chapter 2

33 1 0
                                    

Nanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa sobrang kakapalan ng mukha ng dalawang kaharap ko. Kaya lang ay may naalala ako. Ang wish ko nga pala kagabi. Ito na siguro ang chance na magkaroon ako ng boyfriend. Walang kamalay-malay ang dalawang mokong na mabibiktima ko sila. Siyempre kunwari pakipot muna ako tapos pumayag na rin.

“Sige payag na ako basta siguraduhin lang ninyo na matatalo ninyo ako.”

Tuwang-tuwa ang dalawa at sabay pang napahawak sa kamay ko at hinila ako sa gitna ng basketball court. Mabuti na lamang, wala nang maraming tao at walang may nakakita sa amin kasi uwian na.

“Hoy, ano ba kayong dalawa, bitiwan nyo nga ang kamay ko!”

“Teka, hindi pa nga pala tayo nagkakakilala ano? Sabad ng lalaking may hawak ng bag.

“Anyway ako nga pala si Paul, dugtong nito, sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

“At ako naman si Reyven. Sabad naman ng lalaking may hawak ng bola.

Sabay silang dalawa sa pag-abot ng kanilang mga kamay sa akin.

“Gen.” Sagot ko lang at hindi na ako nagkamay pa.

“Ok let’s start the game.” Sabi ko na lang.

Sa una ay medyo nahirapan ako, magagaling kasi sila at take note, dalawa sila ang kalaban ko. Nang nasa kalagitnaan na ng laro ay malapit ko na sana silang matalo kaya lang ay nadapa ako at nadaganan ko si Paul. Hindi ako nakatayo kaagad kasi hingal na hingal ako at pagod na pagod na ako sa kalalaro.Tumambad sa akin ang kanyang mukha at nasamyo ko ang mabango niyang hininga, napatitig siya sa aking mga mata at gayundin ako. Parang hinihigop ng kung anong kuryente ang aking katawan at hindi ko na makuhang makatayo. Napakatagal ng aming pagtititigan. Ngayon ko lang na-appreciate, gwapo rin pala ang mokong. Siguro perfect description nga sa kanya ang tall, dark and handsome.

“Hoy! Ano ba kayong dalawa magtititigan na lamang ba kayo diyan hanggang bukas, “ sabi ni Reyven.

Noon lang ako nakabawi, pero hindi pa rin ako makatayo, pinilit ko ang aking sarili. Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Reyven.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon