Chapter 2
My mom said that I should always tell someone how I feel because regret can last for a lifetime.
Now, I didn't regret anything I said to Red. Maybe it's time to let him know what I really feel.
Nasa condo ako ngayon. It's Sunday at wala pa kaming pasok. Nasa may veranda lang ako while thinking some things.
Hindi pa nagtetext si Red simula noong nagkasagutan kami. I don't know. Maybe he thinks that I may put malice if he keeps on bugging me. It still hurts but I can't do anything about it.
Isang linggo na rin noong huli kaming nagkita sa bar and I haven't heard news about him. Umuwi rin kasi ako agad after ko silang makita ni Zoe at ng kaniyang mga kaibigan.
Alas otso na ng gabi at tamad na tamad lang akong nakatayo dito sa aking veranda nang biglang tumunog ang aking telepono. Inabot ko ito sa center table at tinignan kung sino ang nagtext.
It's my cousin.
Julian:
Dree are you busy? Can you come to Red's condo? He's totally a mess right now. Nag break sila ni Zoe. And I don't know how to handle him, he's so drunk. I need your help, please come. May lakad din kasi ako ngayon.
Nagulat ako sa message ng aking pinsan.
What the hell? Bakit nag break sila ni Zoe? Mahal na mahal niya yun for Pete's sake. Hindi ko maisip na kaya niya iyong hiwalayan.
Even though we're not in good terms, I still care for him. I'm evading him for weeks now and I'm kinda guilty because I ruined our friendship.
Nagpalit lang ako ng maayos na damit at agad na tumulak patungo sa condo ni Red.
Nag door bell agad ako pagdating ngunit walang nagbubukas. Kaya binuksan ko na lamang ito ng tuluyan. It's not locked.
Nag vibrate ang aking cellphone at inopen ang kadadating lang na message.
Julian:
Saan ka na? Please take care of him. Umalis na ako kasi natutulog na siya and nagmamadali ako. I don't know how to cook. Just prepare him some soup. Thank you and I'm sorry for disturbing you.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Me:
I'm here now Julian. Okay, ako na ang bahala sa kanya. It's nothing.
Pagkatapos noon ay pinuntahan ko na siya sa kanyang kwarto. Mapayapa siyang natutulog sa kanyang kama. Ang kanyang mukha ay napakaamo.
Nilapitan ko siya at inayos ang kumot sa kanyang katawan.
Nagpasya akong magluto muna ng sabaw bago siya gisingin.
Nang matapos ako ay dinala ko na ito patungo sa kanyang kwarto. Nilagay ko muna ito sa side table.
"Red," mahinahon kong tawag sa kanya.
"Red, wake up. Kumain ka muna," kinalabit ko na siya para tuluyan na siyang magising.
"Hmmm," gumalaw siya at unti unting minulat ang kanyang mga mata. "Uh, Dree?" para bang nagulat siya.
"What are you doing here? Shit my head hurts," at hinawakan niya ang kanyang ulo.
"Bakit ka ba kasi naglasing? We all know na mahina ang tolerance mo sa alak. You hate drinking and hangovers diba? So look at you now! Yan ang napapala mo," sermon ko sa kanya.
"'Wag mo nga kong sermunan Audree. What are you doing here by the way? Last time I checked, you're mad at me," iniwas niya ang tingin niya sa akin.
YOU ARE READING
Maybe Someday, Maybe Not
Ficção AdolescenteMaybe when we meet again and the world will finally permit us, we can happen. Maybe someday, maybe not. Audree Callie Villanueva's story.