chapter 5 :The end

25 1 0
                                    

“Sige na, sabihin nyo na para hindi na ako umasa pa.”

“Gen, si Reyven ah..eh..ano kasi eh.. Reyven ikaw na nga ang magsabi ng totoo.”

“Ummm, una sa lahat, binabati kita Paul dahil nanalo ka sa laban at ikaw din Gen, Tol iingatan mo si Gen ha.Alam mo, hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ito Gen, pero sasabihin ko na talaga. Good news ito at siguradong ikatutuwa mo.”

Gulong-gulo na ako kung ano ba talaga ang gustong sabihin ng dalawa sa akin.

“Gen, ang totoo alam mo ba kung bakit masayang-masaya kami at walang umiyak sa aming dalawa? Kasi wala kang nasaktan. Ang galing mo kasing mag-isip ng deal. Kasi may deal din kami ni Paul, eh. Sasabihin ko talaga Gen na..na..bakla kasi ako.” Nanlalaki ang aking mga mata at halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Reyven. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa kanya. Napaluha tuloy ako at hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Ipinagpatuloy ni Paul ang pagsasalaysay.

“Tama siya Gen, ang deal kasi namin, kailangan ko siyang paranasin na maging isang tunay na lalaki; at ako naman kailangan kong magkaroon ng girlfriend. Ang deal, kapag ako ang pinili ng girl, ibig sabihin ay talagang bakla siya at siyempre sa wakas ay matutupad na ang matagal kong wish na magka-girlfriend.”

Sabay-sabay kaming talong nagkatawanan at mas lalo pa iyong lumakas ng sabihin ko rin sa kanila ang deal ko sa aking sarili.

Ano akala ninyo, hindi happy ending ang love story ko no?

Ngayon, masayang-masaya na kaming tatlo. At alam ba ninyo kung saan ako unang hinalikan ni Paul. Siyempre ang first kiss ko ay hindi sa lips kundi sa leeg. O hindi ba unique ? Kayo, meron ba nito?

Magkakasama pa rin kaming tatlo kaya lang si Reyven ay talagang bumalik na sa pagkabading. Pero masaya na ako kasi at least natapos na ang lahat. At siyempre nagkaroon na ako ng boyfriend na talagang mahal na mahal ako. Kasi tanggap niya kung sino at kung ano ako.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon