Chapter 4: Dream

14 0 0
                                    

Chapter 4: Dream

Mama Bebe's Point of View

"Huwag mung pababayaan ang ating anak Belinda. Nandito lang ako. Hinding hindi ko kayo iiwan. Pag-aralin mo nang mabuti si Andrei. Wag nyong kakalimutang, mahal na mahal ko kayo."

"Wag mo kaming iwan. Kami nang mga anak mo Aldones. Hindi namin kaya. Umuwi kana sa amin." Sigaw ko.

Tumakbo ako papunta sa kanya pero unti unti itong nilamon nang kadiliman. Ngayon nandito ako sa kawalan. Kadiliman. Sumulpot ulit si Aldones sa likod ko. Papunta siya sa akin. E aabot sana niya ang kamay niya nang......

"Aldones! Aaahhhh!" Gulat na napasigaw ako.

Mabilis na tumakbo si Andrei sa kwarto ko. Halatang nag aalala at gulat. Kumuha kaagad siya nang tubig. Inabot niya sa akin ang basong puno nang tubig. Agad ko naman itong nilunok. Namiss ko tuloy ang ama ni Andrei.

Matagal ko nang tanggap na wala na ang pinakamamahal ko. Siguro sa sobrang pagod lang ito kaya binabangungot ako. Nakatingin sa akin si Andrei na mukhang nag aalala.

"Anong nangyari ma? Nananaginip ka nanaman ba kay papa?" Tanong nito.

"Wala yun anak. Pagod lang siguro ako." Tugon ko.

Biglang kumulo ang tiyan ko. Sa sobrang lakas, nadinig yun ni Andrei. Hindi pa pala ako kumain kagabi.

"Yan kasi. Hindi ka kasi kumain  kagabi. Yan tuloy. Buti nalang, hindi kaldero yung napanaginipan mo. Naku, hindi ko kaya talaga ma kung mawala ka pa sa akin." Nag alalang wika nito.

"Kung mangyari man yun, hanapin mo nalang ako sa mga kaldero rei." Tugon ko sabay ngisi.

"Halika ka na dito ma. Kain na tayo. Nagluto ako nang almusal. Tuyo nanaman ulit. Hahaha." wika nito.

"Ang swerte ko talaga sayo anak." Sabi ko.

Ngumisi lang ito saka kumain. Ngayon ko lang napagtanto. May karapatan ka nga anak na malaman mo ang katotohanan. Ano bang iniisip ko. Gutom na ako.

Habang kumakain kami, may biglang kumatok sa pintuan. Agad namang tumayo si rei para buksan ang pintuan. Kilala ko ang taong ito. Hindi ako nagkakamali.

"Dr. Nicholas?" Gulat na wika ko.

"Matagal na tayong hindi nagkikita Mrs. Luna. Matagal na panahon na hindi kana bumalik sa lab. Ngayon ko lang din nabalitaan na nandito pala kayo. Hinanap ko kayo kung saan saan pero di ko kayo nakita. Hyss" wika nito.

Ba't nandito siya? Ba't alam niya kung nasan kami? Hindi ko natatandaan. Teka. Yung kagabi, sinabi ni Andrei sa akin ang tungkol sa pagalok sa kanya nang scholarship sa NASA. Hindi ako papayag na kukunin nila sa akin ang anak ko.

"Nandito ako Belinda upang ipagpaalam sayo na sa NASA mag-aaral at magtatrabaho si Andrei dahi---"

"At ano? Bubuhayin niyo na naman ang Project Genesis? Matagal na kaming nanahimik. Tapos kukunin niyo ang anak ko para gawin yun? Hinding hindi ako papayag Dr. Nicholas." Galit na tugon ko.

"Ngunit ang anak mo ang susi. Susi para makapunta sa Marcus Galaxy. Siya rin ang pag-asa para makita ang nawawala natin kasamahan at si Aldones." Wika nito.

"Ayoko Dr. Nicholas. Maari na kayong umalis." Tugon ko.

Tumayo si Dr. Nicholas sabay suot sa kanyang coat at sombrero. Nagpaalam ito sa aking anak at sa akin saka umalis.

Lumapit sa akin si Andrei. Ang mata niyang nagtataka at litong lito. Mababasa mo sa kanyang mata ang katanungan sa kanyang isip.

"Ano ma? Anong nangyari? Pina-alis mo ang nagalok nang scholarship sa akin. Tama lahat nang sinabi niya. Ma, gusto ko ito. Gusto kung makita lahat. Ma diskubre lahat. Ito ang pangarap ko ma. Wag mo naman sanang putulin. Ito ang tanging paraan para makita ko ulit si Papa. Ayaw mo ba nun? May karapatan din akong lumigaya ma. Sawa na ako sa ganitong buhay. Ba't ayaw mo akong papasukin?" Galit na tanong niya.

"Kasi ayaw kong mawala ka sa akin anak. Ayaw kong sapitin mo ang sinapit nang iyong Ama. Napanaginipan ko siya kanina. Ang sabi niya, huwag kitang pababayaan. Ginawa ko naman ito para sa kaligtasan mo." Tugon ko at halatang tutulo na ang luha ko.

"Oo. Tama ka ma. Ligtas nga ako. Pero pinatay mo naman ang lahat nang pangarap ko." Agad tumakbo palabas.

Masama ba akong ina? Hindi ko maibigay lahat nang gusto niya. Matagal na niyang pangarap ito at ako ang naging hadlang sa lahat nang iyon.

Nag hapon na ngunit hindi pa rin bumalik ang anak ko. Kasalanan ko itong lahat. Nagluto ako nang haponan para pagdating niya, may makakain siya.

Andrei's Point of View

Malamig talaga ang simoy nang hangun dito sa pangpang. Kahit konti, naibsan ang lungkot sa aking puso. Tumingala ako sa kalangitan. Unti unting lumilitaw ang mga bituin sa kalangitan. Mag gagabi na kasi. The sounds of crickets, the whispers of the wind, the chattering of stones and water, the chirping of the birds. Hysss buhay nga naman. Uuwi na ako. Baka gabihin ako sa daan. Aaktong lalakad na ako nang may tumalon na palaka.

"Waaaaaah! Anak nang palaka!" sigaw ko.

Tumakbo ako palayo. Dumadami kasi ang palaka kapag nag gagabi na. Hindi ko na naisip yun dahil sa sobrang dami nang iniisip ko. Nang nakauwi na ako, nakatulog si mama sa lamesa. Hindi pa ato to kumakain. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Mukhang hinihintay niya ako na makauwi. Nagising ito. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko. Mga mapupungay niyang mata. Kinagat ko nalang ang labi ko. Naaawa ako sa mama ko.

"Kumain ka na ba anak? Kumain na tayo. Alam kong gutom na gutom ka na. Umupo kana." Sabay ngiti nito.

Umupo ako. Kumuha nang kanin at inilagay sa pinggan ko. Oh? May juice pa. Matagal na akong hindi nakakainom nito. Ipinagsalin ko rin si mama nang juice bago kami kumain.

"Anak, may sasabihin ako sayo." Wika nito.

"Ano po yun ma?" Tanong ko.

"Pinapayagan na kitang mag aral at magtrabaho sa NASA. May karapatan kang lumigaya anak. Alam kung matagal mo nang inihintay ang pagkakataon na ito. Ibinigay ko na ang basbas ko. Mag ingat ka sana anak. Mahal na mahal kita." Sabay ngisi ngunit napalitan nang hikbi.

"Wag ka nang umiyak ma. Alam kong mahirap ito sayo. Ginagawa ko naman ito para sa sayo. Para sa ating dalawa. Wag kang mag alala. Mag iingat ako dun. Malay mo, magkikita kami ni papa tapos don din ako makakakita nang babaeng para sa akin. Gusto mo nang babaeng jupiter? Saturn? Pluto? Mars?" Sabay punas nang luha sa pisngi ni mama.

"Wag kang mag alala ma. Okay lang ako don. Mag vivideo call tayo parati. Bibilhan kita nang android ma." ngising wika ko.

Ngayon, masaya na kaming kumakain at naguusap. Alam kong masakit at mahirap kay mama yon. Ngunit binigay parin ni mama. Matagal na niyang alam ang pangarap. Magiging kompleto ulit tayo mama. Hahanapin ko si papa kahit saang kalawakan. I will bring him home no matter what.

To be continued........

Love In NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon