Chapter 2: A Stranger
Agatha's
Habang nakatingin ako sa malayo, biglang may humarang sa paningin ko, isang kamay na may hawak na panyo.
Napatingin naman ako sa may ari ng kamay na ito.
"Lord? Nasa langit na ba ako? Kinukuha mo na ba ako? Bakit may anghel sa harapan ko?" Di klaro yung mukha niya kase against siya sa lights. Basta isang lalake.
"Sino ka?" Tanong ko, pamilyar yung mukha niya.
"Nagkagusto ka lang kay Marcus, di mo na ako nakilala." Malungkot niyang sabi.
Huh? Ano bang pinagsasabi neto? Eh, hindi ko naman talaga siya kilala. Feeling close naman neto.
"Teka Mister, akin na yang panyo mo, salamat dito. Pero hindi talaga kita kilala eh, feeling close ka po?"
Ang ganda ko naman masiyado ang daming nakakakilala sakin.
"Forget it, sige na punasan mo na sipon mo oh, tumutulo pa." Natatawa niyang sabi kaya nagtaka ako, sipon? At napahawak ako sa ilong ko, may sipon nga!
Hala nakakadiri to the highest level ka Agatha! Buti nalang at hindi si Marcus o ibang tao ang nakakita sayo!
"Thank you mister sa panyo mo, but I need to go." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo sakanya.
Pabalik na ako sa cafeteria, ang bagal ng lakad ko. Nakakapagod pala. Kagagaling ko lang sa isang laban na alam kong talo ako kaya gutom na gutom ako atsaka baka i-pasalvage ako ng mga kaibigan ko pag di ako bumalik.
At nung dumating ako sa cafeteria wala na ang mga estudyante at kahit sa hallway kaya tumingin ako sa wristwatch ko, Patay! I'm twenty minutes late!
So as student na magaling umaakting at gawain ng mga matatalino tulad ko. Dumeretso ako sa clinic ng school and I started to act.
"Nurse, ang sakit ng ulo ko po." Nakapikit kong sabi na tilang nasasaktan talaga.
"Ano bang nangyari sayong bata ka!? Hala sige, halika't humiga ka muna para mabawas bawasan ang sakit ulo mo tapos inumin mo 'tong gamot."
Buti pa ang nurse, mabait. Eh si Cassie a.k.a Ape kaya?
"Nurse!" Nakarinig ako ng boses lalaki pero di ko na napansin baka sophomore student lang.
"Oh Mister Delamijas! What brings you here?" Masayang sabi ng Nurse.
Teka, Delamijas? Agad akong napatayo, pero di nila ako nakikita kase nakasarado yung mapuputing kurtina.
"I'm looking for Miss Guil, andito po ba siya?" Narinig kong tanong niya, teka bakit niya akong hinahanap? Pero di na ako nagpatumpik tumpik pa. Karakaraka na!
"I'm here!" Sigaw ko then hinawi ko na ang kurtina na kanina pang nakaharang.
Shems! Ang pogi kahit naka poker face, pinaglihi ata siya ni Mamshie-in law sa music video ni Lady Gaga na 'poker face'.
"Come with me." Malamig niyang sabi, as usual Agatha.
May bago ba?
"Teka Delamijas, she can't come with you kase masakit ang ulo niya so she need to re--" Pinutol ko na ang sasabihin ng nurse, sayang opportunity no!
"Nurse, I'm okay na po." nakangiti kong sabi.
Best actress ata to!
"Sige, ingat kayo ah." Sabi ng nurse and after that, we stormed out.
Wala palang "we", it's ano lang, uh, nevermind.
Habang naglalakad kame papuntang 'di ko alam' kasi sinundan ko lang ang Marcus ko nagulat ako nung bigla siyang huminto at lumingon.
"How are you feeling?" biglang tanong niya, OMG to the highest level! Concern ba siya? Is this real?
Isang potassium ka po, Agatha.
"I'm perfectly fine Marcus, there's nothing to worry about." Sabi ko then tumango nalang siya.
What the effin cuffin muffin jake and fin hell! Yun lang?
"Saan ba tayo pupunta Marcus? Eh kanina pa tayo palakad lakad ah, masakit na yung paa ko." reklamo ko.
Napatigil naman siya.
"Shut up and just follow me, bubwit" Okay susun-- teka? Tinawag niya akong bubwit? OMG! May callsign na kame! Thank you Papa Jesus, magkakarelationship goals na ba kame?
"Okay Marcus." sabi ko nalang para kunwari di ko kinikilig well, ano bang nakakakilig sa sinabi niya?
Wala naman diba? Pero kinikilig ako.
"Good." tipid niya tugon. Ang masasabi ko lang sa lalake na to ay a man of few words.
Eh ang tipid ng mga sinasagot niya eh pinaglihi ata sa pipi. Pero hindi naman nagsasalita ang mga pipi diba? Ang bobo mo naman Agatha.
Nakarating kami sa Principal's Office and I don't know why. Makikita ko na ang taong iniwasan ko kanina na si Mr. Doraemon. Well, feel ko lang na tawagin siyang doraemon kase bukod sa maliit siya, kamukha niya pa si Doraemon.
Kumatok muna si Marcus, tapos pinapasok na kame ayun si Doraemon, nangugulangot.
"Thank you Mister Delamijas for bringing Miss Guil here." He nodded and went out. Leaving me with this Doraemon, na pinaglihi ata ng nanay sa height ni Dora at sa mukha ng isang Pokemon.
Sinundo niya ako sa clinic para dalhin ako sa Doraemon na'to!? Eto naman si Doraemon hinead to toe ako. Ang ganda ko no?
"Miss Guil--" I cut him off. "Misis Delamijas po." pagkokorek ko sakanya pero pero pinagdilatan niya lang ako ng mata. Confirmed!
Mukha siyang isa sa alagad ni Doraemon!
May alagad ba si Doraemon? Wala diba? Ngayon meron na, at nasa harapan ko pa.
"Miss Guil, Hindi ko nagustuhan ng behavior mo kanina na tinakbuhan mo ako!" Oo, siya yung tinabuhan ko kanina kasi pipilitin nanaman niya ako na ipakita na daw yung talino ko.
"Sorry po, Doraemon" sabi ko nalang pero syempre bulong lang yung huli.
"Forgiven Miss--" pinutulan ko nanaman siya. "Misis Delamijas nga po!" huminga siya ng malalim.
Oh no! Sasabog na ang volcano!
"Bye doraemon!" sigaw ko ng makalabas ako sa office niyang mala 80's ang dating.
Pabalik na ako sa classroom para umattend ng last subject, anong subject? Di ko alam.
Ganito talaga ako, di ko alam kung studyante ba talaga ang matatawag sakin.
Takbo lang ako ng takbo hanggang may nabangga akong lalaki, pero di ako nagpatinag, pinagpatuloy ko lang ang pagtatakbo ko, pero bago pa ako makatakbo may narinig ako galing sa lalaki na yun na hindi ko man lang nakita ang mukha.
"You're so clumsy bubwit."
Bubwit? Teka, si Marcus lang tumatawag sakin nun ah? So meaning siya yung nabangga ko kanina? OMG!
•••
BINABASA MO ANG
Operation: Court Marcus
Teen Fiction"Kung ayaw mo'kong ligawan, well then ako ang manligaw sayo!" -Agatha