Chapter 3
Noong bata pa ako, I'm always scared when I felt too much happiness.
Natatakot akong pagkatapos kong sumaya at kumain ng maraming ice cream ay sasakit ng sobra ang ngipin ko at iiyak na lamang pagkatapos. Natatakot akong pagkatapos kong makipagtawanan ng sobra sa aking mga kaklase ay malalaman kong mababa at bagsak pala ang nakuha kong score sa exam.
I'm afraid that after every bit of happiness always comes sadness.
I'm scared when things get too good and too right and too perfect, because I know the ugly twist is on its way. It's scary.
"Uy Dree, not sure naman kung totoo talaga yun. But I ask my other friend sabi niya she's not lying naman," sinabi ni Ashli na para bang tinitimbang ang aking ekspresyon.
Nasa condo ko lang kami ngayon. Nagpapalipas oras bago pumunta ng club.
He said kasi na Red was seen in a fine dining restaurant with Zoe the other day. I don't really know how to react. Manhid na yata ako ngayon. Sa tagal ba naman ng pagiging masokista ko at pagtatanga tangahan ay hindi pa ba ko masasanay.
"It's okay. Thanks for letting me know. I just don't know what I'll do."
"Eh diba that day, if I remember clearly, hindi ka niya nasundo nung nag mall tayo right? Or not?" tanong niya na para bang naguguluhan siya.
She's right. Yun nga yung araw na yun na hindi ako nasundo ni Red.
"Yes, it was that day. He said to me that he's not really feeling well and he can't fetch me. Sinabi ko pa noon na I'll go straight to his condo to check on him but he insisted that he can handle. That he just needs rest," I sighed.
"Damn that guy. I don't really like him for you. In the first place bakit ka ba kasi pumayag na maging panakip butas sa impaktang Zoe na yun," hindi niya na maiwasang tumaas ang kaniyang boses.
Huminga lang ako ng malalim. "Let's not conclude first alright? I'll talk to him later about this."
Biglang tumunog ang aking telepono. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. It's Red.
"Speaking of," irap ng aking kaibigan nang nakita kung sino ang caller. Hindi na ko tumayo para sagutin ang tawag.
"Yes, hello," sabi ko.
"Dree, can we meet later?" sa tono pa lang niya, alam kong may mali na. Hindi ko iyon mapangalanan pero ngayon pa lang nasasaktan na ko.
"Why? May usapan kasi kami nila Ash mamaya," sagot ko.
"I just have something to tell you. After that, you may go with your friends. I'll just text you the address," he assures me.
"Fine," binaba ko ang tawag at hindi ko na siya inantay na sumagot pa.
Ngayon pa lang parang alam ko na ang sasabihin niya. Parang nilulukot ang puso ko at ngayon pa lang, nasasaktan na ko ng sobra.
"Anong sabi?" tanong ng aking kaibigan.
"He's asking me to meet him tonight. He said he'll tell me something."
"Yan na nga ba ang sinasabi ko! Tsk! Gago talaga! Kaya ako 'pag tinatanong kung anong hanap ko sa isang lalaki, sagot ko agad ay yung walang ex! Para walang babalikan!" sunod sunod ang kanyang mga sinasabi.
"Kitain ko muna siya, bago tayo pumunta sa club. I want to settle it now, once and for all," tumayo ako para makapagbihis na.
"Okay. Sige ihahatid na kita and I'll wait for you. Doon lang ako sa sasakyan ko habang nag-aantay."
YOU ARE READING
Maybe Someday, Maybe Not
Teen FictionMaybe when we meet again and the world will finally permit us, we can happen. Maybe someday, maybe not. Audree Callie Villanueva's story.