Prologue

156 4 0
                                    

Prologue

Loud rock music filled my ear as I enter the club. God! I missed this place.

I roam my eyes and see familiar faces. Dito ako madalas pumunta kasama ang aking mga kaibigan.

We had an out of town trip with my family for two weeks so I kinda missed this place. Pa'no ba naman, ang boring ng trip na yun!

My mom talked to me to join them as a peace offering since we always had a fight these past few months. She begged me to join them so I had stuck with no choice.

"Dree! Oh God, I missed you," Ashli exclaimed as if we don't see each other for two years.

I rolled my eyes. "Two weeks lang ako nawala. Miss na miss mo naman ako," I said sabay beso sa kanya at sa iba pang kaibigan ko na nasa mesa.

Tinampal lang ako ng kaibigan ko.

"Don't worry, na-miss ko din kayo," bawi ko at nginitian sila.

"Saan ka ba nagbakasyon? And what happened to your hair? Anong ginawa mo at mukhang mas gumanda ka, ah," puri nila na nginitian ko lamang.

I got a hair cut. People really liked my hair long so I cut it short. Gusto ko pa ngang paiksian pa.

"So really, how's your trip?" pang-uusisa nila. Kumuha muna ko ng maiinom bago sila sinagot.

"Nah. So boring. Sobra kong nagsisisi kung bakit nga ba sumama pa ako roon. Nakakainis silang lahat."

"Hay, Dree," Naila, my other friend, said to me na para bang disappointed siya.

"Look, mom mo na ang gumawa ng paraan para magkaayos kayo tapos di ka pa maging happy."

Tinignan ko siya ng matalim bago lumagok sa aking cocktail.

"I don't freaking care 'bout them. Drop the topic. What's important is I'm back," sabay pasada ko ng tingin sa paligid.

Maingay na ang buong bar at marami nang nagsasayaw na tao. The party's in full blast.

Sumimsim ako sa cocktail at inubos ito sa isang lagukan.

"By the way girl, you know what?"

Tamad ko siyang tinapunan ng tingin. "What?"

"The famous Jared Leviste is here. Just around us," ngisi niya.

Kumalabog ang puso ko matapos marining ang pangalan niya.

Damn. After two weeks makikita ko ulit siya. After what I've done, my God!

"What brought him here? The last time I checked, he's never fond to go in places like this. Oh please."

Inirapan ko lamang sila habang pinaglalaruan ko ang aking baso. Kahit na ang totoo ay tensed na tensed na ako.

The thought of him just near us makes my freakin' heart beat faster. Oh, what can he do to me and I so hate it.

"Well, he's with his girlfriend naman, girl. He's with Zoe."

Nalaglag ang panga ko matapos marinig yun.

The hell with him! Of course he wouldn't go here if he's not with her girlfriend!

Libo libong kuryente ang bumalot sa sistema ko. Galit, poot, selos at inis. At hindi ko matanggap na ang makapagbibigay ng ganitong klaseng halo halong emosyon ay ang walang hiyang Jared na iyon.

"The hell I care," sagot ko at walang pag-aalinlangang tumayo at dumiretso sa dancefloor para makihalo sa mga taong nagsasaya.

I'm here to party. I'm here for fun and not for anything nor anyone else!

Nakisabay ako sa mga taong nagsasayaw at sinimulang igalaw ang katawan ko sa ritmo ng musika. Nagpakalunod ako sa maingay na dance music. Nakataas ang kamay ko habang ginagawa iyon.

Mas lalong umingay ang buong bar habang tumatagal. At unti unti kong inaalis ang galit na nabuo sa aking sistema kani-kanina lamang.

Nagulat ako ng may naramdamang humawak sa aking baywang. Kung karaniwang araw ito ay papatulan ko sana kung sino man ito, ngunit hindi nga maganda ang timpla ko. Kaya't hinawi ko ang kanyang kamay at walang paalam ko siyang tinalikuran.

Nagmartsa ko pabalik sa aming table. Ngunit hindi pa ko tuluyang nakakalapit sa aming mesa ay may nabunggo ako.

"Oh shit. I'm sorry," hinawi ko ang buhok ko at taas noong maglalakad na sana pabalik sa aming mesa ng biglang may humawak sa braso ko.

"Oh wait, Dree?" sabi ng lalaki.

Damn. He is Jared's friend.

"Jayce? Oh, hi! Ikaw pala 'yan," hilaw ko siyang nginitian.

I need to get out of here. Immediately.

"Nakauwi ka na pala? I've heard you went out of town? Haven't seen you in a while," usisa niya na para bang super close kami. Duh!

"Yes actually, that's why I'm here. I'm with my friends so if you'll excuse me now," I said trying to cut the conversation immediately.

"I'm with some friends too. Oh Red! Here!" tawag niya sa may kabilang banda.

Shit, 'eto na nga ba ang sinasabi ko.

Mabilis na nakalapit ang grupo nila Red sa amin.

"Look who I bumped into! Audree's here na pala," wika nitong madaldal na lalaki na 'to.

Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga ng magtama ang mga paningin namin. Iniwas ko na lamang ang aking tingin, sa huli.

The last conversation we had is before I went out of town with my family. And damn it, I was drunk that time.

"Oh babe, your friend's here na pala, aren't you aware?" utas ng kanyang girlfriend na si Zoe, nang makitang walang balak si Red na kausapin ako.

Oh please! I don't wanna talk to him either. Not now that my mind's still in tangled.

Taas noo ko siyang nilingon kahit na ang totoo'y gusto ko ng tumakbo palabas sa lugar na ito.

Ang kanyang buhok ay malinis ang gupit gaya ng huli naming pagkikita. Ang kanyang kilay ay nadedepina lalo ang kanyang malalim na mga mata.

His piercing eyes bore into me.

"Nope. But I'm glad your back Audree. Didn't know that your short vacay will make you more beautiful. I kinda missed you," ngumisi siya pagkatapos noon.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Natahimik din ang grupo nila sa sinabi ni Red. Na kahit ako ay ang naririnig na lamang ay ang kalabog ng aking traydor na puso.

Hah! Diyan siya magaling! Sa pambobola!

Matamis ko pa rin siyang nginitian kahit ganoon. Mahusay akong artista na kaya ko pa siyang nginitian ngayon kahit na sa totoo lang hindi na ako mapakali.

"I know I'm pretty Jared, but thanks anyway. My friends are looking for me now, so if you'll excuse me," utas ko sabay dire-diretsong naglakad patungo sa aming mesa at hindi na siya inantay na magsalita pa.

That jerk, asshole.

Maybe Someday, Maybe NotWhere stories live. Discover now