chapter 4

39 1 0
                                    

Doon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Dahil lang sa deal at siyempre dahil din sa wish ko. Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit sa dalawa at gayundin sila sa akin. Wala akong pinipili sa kanila kasi magkatimbang at pantay sila para sa akin. Walang araw na hindi kami magkakasama. Kulang na nga lang ay magkakatabi na kaming matulog. Nalimutan na nga namin ang tungkol sa deal, eh. Isang araw noon ay nagkayayaan kaming pumunta sa beach para mag-outing at heto ang nangyari.

“Gen, alam mo, matagal ko na talagang gustong sabihin ito sa iyo, kaya lang hindi talaga ako makahugot ng lakas ng loob. Gen, mahal na mahal kita. Simula palang kasi nang una kitang makita sa school, sabi ko ikaw na nga ang babaeng hinahanap ko. Iba ka kasi sa lahat ng mga nakilala ko. Totoo ka sa iyong sarili at alam mo ba kung ano ang lalong nagustuhan ko sa iyo? Ang pagiging boyish mo at saka nakakatuwa ka kasing inisin kasi lalo kang gumaganda.”Sinasambit ito ni Reyven habang nakatitig sa aking mga mata. Hawak-hawak niya ang aking kamay habang itinatapat niya ito sa kanyang dibdib.

“Ano ka ba, huwag ka na ngang magdrama diyan. Hindi naman bagay sa iyo eh. Halika maligo na lang tayo, samahan na lamang natin si Paul. At saka wala akong balak magkaboyfriend ano.” Binalewala ko kunwari ang kanyang sinabi, pero ang totoo grabe na talaga ang kalabog ng aking dibdib.

“Teka lang Gen, hindi naman ako nagbibiro ah, totoo ang lahat ng mga sinabi ko sa iyo. Kahit na wala pa ang deal talagang mahal na mahal kita. Please ako na lang ang piliin mo. Maawa ka naman sa akin, gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo ngayon. Please naman,” pamimilit pa rin ni Reyven. Hindi namin alam na tanaw na tanaw pala kami ni Paul mula sa dagat.

Tumakbo akong papalayo para maiwasan ko si Reyven. Sa katatakbo ko ay hindi ko namalayan na nadapa na ako at muli’y may nanumbalik sa aking alaala noong unang nadapa ako sa basketball court, parang naulit muli. Si Paul pa rin kasi ang nadaganan ko. Masuyo niya akong tinititigan, parang may gusto siyang sabihin. Napapaiyak na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang mga tingin niya ay parang nanunuot sa aking buto.

“Gen, I Love you with all my heart and my soul. Alam ko nahihirapan kang mamimili sa aming dalawa ni Reyven.Iginagalang ko ang iyong desisyon, kung ano man

iyon, ok lang sa akin. Pero ang masasabi ko lang, hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka rin lang sa akin.” Sa wakas ay nasambit ni Paul sa akin. Umiiyak na rin siya.

“Ayoko na,pagod na pagod na ako, pwede bang pabayaan na ninyo akong dalawa. Marami pang ibang babae diyan, hindi lang ako nag-iisa sa mundo.”

“Gen, mahal na mahal ka namin. Alam kong mahirap pero kailangan mo na talagang magdesisyon.” Ssbi ni Paul.

Naguguluhan na ako nang mga panahong iyon kaya gumawa nalang uli kami ng deal. Sabagay, gusto ko na ring makalabas sa problemang ito. Alam kong nakakatakot pero kailangang matapos na.

“Ok sa Lunes, grand finals ng basketball sa school. Dawalang team ang maglalaban. Kailangang pumili kayo ng tig-iisang team. Kung kaninong team ang mananalo siya rin ang sasagutin ko. Deal?”

Kabadong-kabado ang dalawa sa pagpili ng team. Nakita ko ang tension at tuwa sa kanilang mga mukha. Sa wakas ay matatapos na rin ang matagal na naming problema. Kahit ako, kinakabahan rin sa magiging resulta ng laban. Ngayon ko lang naalala na mahirap palang magmahal at mamili. Sa totoo lang, ayoko talagang may masaktan sa kanilang dalawa, kasi pareho ko silang mahal. Walang may nakakalamang sa isa’t isa. Pero ganyan talaga ang laro, kailangang may talo at panalo.

Kinalunesan,kaming tatlo ay hindi na mapakali. Sinundo rin nila ako sa bahay para sabay kaming makapanood ng laro. Nagpareserve na kami kaagad ng seat sa unahan para makita namin kung sino talaga ang mananalo. Noong araw na iyon ay simple lang napili kong isuot. Naka-shorts lang ako at naka t-shirt nang medyo hapit sa katawan, tapos ay nakapony-tail ang aking buhok. Nang papalabas na kami sa gat tinanong ako ni Paul kung saan daw ba masarap halikan ang isang babae. Nabigla ako at pinamulahan ng mukha. Nataranta ako sa pagsagot ng…

“Sa… sa leeg.” Lalo pa akong pinamulahan ng mukha ng titigan niya ang aking leeg.

“Ah… eh… huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Ang totoo, wala talaga akong alam tungkol dyan, sige aalis na tayo.”

Si Reyven naman ay titig na titig lang sa akin.

Pagdating namin ay kauumpisa lang ang laro. Close fight ang laban kaya unpredictable kung kaninong team ang mananalo. Nariyang lumalamang ang team ni Reyven. Nariyan namang ang kay Paul ang nangunguna. At heto na nga, dumating na ang aming pinakahihintay, ang final round ng laro. Halos, ayoko nang manood habang ang dalawa ay tahimik lang sa pagbabantay ng resulta. Last shot panalo ang team ni Paul. Hindi ako makapaniwala, akala ko ay may iiyak pero parang iba yata ang nangyari. Nagkayakapan pa ang dalawa. Sa palagay ko ay silang dalawa lang ang may deal at parang silang dalawa na ang magkakatuluyan. Hamakin mo ba namang halos hindi na sila magbitiw sa pagkakayakap sa isa’t-isa. Lahat na nga ng spectators ay sa kanila na napatuon ang atensyon. Ni hindi na nila ako napansin, sa isip ko ang kakapal talaga ng mga mukha, siguro nga lahat ay pustahan lang nila. Napapaluha na talaga ako at patakbo na akong palabas nang may pumigil sa akin. Si Paul.

“Ganyan naman talaga kayong mga lalaki eh, pinaglalaruan nyo lang kami. I hate you!!”

Oooyy, nagseslos ang baby.” Sabi ni Paul

Mayamaya ay biglang sumeryoso ang dalawa.

“May ipagtatapat sana kami sa iyo,” ani Reyven.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon