Beyond Reality

16 1 2
                                    

Sa aking pagmulat sa mundong ibabaw na aking ginagalawan
Aking nakita ang liwanag at kadiliman ng aking buhay
O kay sakit at kay saya aking nadarama
Na sa aking bawat ngiti ay kakabit nito ang pighati at ligaya

O kay sakit na malaman na ang aking pangarap na mamuhay ng normal ay hanggang pangarap na lang pala talaga
Na parang sa isang pelikula na ako ang direktor at bida
Kay hirap isipin at tangggapin na ganito na pala talaga simula palang nung una
Na ako pala ay nakakulong na sa aking sariling silya

Sa pagdaan ng panahon para akong isang lata
Isang lata na isang yapak at sipa lang ay yuyupi na
Tinanggap , tinawanan at binalewala ang mga lait at panghuhusga ng lipunan upang ako ay itumba
Itumba na parang puno na nawalan ng bunga

Kay sakit isipin na isa pala akong latak ng lipunan
Lipunan puno ng panghuhusga
Minsan tinanong ko siya
Bakit ako pa?  Bakit sa dinadami ng tao ay ako pa?
Anong rason? Anong dahilan upang ako ay  manitili pa?
Masaya ba siya?  Masaya ba siya na ako ay nagdudurusa sa pangungutya nila?

Kay dami kong katanungan na hanggang sa ngayon gumugulo pa din sa akin isipan
Minsan na isip ko wakasan ko na lang kaya lahat? upang matapos na
Matapos na ang paghihirap at pag tiya tiyaga nila sa isang katulad kong wala naman alam gawin kundi umupo at magpabigat sa buhay ng iba

Sa pagpasok ko sa mapagbirong mundo ng edukasyon
Nalaman kong hindi pala ako nag iisa, Mapalad pa rin pala ko kesa sa iba
Nalaman ko rin na masarap sobrang sarap ,
Sobrang sarap pala talagang mangarap ,Mangarap ng mataas katulad ng iba  na hanggang ulap

Sa pagdaan panahon nalaman kong ang sarap pala talagang mabuhay
Mabuhay na puno ng saya at ligaya
Ligayang walang humpay sa piling ng pamilya
Pamilyang buo at alam mong tanggap kahit ano ka pa

Pamilyang handang sumuporta at umalalay kahit saan ka mapunta
Pamilyang na aking naging lakas upang ako ay mabuhay pa
Pamilyang na aking naging panangga sa paningin ng iba
at Pamilyang handang tanggapin ka kahit sino ka pa

Kay sarap mabuhay kahit sa isang imahinasyon lamang ay wala ka ng mahihiling pa :)


Beyond RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon