigay buhay sa mga tulad kong teens eh wala namang iba kundi pag-ibig. Sobrang tanga ko naman kasi kung bakit pinasok ko pa ang sitwasyong iyon. Sa totoo lang hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend at ni wala rin akong may napupusuan. Sabi ko para maiba naman ang life ko magta-try ako ng isang gimik na kakaiba. Tapos naalala ko na paano kaya kung maghanap ako ng boyfriend. Take note: “Ako pa mismio ang maghahanap ha!” ang kapal ko talaga ano? Aba, parang pinatotohanan ko na yata na baligtad na ang mundo, siyempre babae ako. Well, hindi naman talaga ganoon ang totoo kong purpose, gusto ko lang naman talaganag magkaroon ng experience na magkaboyfriend para may maisulat akongarticle. Kitam, ang cheap ko talaga. Pero bahala na basta pagkatapos ng lahat ay hindi na ako uulit pa. Hindi naman totoong boyfriend eh, kunwari lang tapos ‘pag nagkaroon na ako ng ideya kung anong love story ang isusulat ko e di balik na naman sa normal ang buhay ko.

Nabuo na ang aking pasya. Pero ewan ko ba kung may papatol nga sa itsura kong ‘to. Haay naku, mahirap talagang maging writer, oo. Kung hindi lang talaga dahil sa article na ‘to di sana ‘di ko pa naisipan ang kalokohang ‘to. Ah, basta bahala na.

Ganito kasi ang nangyari . Noong gabing maalala ko na maghanap ng boyfriend may dumaang isang falling star kaya nag-wish ako kaagad. Sabi ko kung sino man ang unang lalaking makita kong nakasuot ng t-shirt na kulay blue kinabukasan ay siya na iyon. Tatlo lahat ang wish ko, tungkol lang iyon sa paghahanap ko ng boyfriend. Ang ikalawa sabi ko kinakailangang makita ko siya sa harap mismo ng gate ng school namin at lastly sabi ko sana ay mahulog ang puso niya sa akin. Napaka-weird ko talaga. Wala naman akong magawa kasi heto talaga ang totoong ako. Hahamakin ang lahat para lang makapagsulat.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon