chapter 1

31 1 0
  • Dedicated kay julia robert
                                    

Kinabukasan siyempre excited na ako, first day kasi ng mission ko eh. Maaga akong nagising, naligo at nagbihis. Tamang-tama naman at free day namin ang ibig sabihin pwedeng hindi kami mag-uniporme. Hindi naman ako mahilig magsuot ng palda, hindi kasi komportable kaya ang ending nakapantalon pa rin ako ng ragged at naka T-shirt. Paborito ko kasi itong isuot at siyempre dala-dala ko pa rin ang bola ng basketball at ang knapsack kong bag. Sino ba naman ang mag-aakalang naghahanap nga ako ng boyfriend e sa itsura ko pa lang parang daig ko pa ang isang tunay na lalaki. Bahala na basta nag-wish na ako kagabi. Nagpaalam na ako at umalis ng bahay.

Pagdating ko sa may gate ay parang ayaw ko pang tumingin kasi parang nakakatakot. Grabe talaga ang aking kaba. At heto pa, alam ba ninyong parang maloka ako at mahilo nang matanaw ko ang dalawang lalaki na parehong naka-suot ng T-shirt na kulay blue at titig na titig sa akin habang pinagtatawanan ako. Gigil na gigil talaga ako, kaya sira ang araw ko at nalimutan ko na tuloy ang tungkol sa wish at plano ko. Wala akong nagawa at dahil sa sobrang inis ko ay sinugod ko ang dalawang lalaki at binato hawak kong bola. Tinamaan silang dalawa sa mukha. Pagkatapos niyon ay dali-dali akong tumakbong papalayo kaya hindi ko na nakita kung ano pa ang nagging ekspresyon ng kanilang mga mukha. Dumiretso ako sa canteen, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. At dinagdagan pa iyon ng mga mokong na bastos kanina. Haaay naku ano ba ‘to ang dami namang tao. Pero wala rin akong nagawa kundi makipagsiksikan sa mga iyon. Nang makarating ako malapit sa may pintuan ay may nakabangga sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ako ng lalaking nasa aking likuran kung hindi, malamang napakalaki na ng bukol ko. Kaya lang, laking gulat ko nang sa aking pagharap ay nakita ko na naman ang mukha ng dalawang lalaking kinaiinisan ko. Kaya, agad akong lumayo at pumila upang umorder ng pagkain. Pagdating ko sa cashier ay agad kong kinapa ang aking bulsa upang makapagbayad, pero teka lang mukhang nawawala yata ang wallet ko ah! Naku ano ba namang malas ‘to asan na ba ang wallet ko. Mapapahiya na talaga ako at parang maloloka na nang may mag-abot sa akin ng twenty pesos. Aba! Sila na namang dalawa. Bahala na, kailangan kong tanggapin ang pera naghihintay na kasi ang tindera. Hindi ko na nakuhang magpasalamat, dapat naman talagang gawin nila iyon kasi sinira nila ang araw ko kaya bagay lang na sila ang magbayad sa lahat ng kinain ko ‘no. Ang sarap-sarap ng pagkakasubo ko nang may magsalita mula sa aking likuran. “Ibang klase ka talaga miss, tinulungan ka na nga hindi ka a nagpasalamat tapos, tatalikuran mo lang kami.”

Napalingon ako at muntik pa akong mabulunan. Pagharap ko ay ang mukha na naman ng dalawang lalaking kaaway ko kanina ang tumambad sa akin. Hindi na talaga ako nakapagpigil. “Aba,aba,aba mukhang kayo pa yata ang may lakas ng loob na manumbat at magalit sa akin! Hoy, mga mokong for your information sinira ninyo ang araw ko at pwede ba, umalis na kayo sa harapan ko kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa, okey!”

“Bakit ba ang sungit-sungit mo miss eh magso-sorry pa naman sana kami.” Sambit ng lalaking may hawak na bola.

“Wala akong pakialam sa inyo, at isa pa hindi ako tumatanggap ng sorry lalo na ng mga taong katulad ninyo at saka bakit ba ang kukulit, ninyo ha?”

“Ok,ok, hindi ka na naming kukulitin basta magkakaroon tayo ng deal.” Ang isa na naman ang nagsalita.”

“Alam nyo ang gulo ninyong kausap at ang kakapal talaga ng mga pagmumukha ninyo, ano?” Bulyaw ko sa kanila

“Sige na, pumayag ka na kasi, kung ayaw mong hindi ka namin titigilan.” Sabi uli ng may hawak ng bola.

“Whew nakakainis talaga kayong dalawa, ano bang deal na yan, bilisan nyo na nga at nang makaaalis na ako.”

“Nakita ka namin kanina na may hawak na bola. Ibinato mo pa nga sa amin eh. Simple lang naman itong deal, tatalunin mo lang naman kami sa basketball. Kapag natalo mo kami, free ka na, pero kapag nanalo naman kami, pipili ka sa amin kung sino ang magiging boyfriend mo.” Sambit ng lalaking nakabag.

“O, ano payag ka na?” sabi ng may hawak ng bola

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon