Chapter 3: Secret Revelation

19 0 0
                                    

Chapter 3: Secret Revelation

Andrei's Point of View

Tulala akong nakasakay sa tricycle ni Tito Lito. Sabi ni mama kanina susunduin daw ako ni Tito Lito. Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayong araw. Ang pinakasikat na Space Agency sa buong mundo. Doon ako mag-aaral and at the same time magtatrabaho. Unti unti nang matutupad ang pangarap ko. Makakaahon na kami sa kahirapan.

Pero bakit ginawa nila akong scholar sa NASA? Nakakapagtaka. Well, kung ganon, ma swerte ako. Hindi na kami mag uulam nang tuyo pero mag uulam parin kami nun kung sakali. Ma mi miss ko yun e. Fave ko yun e.

"Hoooyyy! Kanina pa ako nagsasalita rito rei. Ba't tulala ka?" Sigaw ni Tito.

Kanina pa pala sya nagsasalita kaso di ko naririnig. Daydreaming lang.

"Alam mo ba tito kung anong nangyari? Ma aamaze ka talaga."
Masaya kung wika.

"Ano yon? Mag kwento ka. Interesado ako." Halatang intereaado talaga sya sa tono palang.

"Ganito kasi yun. Pagpasok ko sa university, tinakbo ko yung room 21. Na late nga ako nang 10 minutes e." Sabi ko.

"Sorry rei kung na late ka. Bagal ko kasing magpatakbo e. Sa susunod, mas pabibilisin ko pa. Hihihi" hilaw na tawa nito.

"Ngee nakikisakay na nga ako sayo tito e. Okay na yon. Hindi ko nga marinig yung mga pinagsasabi mo e kasi ang tulin mung magpatakbo. So ganun ang nangyari, tapos nadapa ako kasi hinarang nang lalaking kaklase ko tapos yun, tumapon yung libro ko at mga works. Sinabihan pa ako na nagsusuot daw akong nang sapatos nang kalabaw o kabayo kasi madami daw putik. Sinuntok pa ako sa panga tapos yun nakatulog ako tapos yung ano......" patay lagot. Nasabi ko lahat. Ang daldal ko talaga. Nakakaoverwhelmed kasi e.

"Anong sinabi mo? Sinuntok ka?" galit na nagtanong.

"Okay na yun tito. Wala lang yun. Tapos wala na akong scholarship sa university dahi---"

"Ano? Wala ka nang scholar sa university. Paano na yan? Paano na ang kinabukasan mo? Paano na kung---" gulat na nagsalita.

"Hindi pa ako tapos magsalita tito. Ang oa mo rin nu? Yun nga. Wala na akong scholar sa university pero mag aaral at magtatrabaho naman ako sa NASA. Gets? Kailan talaga, yang ka OA-han ang pinaiiral mo."naiiritang tugon ko.

"Wow! Big time nang pamangkin ko. Pero kahit na, sinuntok ka nang mga kaklase mo. Pagbabayarin ko sila sa kanilang nga kasalanan sayo. Humanda sila. Papatalasin ko yung itak sa bahay mamaya." Galit na nagwika.

"Okay na kasi tito. Oa mo talaga" binatokan ko matapos magsalita.

Para lang kaming magkaibigan nito nang tito ko. Batukan don. Batukan dito. Parang kapatid lang.

Nang nakauwi na ako, nagluluto nang hapunan si mama sa kusina. Mukhang hindi niya napansin na dumating na ako. Kumuha ako nang isang stick nang walis tingting. Binali ko sa dalawa. Tutusukin ko ang likod sa kanyang tuhod tapos tatahol ako para magulat. Humanda ka sakin mama. Lumakad ako paluhod para di niya ako makita. Nang makalapit na ako, tinusok ko ang likod sa kanyang tuhod sabay tahol.

"Aaaaaahhhh! Bilat syang---" gulat na wika nito.

Kumaripas ako nang takbo. Paikot ikot kami sa maliit naming lamesa habang tumatawa. Galit na galit ang mukha ni mama. Aktong hahambalusin ako ni mama nang walis tambo nang.....

"Opppss! Teka muna ma. May surprise ako sayo. Wag mo muna akong hambalusin nang tambo. Magugulat ka talaga." Ngumisi ako.

"Ano? Bilisan mo! Nanggigil na ako sayong bata ka." Iritang tanong niya.

"Inalis nila ako sa scholarship nang Astro University. Pinalipat nila ako sa NASA. Don na daw ako mag-aaral at magtatrabaho ma. Di ba ang saya nun? Mapapagawa na kita nang bahay, palaging masarap na ang ating ulam, hindi na sabon na panglaba ang gagamitin natin kung maliligo tayo. Okay po ba?" Masayang wika ko.

Nawala ang galit sa mata at mukha ni mama. Walang reaksyon pagkatapos sinabi ko yun. Naglakad sa kwarto ang nagkulong.

"Anyare? May masama ba akong nasabi at bigla syang nagkulong?" Bulong ko sa sarili.

Baka naman may period. Pero menopause na kasi yun e. Hyss naguguluhan na ako. Ganito din ang gagawin nya kung pilitan kung syang pasasagutin kung nasaan ang ama ko. May nililihim ba si mama na hindi ko alam. Bukas ko nalang yun tatanungin. Kahit pa magkulong siya nang ilang beses. May karapatan din akong malaman kung anong nangyari sa akin ama.

Kumain ako nang mag-isa. Nasa kwarto parin si mama. Pagkatapos kung kumain, naghugas ako nang pinggan. Hinanda ko ang pagkain sa lamesa saka tinakpan ko.

"Ma! Pagnagugutom ka, may pagkain dito sa lamesa." Sigaw ko.

Pinunta ko ang kwarto ni mama. Sumilip ako sa pintuan. Umiiyak si mama. Hawak hawak ang litrato ni Papa. Pumasok ako sa kwarto at tumabi kay mama.

"Ma? May nagawa ba akong kasalanan? May masama ba akong nasabi kanina?" Lungkot na tanong ko.

"Panahon na para malaman mo ang tungkol sa iyong ama." Bakas ang lungkot sa kanyang boses.

"Sge po ma. Makikinig ako. Handa na ako." Tugon ko.

"Ang iyong ama ay nagtatrabaho sa NASA. Isa siya sa pinakamahusay na imbentor ang scientist. Nagkakilala kami sa NASA Secret Laboratory Agency. Isa rin akong scientist anak. Namana mo ang kanyang angking talino. Nung 1995, meron silang proyekto. Ito ay ang Project Genesis kung saan, pupuntahan nila ang Marcus Galaxy para humanap nang ilang sign ng life dun. Siya ang nag imbento sa sasakyan papunta don. Ang Blackhole Jet. Ang jet na ito ay nakakapasok at nakakadetect nang wormholes at blackhole. Pumasok sila sa isang wormhole dahil shortcut ito papuntang ibang kalawakan. Nang nakapasok na sila, hindi na namin sila ma detect. Nag observed parin ako sa kalawanan nang dalawang taon ngunit kahit isang sinyales o bakas nila ang wala. Ang libro na iyong binabasa tuwing gabi ay libro yun nang iyong ama. Antok na ako. Ginulat mo pa ako kanina. Gago kang bata ka. Pa hug nga?" Wika ni mama.

Nagyakapan kami. Yun pala ang nangyari kay Papa. All these years, 21 years old of existence in this world. Ngayon ko lang nalaman lahat. Sisingilin kita bukas ma.

Nang makatulog na siya, lumabas ako nang kwarto niya. Kinuha ang librong akala ko ay walang author. Ang author pala nun ay si papa. May ibang pahina ang nawasak dahil sa ginawa nang mga mukong nun sa akin. Well, i will solved it. I will find the secret formula. I will find you Papa.

To be continued........

Love In NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon