Chapter 4: Mysterious gone wrong
Agatha's
Today is the day Agatha, kaya mo yan, and it's your choice.
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom, at pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon, do I look weird? YES.
Papasok palang ako sa classroom may humila na saakin papuntang comfort room, and there, mga kolokoy kong kaibigan, and they gave me a what-the-hell-look.
"Anong nangyari sayo!? Bakit ganyan ang itsura mo?" Sumisigaw nanaman si Whafa. Hindi ba siya napapagod sa kakasigaw?
Oo, siya yung sumigaw at nanghila sakin papunta rito.
"You look like a creepy stalker." Natatawang sabi ni Reena saken.
Ang ganda ko namang stalker.
Ano lang naman suot ko ngayon? Naka-uniform, naka-hoodie, and naka ray ban shades? What's wrong with this outfit? and according sa research kahapon.
I need to be a mysterious type, so eto na nga mysterious.
"Sabi niyo mysterious, so eto na nga mysterious." Proud kong sabi sakanila, aba syempre pinaghirapan ko to!
"It's not the looks Agatha, but the personality!" Alam ko naman yon but mysterious nga diba?
"I know but, kasali na rin ang looks dun no!" Frustrated kong sabi.
"Reena, ikaw na ang bahala dito. Napupuno na ako." Then she stormed out.
At ayun parang nagkaroon ng misa sa banyo dahil sa homily nila, pero eto na, wala na silang magagawa.
Lunch na, si Marcus naman umalis ng classroom kaya sinundan ko siya, sa library lang naman punta niya so sinuot ko yung shades ko para di halata na ako.Nag-antay muna ako ng 2 minuto nang makapasok siya sa library at pumasok na ako and there nakita ko siya nakaupo sa pinakadulong table, nagbabasa.
"Miss, why are you wearing sunglasses?" Napatigil naman ako dun.
At yun nakita ko yung librarian namin, bungi.
"Uh ma'am may sore eyes kasi ako, alam niyo na, precaution lang, para walang makahawa." Di ko siguradong sabi pero sana kagatin niya yung sinabi ko.
"Ah ganun ba? Sige, pumasok kana and read."
Oh diba? Ako lang nakakagawa non, kinagat nga niya ang mga sinabi ko, pero nung binalik ko yung tingin ko sa table ni Marcus, wala na siya dun, impossible naman kung lumabas na siya kase dun ako nanggaling kanina so nilibot ko ang mga shelves, station one, wala.
Hanggang 5 na wala parin, the last shelf.
"Baka andito na yun." Tumitingin pa ako sa paligid, and naamazed talaga ako sa library na to, ang daming libro, syempre, library nga diba?
"Why are you following me Agatha?" Oh shit.
Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, and there nakatayo siya sa harap ko na parang ineexpext niya talaga na pupunta ako rito o alam niyang sinusundan ko siya. Okay, awkward.
BINABASA MO ANG
Operation: Court Marcus
Teen Fiction"Kung ayaw mo'kong ligawan, well then ako ang manligaw sayo!" -Agatha