Chapter 1: My Life

25 1 0
                                    

Chapter 1: My Life

Andrei's Point of View

"Mahal, huwag mo kong iwan please. Hindi ako mabubuhay kung wala ka. Pakiusap.... huwag nyo syang kunin sa akin. Malilintikan kayo sa akin. Huwaaaag!"

Bumalikwas akong bumangon nang binuhusan ako ni mama nang malamig na tubig. Ba't ganon yung napapaginipan ko. Creepy. Hyss. Inaantok parin ako. Madaling araw na akong natulog dahil may binabasa akong article sa isang libro na walang author. Napaka misteryoso.

"Ano? Hindi ka ba babangon? Gusto mo buhusan kita nang mainit na tubig? Maria joseph naman Andrei. First day nang klase mo. Sasayangin mo ba ang scholar na ibinigay sayo?" Pasigaw ni mama sa akin.

"Oo na ma. Babangon na ako. I love you ma! Sabay hug ko sa kanya.

"Ahh! Ang basa basa mo. Wag mo akong ma ano ano jan. Kung hindi palang kita anak, baka sinipa na kita palabas. Ma swerte ka mahal kita kahit na palagi kang friendzoned." Sabay tawa.

"Aaaaahhhhh! Ang sakit nun ma ha? Grabe ka naman. Makikita ko rin yung babaeng para sa akin ma. Maybe she's hiding behind the stars." Pabalik kong sagot sa kanya.

"Ohsha, maligo ka na. Kailan pa ba ako magkaka apo nito. Hyss." Tanong ni mama.

"Bukas na ma. Hintay lang HAHAHAHA!" Sagot ko naman sabay punta sa labas.

Si Mama Bebe, ang pinakamamahal kung ina. Ang ina na bubuhusan ka nang malamig na tubig kapag hindi kapa bumangon nang maaga. Malas daw yun kapag nasisikatan ka nang araw tapos hindi kapa gising. Wala daw blessings na tutuloy sa bahay namin. Well, yun naman ang nakagisnan ko simula pagkabata.

Hyss mag-iigib pa pala akong nang tubig sa poso. Kumuha ako nang dalawang balde at tsaka nagpaalam kay ina.

Antok na antok parin ako habang naglalakad sa madilim na daan. Alas kwatro kasi nang madaling araw ngayon. 1 am akong nakatulog. Mamamatay na siguro ako. Hyss

Nang makita ko ang poso sa di kalayuan, tumakbo na ako para mag igib. Baka maunahan na naman ako sa mga kapit bahay namin. Ang dami pa naman nilang baldeng dala.

At agad umigib ako nang tubig. Habang naghihintay na mapuno yung balde. Nag strech ako nang katawan at humikab. Ang ginaw nang hangin. Grrr.

"Aaaaaaahhhh! Anak nang pu---"

May tumalon na palaka sa aking paa. Takot talaga ako sa palaka. Napatalon talon ako sa takot. Tumalon talon din kasi yung palaka e. E yun nasipa ko. Nakakainis kasi e. Hyss mamamatay na talaga ako nito.

Matapos mapuno yung dalawang balde nang tubig ay agad na akong bumalik sa bahay para maligo. Kumuha nang towel at tabo tsaka lumabas sa bahay. Sa labas nang bahay kasi ako maliligo. Napangiwi nalang ako sa sabon na gagamitin ko. Manipis na kasi tsaka sabon pa nang damit. Sobra kasi ni mama yun e sa paglalaba niya kahapon. Yun nalang yung ginamit ko.

Sanay naman akong gumamit nito. Mahirap naman kasi kami. At tanggap ko yun. Sabi ko sa sarili ko na magtatapos ako nang pag-aaral para hindi na sabon panlaba ang gagamitin ko.

Pagkatapos kung maligo, nagbihis na ako sa kwarto. Sinuot ko yung uniporme na binigay na supply nang unibersidad sa akin. Mas okay na ito. Kahit walang plantsa, hindi makikita dahil coat. Hindi pareha sa nakasanayan kung uniporme sa elementary at high school. Halatang walang plantsa at mukhang kulay ngipin.

Lumabas ako nang kwarto at agad na bumungad sa akin ang napakabango at napakasarap na amoy nang--- TUYO!.

May nakahanda nang plato at ready to drink na 3in1 na kape na hinanda ni mama. Love na love talaga ako ni mama. Ang swerte ko talaga sa kanya. Hintay lang mama. Hintay pa nang konting panahon. E aahon kita sa kahirapan ma.

"Mommy, sabay na tayong kumain." Sabay ngisi na alam na ang susunod na reply ni mama.

Hinampas ako ni mama nang sandok.

"Kung hindi ka tumungtong nang bente-uno, hindi ka magsasabi nang mommy. Wag mo kong tawagin nang ganyan. Nakakasuka andrei." Habang nagluluto nang sinangag.

"Wag kang magalala ma. Pagnakatapos na ako nang pagaaral, mommy ko na tawag sa yo." Sabi ko kay mama.

"Dapat lang matapos mo yang pag aaral mo andrei. Mahal na mahal kita anak. Nandito lang ako para suportahan kita." Sagot sabay ngisi ni mama.

Hi-nug ko si mama. Kumain kaming dalawa. Pagkatapos kumain, nagsipilyo. Handa na ako. Handang handa na ako. Sabay suot sa aking salamin.

"Gwapo ko talaga. Kahit anong angle. Hyss"

Habang sinusuklay ko ang buhok ko sa salamin, nagsisigaw si mama sa labas.

"Andrei anak. Sabay ka na kina Tito Lito. Bilisan mo na jan." Sigaw ni mama.

"Oo ma. Patapos na ako." Sagot ko naman sabay takbo palabas.

Nakahanda na ang tricycle na sasakyan ko. Para makasave, sasabay ako kay Tito Lito. Maghahatid kasi nang gulay si Tito sa sentro.

"Superman? Ikaw ba yan? Hahahaha" manghang salita ni tito sa akin.

"Mana kasi ako ni mommy e. Diba mommy? Sabay ngisi.

Binatokan ako ni mama. Hahaha sarap kasi kulitin e. Pero mahal ko talaga yun.

"Sge na ma. Aalis na ako. Wish me luck ma. Iloveyou." Sabi ko sa kanya.

"Goodluck anak. Mag iingat ka. Mahal kita." pahabol ni mama hanggang sa hindi ko na siya makita.

Marami kaming nakitang mga estudyanteng naglalakad papunta sa kanilang eskwelahan. Bagong bag, uniporme, sapatos, at may dalang lunch box.

"Goodluck sa inyong lahat!" pasigaw kong sabi sa kanila.

Ipinaharorot ni tito ang kanyang tricycle. Alam niyang 6am ang pasok ko. 5:50 na kasi e. Hindi ko marinig ang mga sinabi ni tito dahil sa sobranv tulin nang pagpapatakbo nang tricycle.

To be continue............


Love In NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon