Chapter 1

87 4 0
                                    

Chapter 1

Jared Leviste is a dear friend of mine. We know each other since when I was 10 and up until now that I'm 22 years old.

Barkada siya ng mga pinsan ko kaya matagal ko na siyang kilala. Lagi siyang nandiyan sa lahat ng mga event sa aming pamilya, kaya hindi maiiwasan na lagi kaming nagkikita.

Lagi pa nga akong binibiro noon ng aking mga pinsan na gusto daw akong ligawan ni Red, pero kahit kailan naman ay hindi niya sinubukang gawin.

Palabiro at palakaibigan siyang tao kaya't madali niyang makuha ang loob ng lahat. Hindi ko na nga matandaan kung paano kami naging sobrang close, basta ang naaalala ko na lang ay lagi na siyang nandiyan sa aking tabi.

Lagi niya akong pinagtatanggol noon sa mga umaaway sa akin, handang punasan ang aking mga luha sa tuwing ako ay umiiyak, samahan akong kumain ng ice cream at sa lahat ng bagay ay lagi siyang nandiyan.

He's five years older than me. I've known him for almost half of my life. and he's always been there for me. Hindi siya nawala sa tabi ko kahit kailan.

We have opposite traits but we clicked together as best buddies.

I am a rebel happy go lucky girl who loves to party. While he hates clubbing. Take note, he can make girls fall for his words and actions, still not aware that he's a heart breaker. Tsk, sobrang mambobola.

Nagkakaroon siya ng mga kasintahan at ganoon din naman ako, I also date but I'm not taking it seriously. Yun lang siguro ang pagkakapareho namin. Hindi namin sineseryoso masyado ang mga bagay lalo na pagdating sa pag ibig.

Until he got a serious relationship with Zoe, last year. Sobra siyang nabaliw sa babaeng iyon. At sa unang pagkakataon, sa kanya lamang siya nagseryoso. Na halos mawalan na siya ng panahon para sa ibang mga bagay. Kasama na ako doon.

After niya magkaroon ng seryosong girlfriend, bihira na siyang magpakita. Kaya naman mas napadalas ang pagpunta ko sa mga bars, mas dumami din ang mga lalaking pinagbigyan kong makasama. Mas naging bugnutin din ako at hindi ko alam kung bakit.

That's when I realized something, sobrang nami-miss ko na siya. Ayokong makita siyang nagseseryoso sa ibang babae at may pinagtutuunan ng pansin maliban sa akin. Sobra kong nasasaktan. At bakit ako masasaktan?! Wala akong karapatan na masaktan ng ganito kasi magkaibigan lang kami! 

Sa lahat ng bagay na ginawa at ginagawa niya para sa akin, minsan ay di ko mapigilang bigyan iyon ng kahulugan. Pero isinantabi ko nang halos ilang taon ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya para hindi ko masira ang pagkakaibigan namin.

I can't be in love with my friend right! Ayan ang paulit ulit kong pinapaalala sa aking sarili sa mga nagdaang taon. Kahit na alam kong may nararamdaman na ko sa kanya, pilit ko iyong ibinaon sa kaila-ilaliman ng aking puso. Hindi puwede!

Hanggang sa sobra akong nasaktan sa pagseseryoso niya kay Zoe at pilit kumakawala na naman ang pag ibig na matagal ko nang ibinaon sa hukay.

I really tried my best to stop this feeling. Hindi tama. Kahit kailan ay hindi magiging tama 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Magkaibigan kami eh. Tangina, magkaibigan kami! Hindi p'wede! Sobrang okay na kami na ganito, bakit kailangan ko pang guluhin dahil lang sa nararamdaman ko.

That's why umiwas ako, I ditched so many huddle with him or with the group. I made all the excuses I can just to not see him.

Because I want to stop it, I really want to stop this shit feelings for him.

Pero ang hirap! Kahit anong pilit kong subok ilibing 'tong nararamdam ko, pilit pa ring kumakawala at wala na yatang planong magbago. Si Red na ang nagmamay-ari ng puso ko, na kahit ako hindi ko na ito ma-control. Kung pwede ko lang utusan ang puso na tumigil na sa pagtibok para sa kanya, matagal ko nang ginawa.

Maybe Someday, Maybe NotWhere stories live. Discover now