6.Yash-Elle

465 10 3
                                    

Iniabot sa akin ni Elle ang isang envelope at agaran ko itong binuksan. Ano to ? Love letter para sakin ? Eew .

"Ms. Lireah gave that to me. " sabi nito. Ah okay , akala ko naman kung love letter NANAMAN . Pinagmasdan ko ang mga notes na natanggap ni Eya na puro masasamang salita ang ipinapataw sa kanya . At hindi na ako nabigla na nasa pinakadulo ang dalawang larawan nya  kasama ang isang di kilalang lalaki habang natutulog na nakahubot-hubad. Ang isa'y kuha malayuan upang ipakitang dorm talaga ito ni Eya at ang isa'y malapitan na Kitang kita ang mukha ni Eya di tulad ng sa katabi nito na hindi masyadong maaninag ang mukha dahil nakatagilid ang mukha nito, pero nakaagaw ng pansin ang tattoo sa kanang dibdib ng lalaki . "S ♡ M "

Hindi maitatangging mapaniwala ka kaagad kapag nakita mo itong litrato. Naririto rin ang larawan ng kanyang mga magulang ng matanggap nila ang litrato.

"So what do you think?" Tanong ni Elle

"Impressive . Napakagaling ng pagkakaset-up sa kanya . Kaya hindi talaga maaalis na mapaniwala ka kaagad. Pero mayron at mayroong imperfections sa set up na to. Nobody's perfect except for me "

Sagot ko.

"Tama kahit ako  ay medyo naimpress. So let's start the discussion ." Pagsasang-ayon nito sa sinabi kong impressive . Tsk ,  At inilagay nito ang mga larawan sa mesang nasa harapan namin.

"Babae ang may pakana nito. Hindi naman ganuon ka arte ang pananalita ng mga lalaki but Gays do . At hindi sila mag-aaksayang magpadala ng mga ganung sulat , base narin sa sulat na pinapadala sa kanya . At siguro'y may binayaran ang may pakana nito para maset-up si Eya. Pathetic tss " Pagsasalaysay ko . Kapansin pansin naman kasi iyon . Masyadong tanga ang nag-isip ng planong to.

Tumango-tango si Elle .

"Very well said. At idagdag nating NBSB sya kaya hindi rin naman natin masasabing ang boyfriend nya ang kasama nya sa picture. Kaya obvious na binayaran lang ang lalaki. " Pagdadagdag ni Elle sa mga sinabi ko. May point sya ..

"I'm sure si Eya ang nasa picture . At sa dorm talaga ito kinunan."

"Tama , hindi nga maipagkakaila yun . Pero idenideny ito ni eya. Sabi niya'y kelanman di nya ginawa ang bagay na yun  kasama ang isang lalaki." Ano nga ba ang pwedeng dahilan kung paano ito nangyare.

Nagkaroon ng konting katahimikan sa kwartong iyon. Maigi kong tinignan ang larawan . Pilit kong iniisip kung paano ito maaaring mangyare. Makikitang maliwanag ang kwarto nito dahil narin nakabukas ang ilaw na isang katangahan sa ginawang pag set-up. Myghad ang tanga talaga. Habang tinitignan ko ang bawat sulok ng larawan ay napadako ang tingin ko sa mesa na nasa gilid ng kama nito . Kapansin-pansin ang inumin nito na galing starbucks ngunit hindi naubos . Posible nga kayang.....

"Hinaluan ng pampatulog ang inumin nito.I don't know what exactly happened but that's the least reason to be considered. At yun ang rason kung bakit wala syang maalala pag gising nito. Sigurado akong pagkatapos nitong kuhanan ng litrato ay binihisan rin nito si Eya. " Pagpapaliwanag ko . Napangiti naman si Elle sa paliwanag ko . Oh well - I'm intelligent .

Kinuha nito ang kanyang cellphone at may mga pinindot pindot hanggang nakarinig ako ng ilang pagriring ng niloud speaker ni Elle ang tawag at narinig ko ang boses ni Eya sa kabilang linya .

"Magandang umaga Ms. Bella , napatawag ka ? Nalaman niyo naba kung sino ang nasa likod ng nag set up sakin ?" Tanong nito.

"Soon but first I wanna ask something. Ikaw ba ang bumili ng inumin mo noong araw na yun. May nakita kasi kaming inumin sa larawan . "

As expected . Yan ang itatanong nya

"Hmmm , yung sa starbucks ba ? Si Kuya Mico ang bumili nun , isa sa mga driver namin. Sa pagkakaalala ko . Tinanung niya ako kung may ipapabili raw ba ako dahil inutusan sya ni dad para mag grocery para sa akin. So nagpabili ako ng inumin para hindi ko na kailangang lumabas. Tapos nung dumating siya binigay niya muna sakin yung pinabili ko bago siya dumiretso sa kusina para ayusin. Nag-alok ako ng tulong pero he insisted . So I decided to go to bed while drinking it." Paliwanag nito.

"At hindi mo iyun naubos dahil di mo namalayang nakatulog kana .. " tuloy ko sa sinasabi nito. Unti unti ko ng naiintindihan ang mga nangyare at napangiti ako .

"Oo ganun nga , siguro dahil pagod ako nung araw na yun. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako . Paggising ko itinapon ko na rin yung inumin. " sagot nito

Such a genius Yashmine ! Napasmirk ako ng tuluyan sa sunod sunod kong narinig sa kanya .

"I see , close ba kayo ng Mac-uhm Mico ? na iyon ?" Sunod ko namang tanong.

"Oo naman , para ko na rin siyang kuya . Sa Maxwell U. din siya nag-aaral , nagstop kasi siya noon pero ngayon scholar siya ni dad kaya nakakapag-aral siya." Oh poor Eya .

"Okay , could you please text me his details . We'll call you again later ." At ibinaba na ni Elle ang tawag.

-

Pagkatapos ng isa't- kalahating oras .

Nag-order ng merienda si Elle habang kami'y nagbe-brainstorm . At ngayo'y may kausap siya at ako nama'y inaayos ang gamit ko  dahil may kukunin ako sa locker.

"Tito , when will I get the result ?" Tanong nito sa kausap . Napangiti ito sandali at tumango tango pa . Nagpasalamat ito sa kausap at pinatay ang tawag .

"My tito will bring the result here after 1 hr. " buti naman at makukuha narin namin ang resulta ngayon . Myghad ayoko pa namang pinag-aantay ako .

Lumabas na kami ng office . Naririto kami sa University . At 9 am nung ginulo kanina ni Elle ang beauty sleep ko . Habang naglalakad kami ay binasag ko ang katahimikan .

"Let's have our lunch after this ." Tsk . I'm starving . And I wanted to eat as many as I can. Sexy parin naman ako kahit gaano pa karami kainin ko .

Pagkarating namin ay nakita ko sa may locker si Yram . Nagtataka ba kayo kung bat si Yram ? Me too. HAHAHAH . Nakasuot ito ng off shoulder dress at pinares nito ang stilleto nito . Nakared lipstick ito at kulot ang dulo ng buhok nito. Really Yram nakapag-ayos ka pa sa konting oras na binigay ko sayo .

"Here Yash" at inabot nito ang envelope na laman ang isang printed photo . 

"Sobrang hirap ng pinagawa mo ha ? Myghad Yash ! Hmmp basta ha ? Yung kapalit nito ! I'll set the date of our day out .  Oh My G i'm so excited !" At ngumisi ito . Ano nanaman kayang naiisip nito.

"Okay , You may go ."  Sabi ko na dahilan ng pagsama ng tingin nito bigla sakin .

"Tsk" at dumiretso na ito sa parking lot para umuwi na.

Sumunod kami at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan at dumiretso sa restaurant ng tita ni Elle. Medyo may kalayuan ito sa University pero worth it narin , maganda ang restaurant at dito kami nagtanghalian. Masasabi kong masarap nga ang mga pagkain dito . Pero of course mas masarap ang luto sa bahay . We have the best chef !

-

After 15 mins. nakabalik na kami sa University . May 5 mns. pa bago dumating yung resulta. Walang umiimik sa aming dalawa at walang may balak bumasag nito . Ilang minuto ang lumipas pero ganun parin hanggang narinig namin ang tunog ng chimes na hudyat na may pumasok sa office at sabay kaming napalingon sa pumasok . Isang may katangkarang binata, magulo ang buhok at di maayos ang pagkakabutones ng polo nito pero di maipagkakaila ang kagwapuhan nito. Pero di parin pasok sa standards ko . Duh !

"Bella ." Sabi nito . Tumingin ako kay Elle na walang emosyon ang mukha . Hindi ito umiimik . Really ? Si Elle lang ang napansin nito .

"Dad told me to bring you the result. Here" at akmang iaabot niya ang envelope kay Elle

"Put it there . " turo ni Elle sa lamesa sa gilid . Nang natapos nitong ilagay ay nagpatuloy sa pagsasalita si elle.

"Thank you ." Tuloy ni Elle. Magsasalita na sana ang lalaki pero pinutol ito ni elle

"Tell tito .." at inalis nito ang walang emosyong tingin sa lalaki .

Ilang sandali pa ay umalis narin ang lalaki . Tinignan ko ng taimtim si Elle at nakakita ako ng bahid ng kalungkutan sa mga mata nito. Pero bigla itong napalitan ng walang emosyon . I know , there's something between Elle and that boy . Halata naman sa mga kinikilos nila . And I'm sure this Something is from their Past .

The Campus Maldita'sWhere stories live. Discover now